Professional Documents
Culture Documents
LS1 OpinyonOKatotohanan
LS1 OpinyonOKatotohanan
LS1 OpinyonOKatotohanan
1
Opinyon: sa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin,
para sa akin, sa ganang akin…
Hal.
1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa mahkakaibigan ang pagtitiwala sa isa’t-isa.
2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos.
Kuwarter 2, Linggo 3
V. HULING PAGSUSULIT
Isulat sa patlang ang titik K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan. Isulat ang O
kung ito ay isang opinyon.
____ 1. Kulay itim, tuwid, at mahaba ang buhok ni Julia.
____ 2. Ang tuwid na buhok ay mas maganda kaysa sa buhok na kulot.
____ 3. Ang gagamba ay hindi insekto.
____ 4. Nakatatakot ang mga gagamba.
____ 5. Mas masarap ang mga prutas kaysa gulay.
____ 6. Ang mga prutas ay may iba’t ibang bitamina at mineral.
____ 7. Labag sa ating batas ang magbenta ng alak sa mga bata.
____ 8. Dapat ikulong ang mga batang umiinom ng alak.
____ 9. Bibilis ang pag-unlad ng ating bansa dahil sa pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel.
____ 10. Sunud-sunod ang pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel.
____ 11. Bumisita sa Pilipinas si Pope Francis noong Enero 2015.
____ 12. Lahat ng Pilipino ay nasiyahan sa pagbisita ni Pope Francis.
____ 13. Kapag mayaman ang isang pamilya, masayahin at nagkakaisa ang mga miyembro nito.
____ 14. Malaki ang bahay at magagara ang mga kagamitan at sasakyan ng pamilyang Sy.
____ 15. Si Kris Aquino ay isa sa mga pinakamagaling na aktres sa Pilipinas.
____ 16. Si Kris Aquino ang pangunahing aktres sa pelikulang Feng Shui 2.
____ 17. Maraming Pilipino ang magaling magsalita at magsulat sa wikang Ingles.
____ 18. Hindi tunay na Pilipino ang mga taong laging nagsasalita at nagsusulat sa wikang
Ingles.
____ 19. Ang Pasko ay ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre.
____ 20. Dapat bigyan ng regalo ang bawat bata tuwing Pasko.