Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Paaralan Occidental Mindoro State Antas 5

College
Guro Graicy B. Salazar Asignatura Araling Panlipunan
Masusing Petsa Marso 2022 Markahan Ikatlo
Banghay Aralin Oras 3:15-4:45 Iniwasto ni Jacelyn Veturina

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa mga pagbabago sa lipunan ng
Pangnilalaman sinaunang Pilipino kabilang ang pagpupunyagi ng ilang pangkat na
mapanatili ang kalayaan sa Kolonyalismong Espanyol at ang impluwensya
nito sa kasalukuyang panahon.
B. Pamantayan sa Nakakapagpakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa pagpupunyagi ng
Pagganap mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Espanyol
C. Mga Pamantayan sa Napaghahambing ang antas ng katayuan ng mga Pilipino sa lipunan bago
Pagkatuto dumating ang mga Espanyol at sa Panahon ng Kolonyalismo
 Napaghahambing ang mga tradisyunal at di-tradisyunal na papel ng
babae sa lipunan ng sinaunang Pilipino at sa panahon ng
kolonyalismo
 Natatalakay ang pangangailangan sa pagpapa-buti ng katayuan ng
mga babae
D. Kowd AP5KPK-IIIb-2
II. NILALAMAN Antas ng Katayuan ng mga Pilipino
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay
ng Guro
2. Mga Pahina sa Pagbabagong Kultural sa Pamamahalang Kolonyal ng mga Espanyol. 2016.
Kagamitang Pang pp. 6-10
mag-aaral
3. Mga Pahinang
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Manila Paper, Kard, Cartolina, Mga Larawan
Panturo
IV. PAMAMARAA GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL
N
A. Mga panimulang
gawain

1.Panalangin Klas, bago ang lahat paki-ayos muna ang


inyong mga upuan at pulutin ang mga
kalat na makikita ninyo.

Okay Xygiel pamunuan mo ang ating Opo, Ma’am (Sa ngalan ng


panalangin. Ama, ng Anak, ng Espirito
santo, Amen.)
2.Pagtatala ng liban Magandang umaga mga bata! Magandang umaga din po,
Ma’am!
(Tatawagin ng guro ang class monitor)

Nygiel, may lumiban ba sa araw na ito? Wala po, Ma’am.


Okay mabuti.

3.Pagtatama ng takdang Mayroon ba akong pinagawang takdang (Isang estudyante ang tumaas ng
aralin aralin? kamay at sumagot)

Wala po, Ma’am!


Okay.

4. Balitaan Wow, nakatutuwa naman po


Klas, alam niyo ba na lubos ang paggalang Ma’am! Totoo po ba na ang
sa mga babae noon. Alam niyo bang mga babae noon ay katulad din
pareho ang mga pribilehiyo ng mga babae ng mga lalaki na
at lalaki? nakapaghanapbuhay at
nakikipagkalakan?

Ang galing naman po, Ma’am!


Oo, klas, hindi lang yan. Pinaniniwalaan Ang sabi pa ni lolo hindi raw
din ang kanilang kakayahan sa pwedeng mauna sa paglalakad
pamamahala ng kanilang pamayanan. sa kalye ang mga lalaki sa mga
Bukod dito, nagiging datu sila kung babae.
walang anak na lalaki ang ama nilang
datu.

Totoo ‘yan Faye. Talagang malaki ang


paggalang ng ating mga ninuno sa
kababaiha at ang asawang babae lamang
ang makapagbibigay ng pangalan sa bago
nilang silang na sanggol.
Opo, Ma’am!
Maliwanag na ba, klas?

Mabuti.

Mga bata sino sa inyo ang nanood ng


telebisyon o nakinig sa radyo kagabi?
Maari ba ninyong ibahagi ang mga
balitang inyong narinig o napanood. Ang mga bata ay magbabahagi
ng mga balitang kanilang
napanood sa telebisyon at
narinig sa radyo

A.Pagbabalik- Aral Klas, noong nakaraang tagpo ay ating (Isang estudyante ang tumaas ng
tinalakay ang mga pagbabago sa uri ng kamay)
panahanan. Ano nga ulit ang mga
pagbabago sa uri ng panahanan, klas? Nagkaroon ng pagbabago sa
panahanan ng mga Pilipino sa
pagdating ng mga Espanyol,
nagkaroon ng pagbabago sa
lokasyon, may mga bahay
para sa mga nakaririwasang
Pilipino at karaniwang
Pilipino.
Tama!
Ngayon, upang matukoy ko kung talagang
naunawaan niyo nga ang ating tinalakay
noong nakaraan, may inihanda akong
gawain para sa inyo.

Magkakaroon tayo ng pangkatang gawain.


Kailangan niyong mahati sa dalawa. Ang
nasa kanang dalawang linya ay ang
Pangkat A at ang nasa kaliwang dalawang
linya naman ang Pangkat B. Magtulungan
ang dalawang pangkat sa pagkuwento ng
nabasang aralin at sundan ito ng tanungan,
sagutan, at talakayan tungkol sa inyong
kuwento.

Malinaw ba, Klas? Opo, Ma’am!

Ngayon, maaari na kayong magsimula.


Bibigyan ko lamang kayo ng sampong
minuto sa pagpapalitan ng impormasyon.

(Pagkatapos ng 10 minuto)

Ngayong natapos niyo na ang


pakikipagpalitan ng impormasyon,
kailangan ko ng isang kinatawan sa bawat
pangkat na magbabahagi sa akin ng
inyong mga natutunan at napag-usapan.
Simulan natin sa Pangkat A.
(Tumayo ang kinatawan ng
Pangkat A)
Okay, Mea?
Amin pong napagkaalaman ang
pagbabago sa panahanan ng
mga Pilipino sa panahon ng
mga Espanyol halimbawa po
ang pagkakaroon ng
organisadong poblasyon, uri ng
tahanan, nagkaroon ng mga
sentrong pangpamayanan, at
iba.
Mahusay Pangkat A!

Paano naman ang Pangkat B? Ano ang


inyong mga natutunan at nalaman mula sa (Tumayo ang kinatawan ng
kabilang pangkat? Pangkat B)

Okay, Rhens? Amin pong napag-isa-isa ang


uri ng panahanan sa panahon ng
Espanyol. Bilang karagdagan,
natukoy po namin ang
pagbabago sa uri ng panahanan
ng mga Pilipino sa panahon ng
Espanyol. Naipaliwanag rin ng
bawat pangkat ang pagbabago
sa uri ng panahanan ng mga
Pilipino sa panahon ng
Espanyol.
Mahusay Pangkat B! Dahil diyan klas,
nararapat kayong bigyan ng lasalyanong
palakpak.

Ngayon ay malinaw na nga sa inyo ang


mga pagbabago sa uri ng panahanan.

B. Paghahabi ng layunin ng Klas, sa ating pisara ay may nakadikit na


mga aralin (Motibasyon) cartolina na naglalaman ng mga larawan at
“jumbled words”. Mayroon akong tatlong
katanungan na sasagot sa tatlo ring mga
salita na ito. Ang nais kong gawin ninyo
ay makinig at pag-isipang mabuti kung
ano ang tamang kasagutan.

Pagkatapos kong basahin ang bawat


katanungan ay itaas lamang ang kamay sa
mga nais sumagot.

Malinaw ba, klas? Opo, Ma’am!

Dito nabibilang ang mga datu, raja, sultan,


at kanilang mga asawa. Ano ito?

AMRAHAKIL

Kendra? (Tumaas ng kamay si Kendra)

Mahusay, Kendra! Ito ay ang maharlika. Maharalika po, Ma’am!

Pangalawa. Dito nabibilang ang mga


mangangalakal, mandirigma, at mga taong
Malaya. Ano ito?
AWITAM
Faye? (Tumaas ng kamay si Faye)

Mahusay! Ito ay ang timawa. Timawa po, Ma’am!

Panghuli. Ito ang pinakamababang antas


sa lipunan. Ano ito?

LAINIP
Vijay?
(Tumaas ng kamay si Vijay)
Tumpak! Ito ay ang alipin.
Alipin po, Ma’am!
Ang larong ating ginawa ay may
kinalaman sa ating panibagong aralin sa
araw na ito.

C.Pag-uugnay ng mga Klas, mayroon ako ditong mga kard na


halimbawa sa bagong naglalaman ng larawan at mga letra.
aralin
Ang nais kong gawin ninyo ay hulaan ang
mga salitang inyong mabubuo kung
pagsasamahin ang mga ideyang nasa
larawan at mga letra. Ang mga salitang
inyong mahuhulaan ay mayroong
kinalaman sa ating aralin sa araw na ito.

Ang nais sumagot ay itaas lamang ang


kamay.

Maliwanag? Opo, Ma’am!

Simulan na natin.
(Ang laman ng mga kard)
Unang Kard:
Unang kard:
ANTAS (Tumaas ng kamay si Chriza)

Antas po, Ma’am!

Mahusay, Chriza! Ito ay antas.

Ikalawang kard: Ikalawang Kard:


KATAYUAN

(Tumaas ng kamay si Aibe)

Katayuan po, Ma’am!

Mahusay, Aibe! Ito ay katayuan.

Ikatlong kard: Ikatlong Kard:


PILIPINO (Tumaas ng kamay si Fred)

Pilipino po, Ma’am!

Mahusay, Fred! Ito ay Pilipino.

Ngayon klas, nais kong pagsama-samahin (Sabay sabay na sumagot ang


ninyo ang tatlong ideyang ito. Ano ang mga mag-aaral)
mabubuo sa inyong isipan?
Antas ng Katayuan ng mga
Pilipino po, Ma’am!
Mahusay! Ang Antas ng Katayuan ng mga
Pilipino ang ating paksa sa araw na ito.

D.Pagtalakay ng bagong Bago pa man dumating ang mga


konsepto at paglalahad ng Espanyol, mayroon nang antas o
bagong kasanayan #1 katayuan sa lipunan ang mga
mamamayan – maharlika, timawa, at
alipin. Nagkaroon ng bagong
pagpapangkat sa lipunang Pilipino sa
panahon ng pananakop.

Una ay ang peninsulares. Ito ang tawag sa


mga Espanyol na isinilang sa Espanya, at
naninirahan sa Pilipinas dahil sa ibinigay
sa kanilang katungkulan sa pamahalaan
o simbahan. Itinuturing na pinakamataas
at pinakamakapangyarihan sa bagong
pagpapangkat-pangkat.

Pangalawa ay Insulares - ang mga


Espanyol na isinilang sa Pilipinas.

Pangatlo ay Mestizo - ang mga


mamamayang mayroong magkahalong
lahi o mga hindi purong Pilipino. Ito
ang pinakamataas na antas na maaaring
maabot ng isang Pilipino.

Pang-apat ay Principalia - ang mga


katutubong Pilipino na binigyan ng
kapangyarihan o posisyon sa lokal na
pamahalaan.

Panglima ay Inquillino - ang mga taong


pinili upang mamahala o mangasiwa ng
mga lupa ng mga mamamayan at mga
prayle o pari.

Panghuli ay Indio - ang mga katutubong


Pilipino, pinakamababang antas.

Ito ang mga bagong pagpapangkat sa


lipunang Pilipino sa panahon ng
pananakop.

Maliwanag ba, klas? Opo, Ma’am!

Okay, dahil d’yan magkakaroon kayo ng


gawain. Kumuha ng kalahating piraso ng
papel at sagutan ang panibagong gawain.

Panuto: Isulat sa patlang ang salitang


TAMA kung ang salitang may
salungguhit ay wasto at totoo. Kung
MALI ang salitang may salungguhit, isulat
ang tamang sagot sa patlang. Bibigyan ko
lamang kayo ng limang minuto para
sagutan ang gawaing ito. Maliwang ba,
Klas?
(Mga posibleng kasagutan)
______ 1. Inquillino ang tawag sa mga 1. TAMA
taong pinili upang mamahala o mangasiwa 2. Insulares
ng mga lupa ng mga mamamayan at mga 3. TAMA
prayle o pari. 4. Indio
______ 2. Mestizo ang tawag sa mga 5. TAMA
Espanyol na isinilang sa Pilipinas.
______ 3. Principalia ang tawag sa mga
katutubong Pilipino na binigyan ng
kapangyarihan o posisyon sa lokal na
pamahalaan.
______ 4. Inquillino ang tawag sa mga
katutubong Pilipino, pinakamababang
antas.
______ 5. Peninsulares ang tawag sa mga
Espanyol na isinilang sa Espanya, at
naninirahan sa Pilipinas dahil sa ibinigay
sa kanilang katungkulan sa pamahalaan
o simbahan.

(Pagkatapos ng limang minuto)

Ngayon, makipagpalitan kayo ng papel sa


kabilang linya.

Ating alamin kung tama ba ang inyong


mga kasagutan. Tumaas lamang ng kamay
ang gustong sumagot sa unang bilang. (Tumaas ng kamay si Rhens)

Okay, Rhens? Tama po ang sagot sa unang


bilang, Ma’am!
Magaling, Rhens! Ito ay tama.
(Tumaas ng kamay si Chriza)
Sumunod? Mali po, Ma’am. Sapagkat ang
tamang sagot ay Insulares.
Mahusay, Chriza! Ang tamang sagot ay
Insulares sapagkat mali ang salitang nasa
salungguhit.
(Tumaas ng kamay si Ronald)
Okay, Ronald? Tama po, Ma’am!

Ang sagot ay tama. Mahusay, Ronald!


(Tumaas ng kamay si Vijay)
Sumunod? Vijay? Indio po, Ma’am!

Tama! Ang tamang sagot ay Indio


sapagkat mali ang nasa salungguhit.

At panghuli? Aibe? (Tumaas ng kamay si Aibe)


Tama po, Ma’am!
Mahusay! Ito ay tama.

E.Pagtalakay ng bagong Klas, magkakaroon tayo ng pangkatang


konsepto at paglinang ng gawain pero bago yan, alamin muna natin
Bagong Kasanayan #2 ang ibig sabihin ng tradisyunal at di-
tradisyunal na papel ng babae sa lipunan
ng sinaunang Pilipino at sa panahon ng
kolonyalismo.

Dalawang uring kababaihan ang


ipinamulat sa atin ng mga Espanyol kahit
bago pa man sila dumating - ang
tradisyunal at di-tradisyunal.

Sa Panahon ng Kolonyalismo, ang mga


tradisyunal na babae ay hindi binigyan ng
pagkakataong maging responsable sa ilang
mga karapat ang dapat nilang makamtan.
Ang di-tradisyunal ay pinayagang isulong
ang kanilang pamumuhay ngayon sa
kagustuhan nila.
Taliwas sa mga ginampanan ng mga
kababaihan sa Sinaunang Panahon, dahil
ang tradisyunal sa kanila ay ang
pagbibigay-halaga sa kanlia at
pagpapakitang kalayaan at nagkaroon
lamang ng di-tradisyunal nang sikilin ng
mga Espanyol ang kanilangkalayaan at
karapatan.

Ano na nga ulit ang dalawang uring Ang tradisyunal at di-


kababaihan ang ipinamulat saatin ng mga tradisyunal po, Ma’am.
Espanyol?

Tama!

Naiintindihan niyo na ba, klas?

Ngayon ay magsisimula na tayo sa inyong


pangkatang gawain na tatawagin nating “I-
KANTA, I-TULA, I-RAP MO!”. Hahatiin
ko kayo sa apat na pangkat. Ang unang
linya ay ang pangkat A, pangalawa ay ang
pangkat B, pangatlo ay ang pangkat C, at
ang pang-apat ay pangkat D. Ang pangkat
A at B ay nakatakda para sa tradisyunal na
na papel ng babae sa lipunan ng sinaunang
Pilipino at sa panahon ng kolonyalismo.
Habang ang pangkat C at D naman ay
nakatakda para sa di-tradisyunal na papel
ng babae sa lipunan ng sinaunang Pilipino
at sa panahon ng kolonyalismo. Ang
bawat pangkat ay magsasagawa ng
dalawang saknong na kanta, tula, o rap na
itatanghal ninyo sa harap ng klase. Ang
nilalaman ng inyong gagawing kanta, tula,
o rap ay kailangang naaayon sa itinakdang
paksa ng bawat pangkat. Bibigyan ko
lamang kayo ng 15 minuto para sa inyong
gawain.

Maliwanag ba, klas? Opo, Ma’am!

Maaari na kayong magsimulang gumawa. (Ang bawat pangkat ay abala sa


paghahanda para sa kanilang
presentasyon)
PANGKATANG GAWAIN: I-KANTA,
I-TULA, I-RAP MO!

Pama Natat Mahu Hindi Kaila


ntaya angi say Mahu ngan
n (4) (3) say pangP
(2) aunlar
in (1)
NILA Malin Hindi Hindi Wala
LAM aw gaano malin ng
AN nanai ngmal aw malin
pahay inaw angipi awna
ag angka nahihi kahul
ang hulug watig ugan
kahul an ng ngkah ng
ugan nakat uluga nakat
ng akdan n ng akdan
nakat g nakat g
akdan paksa. akdan paksa.
g g
paksa paksa.
.
PAG Ang Ang Ang Ang
KAM kanta kanta kanta kanta
ALIK ay ay ay ay
HAIN orihin orihin hindi hindi
al. al orihin orihin
subali al at al at
t kulan walan
kulan g sa g
g sa kaayu tungu
kaayu san. hin.
san.
KOO Ang Tatlo Isang Wala
PER lahat laman miye ngnag
ASY ngmi g mbrol sagaw
ON yemb angmi ang a
ro yemb ang sagaw
aynag ro nagsa ain.
sagaw angna gawas
a gsasa a
ngga gawa gawai
win. ngmg n.
a
gawai
n.

(Makalipas ang 15 minuto)

Maaari nang magsimula ang Pangkat A. (Ang pangkat A ay masayang


ibinahagi ang kanilang
isinagawang kanta)

Napakahusay! Napakaganda ng inyong


kanta.

Klas, sabay sabay nating bigyan ng “wow (Sabay sabay na binigyan ng


galing clap” ang Pangkat A. “wow galing clap” ang pangkat
A)
Okay, maraming salamat, Pangkat A.
Maaari na kayong maupo.

Atin namang pakinggan ang susunod na (Sabik na ibinahagi sa klase ng


magtatanghal. Ang pangkat B! pangkat B ang kanilang
isinagawang tula)

Wow, kahanga-hanga! Klas, bigyan natin (Sabay sabay na binigyan ng


ng sabay sabay na “very good clap” ang “very good clap” ang pangkat
pangkat B. B)

Maraming salamat, Pangkat B. Maaari na


kayong maupo.

Sunod ay atin namang pakinggan ang (Handang handa na ibinahagi ng


pangkat C! pangkat C ang kanilang
isinagawang kanta)

Napakagaling! Bigyan natin ng “ang (Sabay sabay na binigyan ng


galing galing clap” ang pangkat C. “ang galing galing clap” ang
pangkat C)

Maraming salamat, pangkat C. Maaari na


kayong maupo.

Ngayon, atin namang pakinggan ang (Masayang ibinahagi ng huling


huling magtatanghal. Ang pangkat D! pangkat ang kanilang
isinagawang rap)

Kahanga-hanga, Pangkat D!

Klas, bigyan natin ng “dabest clap” ang (Sabay sabay na binigyan ng


pangkat D. “dabest clap” ang pangkat D)

Maraming salamat, pangkat D! Maaari na


kayong maupo.

Talaga namang napakahusay ng aking


mga mag-aaral!

F. Paglinang ng kabihasnan Kung talagang naunawaan na ninyo ang


(Tungo sa Formative ating aralin, kumuha ng isang malinis na
Assessment) papel at gawin ang aktibidad na ito.

Magbigay ng mga halimbawa kung paano


pinahalagahan ng mga unang Pilipino ang
mga kababaihan.

Gumuhit ng bulaklak tulad ng


nakalarawan. Dito mo itala ang iyong
sagot. Kailangang matapos niyo iyan sa
loob lamang ng sampong minuto.
Opo, Ma’am!
Malinaw ba, Klas?

Okay, maaari na kayong magsimula.


(Mga posibleng kasagutan)

 Pinaniniwalaan ang
kanilang kakayahan sa
pamamahala ng kanilang
pamayanan.
 Nagiging datu sila kung
walang anak na lalaki
ang ama nilang datu.
 Hindi puwedeng mauna
sa paglalakad sa kalye
ang mga lalaki sa mga
babae.
 Ang mga babae noon ay
katulad ng mga lalaki na
(Kinolekta ng guro ang sinagutang papel nakapaghanapbuhay at
ng mga mag-aaral) nakikipagkalakan.

Idagdag dito ang test para sa naunang


aralin….antas ng katayuan ng mga
pilipino
G. Paglalapat ng aralin sa Bakit kailangang pahalagahan ang (Tumaas ng kamay si Kendra)
pang- araw-araw ng buhay kababaihan sa ating lipunan?
Dapat pong pahalagahan ang
mga babae sa lipunan dahil ang
mga kababaihan ay nagdudulot
ng isang pananaw na
pinahahalagahan hindi lamang
ang kumpetisyon kundi pati na
rin ang pakikipagtulungan sa
Mahusay, Kendra! Ano pa, Klas? mga organisasyon.

(Tumaas ng kamay si Sef)

Ang isang matatag na lipunan


ay mula sa mga kababaihan
kaya dapat lamang na lahat ay
matutunang ipaglaban ang
kanilang karapatan at
magsilbing inspirasyon ng
sinuman.Ang mga kakabihang
ay maituturing na siyang lakas
Mahusay, Sef! at sandigan ng mga kalalakihan.

Ngayon ay magkakaroon tayo ng gawain.


Sumipi/gumuhit ng isang larawan ng
babaeng inyong hinahangaan na nagbigay
ng karangalan, pagsisikap, pagpupunyagi,
o inyong nais na tularan. Ipaliwanag kung
bakit sya ang inyong napili. Ilagay ito sa
isang malinis na papel. Bibigyan ko
lamang kayo ng 15 minuto para matapos
ang gawain.
Maliwanag ba, Klas? Opo, Ma’am!

Rubrik sa Paggawa ng Awtput


1. May kaugnayan ang larawang 5
napili sa ibinigay na panuto.
2. Malinaw, malaman, at 5
nauunawaan ang ibinigay/isinulat
na pagpapaliwanag.
3. Malinis ang pagkakagawa ng 5
awtput.
4. Naipasa ang awtput sa 5
itinakdang panahon.
Kabuuan 20

Maaari niyo nang simulan.

(Kinolekta ng guro ang papel ng bawat


mag-aaral)

H. Paglalahat ng aralin Base sa mga aktibidad na inyong Natutunan ko po kung paanong


naisagawa, ano-ano ang inyong mga pahalagahan ng kalalakihan ang
natutunan? kababaihan.

Mahusay! Ano pa? Nalaman ko naman po ang mga


tradisyunal at di-tradisyunal na
papel ng babae sa lipunan ng
sinaunang Pilipino sa Panahon
ng Kolonyalismo. Natutunan ko
rin po ang sistema ng kalakalan
ng mga sinaunang Pilipino at sa
panahon ng kolonyalismo.

Ano ang mga tradisyunal at di-tradisyunal Sa Panahon ng Kolonyalismo,


na papel ng babae sa Panahon ng ang mga tradisyunal na babae
Kolonyalismo? ay hindi binigyan ng
pagkakataong maging
responsable sa ilang mga
karapat ang dapat nilang
makamtan. Ang di-tradisyunal
ay pinayagang isulong ang
kanilang pamumuhay ngayon sa
kagustuhan nila.

Ano naman ang mga tradisyunal at di- Taliwas sa mga ginampanan ng


tradisyunal na papel ng babae sa lipunan mga kababaihan sa Sinaunang
ng sinaunang Pilipino? Panahon, dahil ang tradisyunal
sa kanila ay ang pagbibigay-
halaga sa kanlia at
pagpapakitang kalayaan at
nagkaroon lamang ng di-
tradisyunal nang sikilin ng mga
Espanyol ang kanilangkalayaan
at karapatan.
Ano ang iba’t ibang paraan na ginamit Merkantilismo, Kalakalang
ng Espanya sa pagpapatakbo ng Galyon, Monopolyo, at Bandala
ekonomiya ng Pilipinas? po, Ma’am.

Mahusay mga bata!

I.Pagtataya ng aralin Ngayon ay magkakaroon tayo ng


panibagong aktibidad.

Sa ating kaliwang pisara ay may nakasulat


na Antas sa Katayuan ng mga Pilipino
bago dumating ang mga Espanyol at sa
kanang pisara naman ang Antas sa
Katayuan ng mga Pilipino sa Panahon ng
Kolonyalismo.

Ang nais kong gawin ninyo ay isa-isa Opo, Ma’am!


kayong tatayo at isulat sa pisara ang
inyong mga natutunan sa dalawang antas
ng katayuang ito. Maaaring tag-iisang
pangungusap lamang ang inyong isusulat.
Maliwanag ba?

Alpha, maaari mo nang pangunahan. (Mga posibleng kasagutan ng


Pagkatapos ay susundan ito ni Bruno. mga mag-aaral)

Antas sa Katayuan ng mga


Pilipino bago dumating ang mga
Espanyol

• Dato o Datu ang tawag


ng mga Tagalog at Bisaya sa
kanilang pinuno, ang
pinakamataas na antas sa
kanilang lipunan.
• Ang pinuno ng
pamayanan ang tagaayos ng
mga hidwaan at tagapagtanggol
laban sa mga kaaway nito.
• Ang mga timawa ay
binubuong malalayang tao at
mga napalayang alipin.
• Ang mga alipin ang
pinakamababang antas
salipunang Tagalog at Bisaya.

Antas sa Katayuan ng mga


Pilipino sa Panahon ng
Kolonyalismo

• Ang mga Espanyol ang


may pinakamataas na katayuan
sa lipunan.
• Peninsulares o mga
Espanyol na isinilang sa Spain
• Creole o insulares, mga
Espanyol na isinilang sa
Pilipinas.
• Nagtangan ang
Peninsulares at Insulares ng
kapangyarihang pampolitika,
ekonomiko at panrelihiyon.
Ang mga Pilipino, sa kabilang
banda, ay nauri sa pangkat ng
mga principalia, inquilino at
karaniwang tao.
Napakahusay mga bata! Dahil d’yan,
bigyan ninyo ng lasalyanong palakpak ang
bawat isa.

J. Karagdagang Gawain Para sa inyong magiging asignatura,


para sa takdang aralin at gawin ninyo ito sa inyong kwaderno.
remediation
Asignatura:
Panuto: Magsagawa ng isang repleksiyong
papel tungkol sa iyong mga natutunan sa
araling ating tinalakay.

Nygiel, pamunuan mo ang ating Opo, Ma’am (Sa ngalan ng


panalangin. Ama, ng Anak, ng Espirito
santo, Amen.)

Paalam, klas! Maraming salamat po, Ma’am.


Paalam!
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha
ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mga
mag-aaral na
nangangailangan
ng iba pang
Gawain para sa
remediation
C. Nakatulong bang
remediation?
D. Bilang ng mag-
aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
estratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?

Demonstrated by: Graicy Baylon Salazar

You might also like