Polusyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Polusyon:

Ang kasiraan ng kalikasan ay siya ring kasiraan ng sangkatauhan. Lahat ng organismo sa mundong
ito,may buhay o wala, ay magkakaugnay. Ang kalikasan ang nagbibigay sa tao ng lahat ng mga
pangangailangan nito ngunit unti-unti na itong nasisira at naaabuso dahil sa mga gawaing nagbibigay
sa tao ng kasaganaan at kaunlaran ngunit nakapipinsala at nagpo-polusyon naman sa kalikasan. Ang
polusyon ang isa sa suliranin na kinakaharap hindi lamang ng bansa kundi ng buong mundo. Ito ay
nagdudulot ng pinsala sa mga tao at maging sa kalikasan sa aspetong pangkalusugan at
pangkabuhayan.

Ang ating mga pangangailangan ay maaari nating makuha sa kalikasan. Dahil dito maraming
negosyante o prodyuser ang gumagawa ng mga produkto na ang mga materyales ay hinuha galing
dito tulad ng kahoy,langis,krudo,natural gas,metal,bato,buhangin,at iba pa. Ngunit dahil sa kawalang
kakuntentuhan at kasakiman ng tao, gumagawa pa rin sila ng produkto kahit na ang kalikasan ay
kanila ng naaabuso. Isang halimbawa ay ang paggawa ng plastic. Ang plastik ay isa sa mga basurang
higit na nagdudulot ng polusyon sa kalikasan dahil ito ay galing sa fossil fuel at ang mga kemikal na
matatagpuan sa plastik ang dahilan kung bakit hindi ito nabubulok. Marami pa ring mamamayan ang
tumatangkilik nito sapagkat ito ay kumbinyente at mura ngunit dahil sa hindi angkop at sobrang
paggamit,ito ay nakapipinsala sa lahat at nagdudulot ng sakit sa tao at kalikasan. Isinusulong ng
nakararami pagbabawas sa paggamit ng mga single-used plastic at pagbabago ng linear economy
tungo sa circular economy. Sa Linear Economy,ang mga inabandonang materyales ay itatapon na agad
kahit pa maaari pa itong gamitin muli. Sa kabilang banda,ang circular Economy ay ang paikot na
sistema ng pagbabahagi,paggamit muli,pagsasaayos ng sira at paggawa ng bagong mga bagay mula sa
mga inabandonang materyales. Ang Curcular Economy ay higit na nakatutulong sa pagbawas ng
paggamit ng plastic at ng polusyon.

Ang tao ang higit na nagdudulot ng mga polusyon sa hangin, lupa at tubig kaya ang tao lamang ang
may kakayahan sa pagpapabuti at pagsasaayos muli nito. Pangalagaan at protektahan ang kalikasan sa
pamamagitan ng paghinto sa paggawa bg nga bagay na nakasasama lamang sa kalikasan,pagtatanim ng
mga kahoy,paggiging disiplinado at responsableng mamamayan,hindi pagsasayang ng pagkain,kuryente
at tubig,pagdo-donate,pakikiisa at pagtulong sa paglilinis. Ang maliit na gawang uto ay magiging malaki
kung tayong lahat ay nakikiisa sa pagpapabutu at pangangalaga ng ating kalikasang tinitirahan at
inaasahan. Tayo ay mga bisita lamang dito kaya ang tanging magagawa natin ay ang pangalagaan at
linangin ang ating kalikasan. Sapagkat,hindi natin ito pag-aari na ating sisirain,responsibilidad ito ng lahat
na ang kalikasan ay pangalagaan.

P.s. natural sa tao na maghanap ng mga paraan upang napafali ang kanilang gawain,kaya kung anu-
anong imbensiyon ang naimbento na akalain mong nakapipinsala pala sa kalikasan.

You might also like