Dayuhang Manggagawang Pilipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Dayuhang Manggagawang Pilipino

Sino ang bayani ko? hindi lamang sino kundi sino-sino, kapwa mga ordinaryong
Pilipino bawat isa ay may istoryang kadakilaan. Ano ang espesyal sa kanila kung bakit
sila ang aking napili. Ang kanilang kabayanihan ay hindi man maihahalintulad sa
pakikipaglaban o himagsikan nina Andres Bonifacio at sa mga isinulat at isinalibro ng
ating pambansang bayani na si Jose Rizal sila naman ay passaporte at bisa ang
ipinanglaban.

Mga ilaw o haligi ng tahanan lumilisan, pamilya ay iniiwan at nandadayuhan para


mas mapatibay ang pundasyon ng kinabuksan, hinahangad ang kalayaan mula sa
kahirapan mga magulang na ayaw ng ipamana ang kawalan kung kaya't kakayod ng
kakayod para pamilya ay maitaguyod kahit pa ang kalaban ay ang lungkot,
pangungulila at pagud. Bakit nga ba na palaging kakabit ng tagumpay ay sakripisyo,
sakripisyong mawalay sa kanilang minamahal, sakripisyong kahit hindi na kumain
mayroon lang maipadala sa pamilya na nasa Pilipinas, sakripisyong hindi makadalo sa
mga especial na occassion ng pamilya. Mga karaniwang eksina na handang harapin ng
ating mga bida, tatahakin ang landas na walang kasiguraduhan kung minsan ay
pinangungunahan ng kaba ngunit mas mas pina-iiral ang katapangan. Malungkot man
isipin na hindi lahat ay pinapalad sa kanilang pakikipagsapalaran ngunit patuloy pa ring
bumabangon at lumalaban para sa pangarap at sa hinaharap.

Hindi lamang diyan pinatuyan ang kanilang kadakilaan dahil isa rin sila sa mga
malaki ang kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas. Sila ang aking mga
bayani ang mga OFW o Dayuhang Manggagawang Pilipino, ginawa mang rampahan
ang paliparan dahil sa naglalakihang malita baon ang pagmamahal ng pamilya patuloy
na hahakbang papaharap at iwawagaway ang bandira ng Pilipinas at ng tuluyang
kumawala sa hirap na kailanman ay hindi ninasa. Mas pauunlarin pa ang bayan na
kinalakhan, lalaban upang iahon ang nayon na sa ngayon ay para bang napag-iwanan
na. Hinahangaan ng karamihan dahil sa lebel ng dedikasyon.

You might also like