Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Rodrigo,Lucelle Subject: Filip 1

11 - Magnate Date of Submission: Enero 16, 2023

Reaksiyong Papel Tungkol sa Pelikulang Heneral Luna

Ang Heneral Luna ay isang makasaysayang pelikula na nagsasalaysay sa

kapanahonan ni Heneral Antonio Luna na kung saan siya ang pinakamahusay na

heneral at namumuno sa hukbo laban sa mga Amerikano. Ang mga gabenete ay

gustong makipagkalakalan sa mga Amerikano para sa kapakanan ng kanilang mga

negosyo ngunit hindi sumang-ayon si Heneral Luna lalo pa’t kalayaan nang mga

mamamayan at bansa ang nakasalalay. Ang pelikula ay walang alinlangan na isang

gawa ng sining na naglalarawan kung paano nakakaapekto ang kapangyarihan, sa mga

tuntunin ng mga kalagayang politikal, sa ating kasaysayan at sa buong mamamayang

Pilipino.Para sa akin ito ang pinakamagandang pelikula na napanood ko tungkol sa

mga makasaysayang panahon kaya hindi ko agad makakalimutan ang mga senaryo na

mga nangyari sa loob ng pelikula.Napagtanto ko sa pelikulang ito na mahalaga ang

kalayaan sa kahit anumang bagay at hindi kalian man mapapalitan ng salapi at

kapangyarihan.

Ako’y talagang napahanga sa pelikula ito sa labis na katapangang ipinakita ni

Heneral Luna laban sa mga Amerikano.Napukaw ang aking atensiyon sa mga

senaryong ipinaglaban talaga ni Heneral Luna ang kalayaan ng mga mamamayan at ng


ating bansa.Naiinis ako sa mga ilan sa gabenete na gahaman sa kapangyarihan at

inuuna lang kapakanan ng kaniyang sarili samanatalang si Heneral Luna ay gustong

makamtan ang kalayaan para sa lahat at pati narin sa ating bansa.Namangha ako

kung paano sumulong si Heneral Luna ng mag-isa sakay ang kabayo para lusubin ang

mga Amerikano doon ko nalaman kung gaano katapang si Heneral Luna.Ako’y natuwa

ng sabihin ni heneral ang ““Ingles-Ingles- in mo 'ko sa bayan ko? Punyeta!". sa mga

Amerikano tama nga naman bakit tayo magpapaalipin sa sarili nating bayan. Sa kabila

ng lahat na ginawa ni Heneral Luna ako ay nalungkot sa nangyari kanya dahil ginawa

pa rin siyang traydorin ng kapwa niya hindi man lang naisip ang mga ginawa niya para

sa bansa.

Sa pelikulang Heneral Luna ay ipinakita dito ang naganap noong wala pa silang

kalayaan at naaakit ang mga tao sa kapangyarihan nakakalungkot man ispin pero

hanggang ngayon ay nadadala pa rin tayo sa kapangyarihan kaya walang magagawa

ang tayong mga simple na namumuhay sa mundong ibabaw kaya nang napanood ko

ang Heneral Luna ay matuto tayong maging matapang at maging mahusay na lider.Sa

lahat ng ginawa ni Heneral Luna ay masaya ako at nakakagaan ng loob na malaman na

meron palang mga taong kayang isakripisyo ang kanilang buhay para sa kalayaan ng

mga mamamayan at ng ating bansa ng walang kapalit kundi ang kalayaan

lamang.Maganda ang pagkakagawa ng pelikula at talagang dadalhin ka talaga sa

kapanahon niya.

You might also like