Professional Documents
Culture Documents
ESSAY
ESSAY
May mga bayaning pinaglaban ang ating bansa laban sa mga kastila at dahil doon ay
nagkaroon ang bansang pilipinas ng kalayaan sa lahat ng aspeto. Unang una ay ang
Wika sa kultura na ating ginagamit ngayon henerasyon mapa Tagalog, Bisaya, o
kapampangan mayroong ethnolinguistic na grupo sa Pilipinas at may kani-kaniyang
sariling diyalekto at para sa karamihan ang kagandahan ng wikang filipino sa kaysa sa
ibang wika katulad ng ingles, kung sa ingles ay gumagamit sila ng "She, He," para
tukuyin ang kasarian ngunit sa wikang pilipino ay ang gamit lang nating salita ay "Siya"
nag nag sisimbolo na mas mahalaga ang pagkatao at hindi ang kasarian, Bukod dito
ay ang pag gamit ng "Po at Opo" na nagbibigay ng magandang imahe na ang mga
pilipino ay mayroong magadang kaugalian dahil tayo lang bukod tanging gumagamit
nito sa pamamagitan ng paggalang.
Kahit saang sulok pa ng mundo, kilala ang Pilipinas hindi lang sa natatanging tanawin
na mayroon tayo kundi maging sa magagandang kaugalian ng mga Pilipino din. Base
pa nga sa ating mga nalalaman ang mga pilipino ay tinuturing na "Most Hospitable" ng
mga banyaga na nagsisimbolo sa kalahalagahan natin sa kultura.