Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Rein, Jan Aelred S.

HUMSS 12- Descartes

Sino rito ang madalas nakakaranas ng pananakit ng ulo? Sa mga tumaas ng kamay,
maaaring kayo ay may tinatawag na Migraine. Ayon sa Hello Doctor, ang migraine ay isang
neurological condition at isang uri ng pananakit ng ulo. Ang migraine ay HINDI simpleng
pananakit lamang ng ulo. Ito ay isang klase ng brain disease na maaaring mamana sa magulang,
o makuha dahil sa matagal na pagkakalantad sa matinding kapaligiran o extreme environments.
Ang mismong sakit ay tinatawag na migraine, pero ang pananakit ng ulo na dulot ng migraine ay
tinatawag na Migraine Attack.
Ayon sa isang pag-aaral noong 2016, nasa 12 milyong Pilipino ang dumaranas ng
migraine attacks. Napansin din ito bilang sagabal sa pagiging produktibo sa trabaho ng mga
Pilipino. Para sa ilan, ang migraine attacks ay maaaring di-inaasahan o maaari ring mangyari sa
mga inaasahang oras, lalo na bago ang regla sa mga babae o sa katapusan ng linggo kung saan
kadalasan ay puno ng stress.
Ang migraine at mga sintomas nito ay magkakaiba sa lahat dahil ito ay may apat na
yugto (4 stages). Mayroong tinatawag na Prodrome o “pre-headache” kung saan nagsisimula ang
migraine attack. Ito ay maaaring tumagal ng ilang oras, o kung minsan ay ilang araw. Ilan sa
mga dapat bantayan sa yugtong ito ay ang pagkairita, madalas na pag-ihi, pagkapagod, at
kahirapan sa pagbigkas ng mga salita.
Ang ikalawang yugto ay tinatawag na Aura stage. Ito ay maaaring mangyari bago o sa
mismong atake. Sa yugtong ito, unti-unting lumilitaw ang bawat sintomas na maaaring tumagal
ng hanggang isang oras. Kabilang sa mga sintomas ang sensasyon ng tumutusok na karayom at
pamamanhid na maaaring kumalat sa buong katawan. Maaari ring maranasan ang Blind spot o
pansamantalang pagkawala ng parte ng paningin.
Ang pangatlong yugto ay ang mismong pananakit na ng ulo. Karamihan sa mga migraine
headache ay tumatagal ng humigit-kumulang 4 na oras, ngunit ang mga malubhang kaso ay
maaaring tumagal ng higit sa 3 araw kung hindi ginagamot. Sa yugtong ito, maaaring maranasan
ang pagkahilo, pananakit at paninigas ng leeg, at pagsusuka.
Ang panghuling yugto ay tinatawag na Postdrome o “after headache”. Dito, maaaring
maranasan ng indibidwal ang pagkapagod at mababang komprehensiyon.
Dahil magkakaiba ang mga sintomas ng migraine, mahirap ito tukuyin sa iyong sarili
lamang. Kaya inirerekomenda ng mga doktor na magpasuri kung ikaw ay nakakaranas ng
madalas na pananakit ng ulo o kung ito ay nakakasagabal na sa iyong pang-araw-araw na
gawain.

You might also like