Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

ESP Reviewer

Komunikasyon ng Pamilya

Consensual
Ang uri ng komunikasyon na naghihikayat sa anak na
magbahagi ng iniisip at nararamdaman ngunit sa huli ay
desisyon pa rin ng magulang ang masusunod na hindi man lang
isinasaalang-alang ang anumang opinyon nito. Sa uring ito ay
nakakulong at kontrolado ang pagpapahayag ng mga bata sa
inaasahan ng magulang bagaman ay unti-unti namang
mapahahalagahan ng mga bata ang pagkakaroon ng
komunikasyon at matutuhan ang sistema ng pagpapahalaga ng
pamilya.

Pluralistic
Ang uri ng komunikasyon na kumikilala sa pagkakaroon ng
bukas na pag-uusap na walang panghihigpit at humihikayat sa
bawat kasapi ng pamilya na magbahagi ng ideya o opinyon. Sa
paraang ito ay nababawasan ang pagkakaroon ng negatibong
damdamin at makabubuo ng epektibong paraan para malutas
ang hidwaan ng pagkakaiba.

Protective
Ito ang uri ng komunikasyon na kailanman ay hindi
pinapahalagahan ang pagkakaroon ng bukas na pag-uusap at
ang magulang ay may mataas na pamantayan sa inaasahan sa
kanyang anak. Sa uring ito ay madalang o bihira lamang ang
pag-uusap na maaaring makabubuo ng mas mataas na antas ng
negatibong damdamin.
Laissez-Faire
Ito ang uri ng komunikasyon na kung saan ay malaya ang mga miyembro ng pamilya na
gumawa ng kanilang gusto, maliit lamang ang oras ng pag-uusap at bihirang magkaroon
ng hindi pagkakaunawaan. Sa komunikasyong ito ay hinahayaan lamang ang anak na
gumawa ng sariling desisyon datapuwa’t hindi matutunan ng bata ang kahalagahan ng
pag-uusap o komunikasyon at maaari rin niyang pagdudahan ang kakayahan sa paggawa
ng desisyon dahil walang masyadong suporta mula sa magulang o ibang kasapi ng
pamilya.
Disintegration of Family
Substance abuse
Parental Absenteeism
Economic Difficulties
Absence of family goals and Deteriorating Values
Rising Incidence of early sexual involvement and teenage
pregnancies
Strong negative influence of media on the family

Banta sa Pamilyang Pilipino

1. Pagbibigay ng Edukasyon
Edukasyon ang natatanging kayamanang maipamamana ng magulang sa
kaniyang mga anak at magsisilbing kayamanan na babaunin habang buhay.
Ang pagbibigay ng edukasyon ay isang pinakamahalagang tungkulin na
kailangang mapanagutan ng magulang. Karapatan ng isang bata na
magkaroon ng tamang edukasyon. Sa kabilang dako kailangan din ng
magulang ang sapat na kaalaman upang makapagbahagi ng natutunan, ito
ang dahilan kung bakit ang mga magulang ang pangunahing guro ng mga
anak sa tahanan. Ngunit may banta sa pagbibigay ng edukasyon sa mga
anak.
2. Paggabay sa Pagpapasiya
Mahalagang mabigyan ng wastong paggabay sa pagpapasiya ang mga anak
upang makagawa ng desisyong hindi pagsisihan sa bandang huli. Bilang
magulang ay huwag pangunahan at gumawa ng desisyong hindi isinasanguni
sa anak bagkus dapat gabayan ng magulang ang mga anak na malinang ang
pagiging mahinahon, matalino, masusi sa paggawa ng tamang desisyon.
Dapat malinaw sa kanila na ang positibong pagbabago sa buhay ay
nagsisimula sa isang malinaw na pagpapasiya. Anuman ang bunga ng
pagpapasiya ay ikaw at ikaw lang din ang may pananagutan at hindi mo
pwedeng isisi sa ibang tao. Bagama’t may mga banta sa paggabay sa
pagpapasiya ng anak. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
a.) Labis na pagmamahal ng magulang (spoiling children) Ang sobrang
pagmamahal sa anak ay hindi nakatutulong sa paggawa ng sariling desisyon
kung kaya pagdating nang araw ay nahihirapan itong lutasin ang sariling
problema dala ng kanilang maling pagpapasiya o kaya ito ay nagiging dahilan
kung bakit ang isang bata ay halos nakadepende sa desisyon ng magulang at
hindi napapanagutan ang kaniyang responsibilidad bilang tao.
3. Paghubog ng Pananampalataya
Ang pananalig sa katuruan ng isang relihiyon ay isang paraan sa paglinang
ng pananampalataya. Kakambal nito ang paniniwala na sa tulong, gabay at
pagibig ng Panginoon makakaya at malalagpasan ang bawat pagsubok na
darating. Sa madaling salita ay nagkakaroon ng pag-asa ang isang tao. Ang
magulang ang pangunahing tagahubog sa pananampalataya ng anak upang
malinang ang mga birtud na kailangan upang maging isang mabuting
mamamayan na may takot sa Panginoon. Ngunit ang pagtuturo ay hindi
madali dahil sa mga banta sa paghubog ng pananampalataya sa pamilya

Ang mga karapatan ng pamilya :


Karapatan ng isang pamilya na magkaroon ng isang tahanan at
maayos na pamumuhay.
Karapatan ng isang pamilya na magkaroon relihiyong paniniwalaan at
bendisyon ng kasal sa pagbuo ng isang pamilya.
Karapatan ng isang pamilya na mamuhay ng pribado.
Karapata ng isang pamilya na palakihin ang kanilang mga anak ayon
sa kanilang mga tradisyon paniniwala at pananampalataya.
Karapatan ng isang pamilya na ipahayag kung ano man ang kanilang
mga paniniwala at pananampalataya.
Karapatan ng isang pamilya na magkaroon ng siguridad sa usaping
pang ekonomiya pampolitika at panlipunan.
Karapatan ng isang pamilya na ipagtanggol ang kanilang sarili at
ipahayag ang kanilang pangangatuwiran,
Karapatan nilang pakinggang ang kanilang mga nais at hinaing.
Karapatan ng isang pamilya ang maging masaya at maglibang.
Karapatan ng isang pamilya ang mandayuhan o tumira sa mga
probinsya o lugar na nais nilang tirhan.

You might also like