Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Panukalang Pagtatayo ng mga street lights na solar sa mga kantuhan at mga daan na walang gaanong

bahay sa Barangay San Francisco

Mula kay Leonard D. Sunio

Barangay San Francisco Sablayan occidental Mindoro .

Ika-19 ng January 2023

Haba ng Panahong gugugulin(1 buwan at kalahati)

I.Pagpapahayag ng Suliranin:
Isa sa pamayanan sa Sablayan ay ang San Francisco o kabakungan isa sa bayan na patuloy na
umuunlad dahil sa agrikultura.

Isa sa suliranin ng nasabing Barangay ang kakulangan sa mga ilaw sa daan, ito ay nagdudulot ng
malaking problema sa mga mamayan, dahil sa madilim na daanan lalong lalo na kapag walang kuryente
na magkaminsan ay nagdudulot ng aksidente.

Dahil dito nangangailangan ang Barangay ng mailalagay na ilaw na syang magsisilbing liwanag sa
daraanan upang maiwasan ang posibilidad ng aksidente.

Ito ay kinakailangan maisagawa sa lalong madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga
naninirahan dito.

II. Layunin
Layunin ng nasabing proyekto ang magkaroon ng ilaw sa mga daang napaka dilim.

III. Plano na dapat gawin


1.Pagpapasa, Pag aaproba at Paglalabas ng badyet (2 linggo).

2. Pagpupulong ng buong konseho tungkol sa mga mangunguna sa pagsasagawa ng nasabing proyekto(1


araw).

3.Aktwal na pagtatayo ng mga street lights na solar sa mga kalsada sa pangunguna ng konseho ng
Barangay San Francisco at ang mga trabahador (1 buwan at kalahati).
IV.Badyet
Mga Paggagastusan Halaga

Mga bibilhing solar P 87,000


street lights (2,900 ang
isa) (30 piraso)
Sweldo ng mga P 20,000
manggagawa

Kabuoang Halaga P 107,000


V. Kapakinabangan ng Proyekto

Ang pagpapatayo ng mga street lights sa mga daanan ay malaking tulong sa mga mamamayan ng
San Francisco dahil dito mas mapapadali ang pagbabyahe kapag gabi at walang ilaw ang mga
dumaraang sasakyan dito .

Gayundin mababawasan ang posibilidad ng aksidente na maaaring mangyare at nang sa ganun


patuloy na mamalagi ang kaligtasan sa bawat mamamayan.

You might also like