Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

QUARTER 4

FILIPINO 10 – WEEK 6
WORKSHEET
(Asynchronous)

Pangalan: __________________________________ Iskor: _____________________


Baitang at Pangkat: _______________________ Guro: _____________________

EL FILIBUSTERISMO
Aralin 4.6: Si Isagani
Learning Activity Sheet 6

I. PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang sagot sa bawat bilang.

Ginoong Pasta Padre Camorra Akademya ng Wikang Kastila

Huli Paulita Gomez Padre Fernandez

1. Ito ang nais itatag ng mga mag-aaral sa pamumuno ni Macaraig.


2. Ang tanging prayle na iginagalang ni Isagani.
3. Isang mayaman at magandang dalaga na kasintahan ni Isagani.
4. Nabalitaan ni Huli na si _________ na lamang ang hindi nakalalaya sa mga bilanggo.

II. PANUTO: Punan ng angkop na salita ang mga patlang.


1. Sinamahan ni Hermana _______ si Huli kay Padre Camorra.
2. Dinakip ng mga ___________ ang ama ni Hulin a si Kabesang Tales.
3. Humihingi ng ___________ piso ang mga tulisan upang makalaya si Kabesang Tales.
4. Nakarating kay Huli ang balita na tanging si Basilio na lamang ang naiwang
nakabilanggo.
5. Nagtulong-tulong ang mga maralita at kamag-anak ni Basilio upang makalikom ng
salaping pantubos sa kanya sa bilangguan.

III. PANUTO: Tukuyin ang pulitikong tumakbo sa pagka presidente na nagsabi ng mga
sumusunod na pahayag.
1. “I am a fighter, wala akong laban na inaatrasan sa larangan ng prinsipyo at ng bayan,
nanindigan ako.Ako na kilalang pambansang kamao ay walang pinagkaiba laban sa
kahirapan at katiwalian.”
2. “ Heto ako ngayon, humahakbang. Ipaglalaban ko kayo hanggang dulo. Itataya ko ang
lahat, ibubuhos ko ang lahat ng kayang ibuhos. Sama-sama tayong tumaya sa laban
na ito.”
3. “ Tapat ang aking paniniwala na ang unang hakbang para tayo ay makaharap sa kahit
na anong hamon ay ang pagkakaisa.”

KONKLUSYON
Paano nagkakatulad ang mga nabanggit na kandidato batay sa kanilang pahayag?

IV. PANUTO: Ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag ni Isagani mula sa mga
kabanatang binasa o pinanood.
1. “Ang tubig ay nagiging singaw kapag ito ay inapuyan. Ito ay nagiging delubyo kung ang
lahat ng maliit at hiwa-hiwalay na ilog ay nagsama-samang bumuhos dahilan sa udyok ng
kasawian sa banging hinukay ng tao.”

2. “Kapag dumating ang araw na may uban na ako at walang nagawang mabuti sa aking
kapwa, ang bawat ubang ito ay aking ikahihiya sa halip na ikarangal.”

Inihanda ni:
Grace G. Torres
4. “Kung ano kami ay kayo ang may gawa. Ang bayang inaalipin ay natutong magkunwari.
Ang paghaharian ay lumikha ng mga alipin.”

V. PANUTO: Sagutin ang mga katanungan kaugnay kay Isagani.

1. Magbigay ng isang katangian ni Isagani batay sa kaniyang pahayag o pagkilos o


gawi. Patunayan.

2. Kanino maiuugnay o maihahambing si Isagani sa kasalukuyang panahon?

VI. PANUTO: Piliin ang angkop na salitang naghahambing sa bawat bilang..


1. Dahil sa pandemya ( lalong, di-gaanong ) humirap ang buhay ng mga Filipino.
2. ( Higit, Mistula ) na maraming kabataan ang bumoto nitong nagdaang eleksiyon.
3. ( Mistula, Magkasing ) tapang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Sarah Duterte.
4. ( Di-gaanong, Kasing ) mataas ang kaso ng Covid 19 sa Pilipinas kumpara sa ibang
bansa.
5. ( Mas, Di-gasino) pagtutuunan ng pansin ng bagong administrasyon ang pag-angat ng
ekonomiya ng bansa.

Inihanda ni:
Grace G. Torres

You might also like