Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Markahan 3 Fil 6_Linggo 1 - LAS

Pangalan: ____________________________________________________________
Baitang at Pangkat: ___________________________________ Asignatura: Filipino 6
Guro: _____________________________________________ Iskor: _____________

Pamagat na Gawain: Pagsagot sa mga Tanong


Layunin: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/
binasang ulat at tekstong pang-impormasyon
Sanggunian: MELC, (F6PB-IIId-3.1.2F6PB-IIIc-3.2.2)
Manunulat: Georgene Nica L. Quiachon

Ang tekstong pang-impormasyon ay naglalahad ng mga impormasyon tungkol


sa paksa. Ang ulat naman ay kasingkahulugan ng balita.
Ang tanong na sino ay sumasagot sa ngalan ng tao lamang. Ang tanong na ano
ay sumasagot sa ngalan ng bagay at pangyayari. Ang saan ay ginagamit sa tanong
upang matukoy ang pinangyarihan o lugar kung saan ginaganap ang kilos. Ang kailan
ay tumutukoy sa panahon. Ang bakit ay ginagamit kapag humihingi ng kadahilanan ng
pangyayari. Ang paano na tanong ay para masagot ang pamamaraan sa isang kilos o
sitwasyon.

Gawain 1. Basahin ang patalastas o anunsiyo sa kahon. Sagutin ang mga tanong.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Tinatawagan ang lahat ng batang may 8-12 taong gulang na lumahok sa


patimpalak sa pagbigkas ng tula na gaganapin sa darating na Huwebes, Pebrero 11,
2021 sa ganap na ika-1:00 ng hapon sa silid-aralan ni Gng. Baltar. Para sa
karagdagang impormasyon hinihiling na makipagkita kay Gng. Marijo Panuncio. Ang
mga kalahok ay kailangang magsuot ng kasuotang Pilipino.

Mga tanong:

1. Ano ang tawag sa binasa mong teksto?


2. Anong timpalak ang sasalihan ng mga kalahok?
3. Sino-sino ang maaaring maging kalahok sa timpalak?
4. Kailan gaganapin ang nasabing patimpalak?
5. Saan gaganapin ang patimpalak ng tula?
Pamagat na Gawain: Pagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan
Layunin: Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan
F6PN-IIIe19
Sanggunian: MELC, Filipino 6 DLP 44, Kagamitan ng Mag-aaral Landas sa
Pagbasa 6, p. 183
Manunulat: Georgene Nica L. Quiachon

Sa pagbibigay ng buod ng isang kwento, salaysay, o talata mahalagang


makabuo muna ng balangkas na maaaring nasa ating isipan lamang o kaya ay maaari
rin namang isulat.
Unang-una, isulat ang pamagat ng kwento. Pangalawa, hatiin sa bahagi ang
teksto batay sa kwento na bibigyang buod. Pangatlo, sa bawat paksa dapat mailalahad
ang ang mga mahahalagang detalye na magbibgay ng mga kaisipang mag-uugnay sa
paksa.
Ang isinasama lamang sa isang buod ay ang mga pangunahing tauhan, ang mga
mahahalagang pangyayari, at ang kinahinatnan nito. Sikaping gamitin ang sariling
pangungusap sa paggawa ng buod upang ito ay maging mas payak at agad
mauunawaan.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento at gumawa ng buod na may lima
hanggang sampung simpleng pangungusap lamang. Isulat ito sa hiwalay na
papel.

Ang Mabuting Samaritano


Isang lalaki ang bumaba sa Herusalem patungong Hereco. Kinasadlakan niya ay
mga magnanakaw. Pinagnakawan siya at iniwan sa daan na halos mamamatay na.
Isang pari ang nuo’y pababa at nakita niya ang kawawang lalaki. Iniwasan niya
ito at gumawi sa kabilang landas. Wala siyang ginawa upang matulungan ito,
hanggang nagawi ang isang Liveta. Nang makita niya ito ay ginawa rin niya ang
ginawa ng pari. Tiningnan lamang niya ito at iniwasan.
Samantala, dumating ang isang lalaki, ang Samaritano. Nang nakita niya ito ay
kaagad siyang naawa. Lumapit sa tabi ng sugatang lalaki at nilinis ng kamay niya ang
mga sugat nito. Inalalayan ito at dinala sa isang matitirhan.
“Mangyaring alagaan siya at babayaran ko ang lahat mong magugugol,” ang sabi
niya sa tagapamahala ng tirahan.”

You might also like