Professional Documents
Culture Documents
Script in Esp
Script in Esp
Script in Esp
Motivation:
Sinu-sino sainyo ang nakaranas ng mag-boluntaryo sa isang mapagkawanggawang
Samahan na ang natatanging pakay ay magserbisyo sa mga nangangailangan? Itaas
ang kamay. (Kung meron: palakpakan natin ang ating sarili ng limang beses)
Pamilyar ba kayo sa linyang “No man is an Island, No man can Stand Alone” mula sa
tulang isinulat ni John Donne?
Ito ay tanyag na katagang alam ng karamihan na ang ibig sabihin sa tagalog ay: “Walang
taong nabubuhay ng mag-isa. Ito ang dahilan kung bakit ang tao ay may kapuwa. At dahil
tayo ay may kapuwa, nararapat lamang na tayo ay kumilos ng may pananagutan at
pagmamalasakit sa ating kapuwa.
Sa pahayag ng babae, sinabi nya na natutuwa akong maging bahagi ng Clean Up Drive sa
ating barangay. Makakatulong ako sa paglilinis ng kapaligiran. (Pakibasa sa Slide)
Samantala ang sabi naman ng lalaking ito ay (Pakibasa ang pahag ng lalaki sa slide)
Kung kayo ang nasa sitwasyon ano ang magiging reaksiyon niyo kung sabihing
sumali kayo sa Clean Up Drive?Bakit?
Siyempre dapat na matuwa tayo dahil makakatulong tayo para sa kalinisan ng ating
kapaligiran.
Kapag nakamit ang pakikilahok, ano naman ang makakamit mula dito?
Mula dito makakamit ang kabutihang panlahat.
Sa pakikilahok:
Kosiderasyon ang personal na interes o tungkulin.
Kailangan mong gawin dahil kundi, mayroong mawawala sayo.
Halimbawa: ang paglahok sa halalan, paglahok sa pangkatang gawain na pinapagawa
ng guro o paglahok sa pulong ng kabataan sa barangay.
Samantala sa bolunterismo:
Kung hindi mo gagawin, hindi ka apektado, kundi yung iba na hindi mo matutulungan at
sa hindi mo pagtugon, maari kang mabagabag.
Halimbawa: pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo, pagbibigay ng pagkain sa pulubi ,
pag- alalay sa kaklase o kakikilalang may kapansanan at pagtulong sa mga
matatandang nahihirapan sa pagtawid
Sa madaling salita:
Ang pakikilahok ay ginagawa para sa personal na interes at tungkulin o pansarili lamang.
Habang ang bolunterismo ay ginagawa ng isang tao ng bukal sa loob at para sa kapuwa.
Bago natin makalimutan, alam niyo ba na may tatlong Ts na dapat makita sa pakikilahok at
bolunterismo?
Ace:
Sa kasalukuyang panahon kung saan tayo ay nakikipaglaban sa isang sakit
na hindi nakikita, dito mas higit na kinakailangan ang pakikilahok at
pagbobolunterismo. Dahil sa Covid- 1 9 maraming mga tao ang nagkakaroon ng
depresyon kung saan ang iilan ay sumakabilang buhay na. Kaya naman humahanap
ang tao ng paraan upang makipag-ugnayan sa iba para maipagpatuloy ang buhay.
Maraming apektado sa krisis na ito ngunit sa kabilang banda may mga
magagandang aral din itong dala. Tumingkad ang pagbabayanihan ng mga tao,
marami ang nagpakita ng kanilang pagkukusa na makilahok at nagboluntaryo na
tumulong sa higit na nangangailangan. Ang daming nabubuong fund raising projects
at iba’t-ibang samahan o grupo. Ang mga grupong ito ang naghahanap ng mas
mabilisang paraan upang tulungan ang mga pamilyang Pilipino na makaraos sa
araw-araw na pangangailangan.
Tignan nga natin kung may natutunan kayo sa araling aming tinalakay.
Maglabas ng 1/2 sheet na papel.