Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region XIII
Schools Division of Surigao del Norte
Placer 1 District
Badas Elementary School

Pagrehistro ng Sim Card: kailangan o hindi?


Ganap nang naging batas ang pagpaparehistro ng sim card matapos lagdaan ni Pangulong
Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 11934 o ang SIM Card Registration Act sa Malacañang noong
Oktobre 10, 2022. Anya pa, ang batas na ito ay magbibigay ng mas malakas na panlaban sa
pagsasagawa ng mga iligal na aktibidad o krimen.
Sa ilalim ng SIM Registration Act obligado ang publiko na may cellphone at gumagamit ng
sim card na magparehistro. Sinumang hindi magrerehistro sa itinakdang panahon ay otomatikong
madedeactivate ang sim card. Kabilang sa mga ituturing na valid IDs o dokumento para sa
pagpaparehistro ng SIM card ang passport, National ID, SSS, GSIS e-Card, driver’s license, NBI clea-
rance, Police clearance, Firearms’ License to Own and Possess, PRC, IBP, OWWA, BIR, Voter’s ID,
Senior citizen at PWD IDs, Unified Multi-purpose Identification Card, at iba pang uri ng ID na may
larawan na ini-isyu ng gobyerno. https://www.philstar.com
Nagsimula na ang pagpapaprehistro ng sim card noong Disyembre 27, 2022. Marami ang
nasiyahan sa pagpapatupad ng batas na ito.Sa katunayan ayon sa survey na ginawa ng Social Weather
Stations (SWS), 60% ng mga Pilipino ang aprub sa bagong batas, 17% ang hindi sang-ayon habang
23% naman ang mga undecided. https://bandera.inquirer.net/
Sa aking palagay naman ang pagpaparehistro ng sim card ay kailangan at napapanahon rin,
ito’y napakalaking tulong upang mabawasan ang talamak na krimen na kinakaharap ng ating bansa.
Karamihan din nagsisimula ang panloloko o scam gamit ang mga numero sa cellphone na kung saan
humihingi ng pera o nanggigipit ng kapwa. Maaaring maging ligtas ang batas na ito kung susunod
ang mga telco companies sa napagkasunduan at sa nakapaloob sa batas na ito dahil hindi nila
maaaring ilabas ang mga impormasyong binigay ng gumagamit ng isang numero kung walang utos
mula sa hukuman o kung hindi ito pinahihintulutan ng may-ari ng numero. Sumunod tayo sa batas
para na rin sa ikabubuti ng karamihan.

Isinulat ni:

MARGARETE JANE M. CATAMORA

School ID NO. 132469


Address: Bad-as, Placer, Surigao Del Norte
Cellphone No. 09197938240
Email Ad.: badaselemschool@yahoo.com
Facebook page: https://web.facebook.com/badaselemschool
Excellence is our business….Let’s keep moving !

You might also like