Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

JANUARY 3, 2023

MELBA P. IBAÑEZ
BLK 1, LOT 56 PH2 MONTALBAN. HEIGHTS
SAN JOSE, MONTALBAN, RIZAL

ROGER SALTIGA
VP. HMDG. HOME GUARANTEE CORP.
BUENDIA AVENUE, MAKATI CITY

Dear Sir:

Panalangin at pagbati.
Isang magandang araw ang nais ko para sa inyo!

Ako po ay si Ginang Melba P. Ibañez at kasalukuyang naninirahan


sa isa sa inyong mga pinamamahalaang Relocation Project sa
Montalban, Rizal. Ito po ay yung Montalban Heights Phase II.
Dumulog po ako sa inyong mabuting tanggapan upang ipakiusap muli
ang aking matagal ng problema sa paninirahan ko po sa lugar na
nabanggit. Mahigit na 20 taon na akong naririto bilang kasama sa
23 pamilyang beneficiaries (relocatees) na nanggaling sa Damayang
Lagi New Manila Quezon City, na tinulungan ng Quezon City LGU
noong panahon pa ni Hon. Sonny Belmonte bilang Mayor at sa tulong
ng Ginoong Taddy Palma, Secretary of the Mayor noon. Kami po noon
ay naghanap ng malilipatang lugar dahil kami po ay biktima ng
sunog noong 1996 at sapilitan na kaming dinimolish noon kaya
napalipat kami sa Montalban.
Ako po ay huli ng nakaakyat (nakalipat) kaya ang allotted lot
para sa akin ay natirahan na ng iba. Subalit sa tulong ni G.
Palma, at sa pakikipag-usap namin sa mga tagapamahala ng HGC
(Home Guarantee Corp.), at sa noon HGC Field Officer G. Prodencio
“Dennis” Degala ay pinatira ako sa Blk 1, Lot 57 na isang open
space ng nasabing relocation site.
Ngayon po ay kailangan ng ibalik ang open space sa pamahalaan ng
Montalban, Rizal kaya sana ay mailagay na po ako at ang aking
pamilya sa lote na nabawi ng PGC dahil ako naman po ay talagang
awardee (beneficiary) mula sa nasunog na Damayang Lagi. Ang Blk
11, Lot 1 ay isa pong Reposessed PGC Property kaya sana po kung
inyong mamarapatin ay maibigay sa akin at sa aking pamilya.
Maraming salamat po!

Lubos na gumagalang,

MELBA P. IBAÑEZ
Relocatee

You might also like