Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BIONOTE

Si Mervi Grace A. Deypalan, kilala bilang isa sa pinakabatang naging clinical

psychologist sa Pilipinas, ay ipinanganak noong Nobyembre 4 taong 2004 sa Tacloban City,

Leyte. Nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Psychology sa Ateneo de Manila

University noong 2027 bilang Magna Cum Laude at nagtamo ng mga parangal katulad ng

Best Thesis of the Year Award (2027) at Outstanding Student Award. Matapos ang dalawang

taong pagtatrabaho sa Makati Medical Center bilang isang Psychometrician, siya ay nag-aral

at nagtapos sa University of Denver ng Doctor of Psychology o PsyD taong 2030.

Siya ay nagsisilbi bilang Executive Director ng National Health Center of the Philippines

sa kasalukuyan (2055). Nakapaglathala na rin siya ng dalawang libro na nakasentro sa

kanyang mga natutunan sa loob ng dalawampu't limang taon niya bilang isang clinician at

researcher.

Isinumite ni;

Mervi Grace A. Deypalan

XII-SOCRATES

Isinumite kay;

Gng. Josephine Pabro


SINOPSIS
Five Feet Apart
Isinulat ni Rachel Lippincott

Tauhan: Stella Grant, Will Newman

Mula pagkabata ay labas-masok na si Stella sa ospital, at itinuring niya na ito bilang


kanyang ikalawang tahanan. Bagama't hindi niya makontrol ang kanyang sakit sa baga, nais
niyang magkaroon ng higit na kontrol sa iba pang aspeto ng kanyang buhay. Kaya nang
malaman niya ang posibilidad ng isang lung transplant, ipinangako niyang ilalayo niya ang
kanyang sarili sa sinuman o anumang bagay na maaaring magbigay ng impeksyon sa
kanyang baga at sumira ng kanyang plano. Ngunit naging mas malabo pa sa maduming
putikan ang kanyang plano nang mahulog ang kanyang loob kay Will, isang lalaking naka-
admit sa parehong ospital at may parehong sakit sa baga.

Limang talampakan. Ito ang kailangang pagitan nilang dalawa kapag sila ay
magkasama. Pero hindi nito napigilan ang mabilis na pagpapalagayan ng loob ng dalawa.
Ngunit dahil sa panganib na dala ng kanilang sitwasyon—kung saan pareho silang maaaring
mamatay sa isang dampi lamang ng kanilang balat, napilitan silang lumayo mula sa isa't-isa.
"If we were meant for each other, we'd meet again." (Translasyon: Kung tayo man ang para
sa isa't-isa, magkikita tayo ulit.)

Walong buwan ang makalipas mula sa matagumpay na lung transplant operation ni


Stella, ginusto niyang magbakasyon sa ibang bansa. Habang hinihintay ang kanyang flight
sa loob ng airport kasama ang kaibigan, nakita niya ang nag-iisang tao na hinihiling niyang
makitang muli. Napangiti na lamang sila sa isa't-isa at tuluyang tinawid ang pagitan sa
kanilang dalawa.

Isinumite ni;

Mervi Grace A. Deypalan

XII-SOCRATES

Isinumite kay;

Gng. Josephine Pabro

You might also like