Hybrid ESP 4 Q2 M2 W2 V2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

1

IKALAWANG LINGGO
Aralin
Damdamin Mo, Nauunawaan Ko!
2

Alamin Natin

Nakapagbabahagi ng sariling karanasan o makabuluhang


pangyayaring nagpapakita ng pang-unawa sa kalagayan/pangangailangan ng
kapuwa.

Subukin Natin

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang isinasaad ay


nagpapakita ng pang-unawa sa kalagayan/pangangailangan ng
kapuwa at MALI kung hindi.

1. Inuunawa mo ang naramdaman ng iyong kaibigan.


2. Tinitingnan lamang ni Liza ang nakababatang kapatid na
nagugutom.
3. Pinapatahan mo ang iyong bunsong kapatid na umiiyak.
4. Binabahagi ni Angie ang pagkain sa kanyang kaibigan.
5. Sinasamantala ni Luis ang kahinaan ng kanyang kapuwa.
6. Inaasa ni Jaime ang pangangailangan niya sa ibang tao.
7. Hinahayaan ni Maria ang pambu-bully ng iba sa kanyang
kapatid.
8. Iniiwasan ni Shiela ang pagtulong sa kanyang kapitbahay na
nangangailangan.
9. Tumutulong lamang kapag may kapalit.
10. Magalang na iniwawasto ang pagkakamali ng iba.

Balikan Natin

Isulat ang tamang pagtanggap sa mga puna batay sa mga sumusunod


na sitwasyon.

SITWASYON TAMANG REAKSYON


1. Pinagtatawanan ka ng iyong
mga kaklase dahil sa maling
sagot (recitation).
2. Napagsabihan ka ng iyong
nakatatandang kapatid dahil sa
di pagtulong sa gawaing bahay.

2
Tuklasin Natin

Picture Analysis

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano-ano ang iyong nakikita sa larawan? ____________________
_____________________________________________________
2. Anong simbolismo/bagay ang ginamit? _____________________
3. Ano ang mensahe ng larawan? ___________________________
_____________________________________________________
4. Sang-ayon ka ba sa mensahe ng larawan? __________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Talakayin Natin

Basahin ang maikling kwento:


May isang batang nagngangalang Jose. Galing sya sa isang simple ngunit
masayang pamilya. Siya ay siyam na taong gulang at nasa ika-apat na baitang na.
Araw araw niyang nilalakad ang daan papuntang paaralan dahil ito’y malapit lang sa
kanilang bahay at para na rin makatipid siya.
Isang araw, habang siya’y naglalakad, napansin niya ang isang matandang
lalaki na nakaupo sa daan malapit sa basurahan. Ito’y mukhang malungkot at hinang
hina na. nilapitan niya ito at kinausap. “Lolo, bakit po kayo nandito? Madumi po dito.”
“Napagod lang ako apo kaya naupo ako dito.” sagot ng matanda. Iniabot ni Jose ang
kanyang baong tinapay. “Kain po kayo oh. Ingat po kayo ha.”

3
At tumakbo na si Jose dahil siya ay mahuhuli na sa klase ngunit sumulyap uli
ito sa matanda at nakitang niyang binuksan nito ang balot ng tinapay at kumain na.
Sumunod na araw, nakita na naman ni Jose ang matanda. Binigay niya uli dito ang
kanyang baon. At naulit ito ng mga sumunod pang mga araw. Nagtataka ang nanay
ni Jose kung bakit gutom ito palagi pag-uwi ng bahay. “Anak, bakit gutom na gutom
ka? tanong ng kanyang nanay. “Sadyang marami lang po kaming ginagawa sa
paaralan kaya’t ako po’y sobrang napagod at nagutom.” wika ni Jose.
Nang pumunta uli si Jose kinabukasan sa kinaroroonan lagi ng matanda, wala
na ito roon. Ngunit ng sya’y lumingat, nakita niya ito na maayos ang bihis at may
kasamang babae na mukhang mayaman at mas bata ang edad.
Tinawag ng matanda si Jose. “Apo, ito pala ang anak ko, sinusundo na niya
ako. Uuwi na kami. Nanatili ako dito ng ilang araw dahil nakalimutan ko ang daan
pauwi sa amin. Mabuti at nahanap nila ako. Hinding hindi ko makakalimutan ang
kabutihang ginawa mo sa akin. Sa mura mong edad, naiisip mo nang tumulong sa
kapwa. Nawa’y pagpalain ka pa ng Panginoon”
“Walang anuman po iyon, lolo. Maninibago po ako na hindi ko na po kayo
makikita pagpasok ko po sa paaralan” Pabiro ngunit naluluhang sambit nito.
“Salamat sa pagmamalasakit mo sa aking tatay. Kung may kailangan ka, ito
ang papunta sa aming bahay.” wika ng anak ng matanda pag-abot nito ng papel.
Mahigpit na niyakap ng matanda si Jose. At binigyan niya ito ng munting regalo.

Mga Gabay na Tanong:

1. Nagpakita ba ng pag-unawa sa damdamin at pagmamalasakit sa kapwa si


Jose? Bakit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Saiyong palagay, bakit mahalaga ang pag-unawa sa damdamin at


pagmamalasakit sa kapwa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan mo maipapakita ang pag-unawa


sa damdamin at pagmamalasakit sa kapwa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Bakit mahalaga na nauunawaan mo ang damdamin ng iyong kapwa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
5. Paano mo maipapakita ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

4
Pagyamanin Natin

A. Malungkot ang iyong kamag-aral na si Mico. Napagalitan siya ng kaniyang


magulang sapagkat bumaba ang kaniyang marka. Kasama siya dati sa mga
nangunguna sa klase subalit dahil sa pagbaba ng kaniyang marka ay hindi
na siya nakasama. Ano ang maaari mong sabihin kay Mico?

Isulat sa loob ng speech bubble ang iyong payo sa kaniya.

Mico, nais kong sabihin sa iyo


na______________________________________________
________________________________________________
________________________________________________

B. Magbigay pa ng limang paraan kung papaano mo maipapakita ang


pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa.

1. _______________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. _______________________________________________________

Tandaan Natin

Bawat tao ay maaaring magkaroon ng oras na siya ay masayang-masaya,


ngunit may mga panahon din na siya ay malungkot dahil sa problema. Sa
ganitong pagkakataon, kakailanganin niya ng taong puwedeng dumamay sa kaniya.
Dahil bawat tao ay gumagalaw sa isang komunidad, marapat na siya ay makipag-
ugnayan o makibahagi sa ibang mga tao. Sa kaniyang pakikibahagi, natututuhan niya
ang pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba, hanggang sa maipamamalas niya
ang paglalagay ng kaniyang sarili sa kinalalagyan ng ibang tao. Sa paraang ito ay
nakatutulong na siya sa iba.

Isabuhay natin

Magmasid sa inyong paligid o lugar. Tingnan kung sino-sino ang higit na


nangangailangan ng tulong o pang-unawa. Pagkatapos ay gumawa ng talaarawan at
itala kung paano mo naipakita ang pang-unawa o pagdamay sa kanila. Ipapasa ito

5
minsan sa isang linggo upang lagdaan ng inyong guro. Tularan ang talaarawan sa
ibaba.

Talaarawan ng Pag-unawa

Kapuwa kong Suliranin ng Paraan ng pagpapakita ko


nabigyan ng aking kapuwa ng pag-unawa o pagdamay
pag-unawa
Lunes
Martes
Miyerkoles
Huwebes
Biyernes

Lagda ng Guro

Tayahin Natin

A. Pag-aralang mabuti ang bawat sitwasyon, pagkatapos ay piliin ang letra ng


tamang sagot na nagpapakita ng tamang pang-uanawa sa kapwa.

______ 1. Nakita mong malungkot ang iyong bagong kaklase. Ano ang maari mong
gawin?
A. Makipagkaibigan sa kanya. C. Igalang ang kanyang pananahimik
B. Hintayin mong lumapit sayo. D. Ipagsabi sa mga kaklase.
______ 2. May batang nahiwalay sa kaniyang mga kasama lumapit sa iyo at
humihingi ng tulong.
A. Hindi ko siya papansinin baka manloloko lamang siya.
B. Sabihin ko sa kanya na humingi ng tulong sa iba dahil marami akong
ginagawa.
C. Ipagbigay alam ko sa mas nakakatanda upang matulungan siya.
D. Pagagalitan ko siya dahil nawala siya.
______ 3. Nakita mong pinapangaralan ng guro ang iyong kaibigan sa kadahilanan
palagi siya liban sa klase.
A. Isusumbong ko agad ang guro sa nanay ng kaibigan ko.
B. Ipapaalam ko sa punong-guro ang ginawa ng aming guro.
C. Sasabihin ko sa kaibigan ko na magsumbong sa kanyang mga magulang.
D. Papayuhan ko ang aking kaibigan na kabutihan lamang niya ang nais ng
aming guro.

6
______ 4. May batang marumi at namumulot ng basura sa kalsada. Napalapit ito sa
iyo.
A. Itataboy ko siya baka mahawa ako sa kanyang sakit.
B. Ipagbibigay alam ko agad sa pulis.
C. Aabutan ko siya ng tulong at pagkain.
D. Tatakbo ako palayo.
______ 5. Nakita mong pinatid ng iyong kaibigan ang batang pilay.
A. Hahayaan ko na lang baka magalit pa sa akin ang aking kaibigan.
B. Magkukunwari ako walang nakita ng hindi ako masangkot sa gulo.
C. Tutulungan kong makaganti ang batang pilay.
D. Sasabihin ko ang aking kaibigan na mali ang kanyang ginawa.

B. Isulat ang (✓) kung wasto ang pahayag at (✕) naman kung ito ay hindi wasto.
______6. Ang pagdamay sa kapuwa ay isang gawaing kinalulugdan ng Diyos.
______7. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ang tao.
______8 Salapi o pera ang tanging solusyon sa lahat ng suliranin at
makapagpapasaya sa kapwa.
______9. Kailangan maging sensitibo sa damdamin at pangangailangan ng kapuwa.
______10. Maituturing natin kaibigan ang isang tao na kilala lamang tayo sa
panahon ng kasiyahan.

Gawin Natin

Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng iyong pang-unawa sa


kalagayan/pangangailangan ng kapwa.

Ngayon ay alam mo na kung paano tumugon sa damdamin at


pangangailangan ng iyong kapuwa. Ipagpatuloy ito at ibahagi sa iba.
Maaari ka nang tumuloy sa susunod na aralin.

Sanggunian:

Abac et al. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Patnubay ng Guro (Unang


Edisyon). Philippines: Vibal Group, Inc.

de Robles et al. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Kagamitan ng Mag-aaral


(Unang Edisyon). Philippines: Vibal Group, Inc.

7
Development Team of the Module

Writer: Marites A. Cainglet

Editors: Jocelyn C. Culubong


Roldan B. Sesno

Content Evaluators: Erquily B. Escobal


Nenita P. Amanenci

Language Evaluators: Alicia S. Gapayao

Reviewers: Erquily B. Escobal


Michelle B. Buan
Fatima M. Simbahon

Lay out Artists/Illustrators: Gin Krystalyn C. Nobleza


Jamilah Alih
Management Team:
DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. QUINN NORMAN O. ARREZA, OIC-ASDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
FERDINAND PAGGAO, EsP Focal Person
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Central Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like