Modernong Panahon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Modernong Panahon

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay
lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad
at mga network.

Bilang isang kabataan na namumuhay na sa modernong panahon na kung saan ang teknolohiya ay
naging kasama na ng bawat tao sa kanilang pamumuhay sa araw-araw ay hindi na bago sa akin ang
social media dahil madalas ko itong gamitin para libangin ang sarili ko. Marami kasi itong kayang ibigay
kagaya na lang ng pagbibigay aliw sa pamamagitan ng panonood sa youtube, pagpopost o pashishare
ng mga kwento at karanasan sa facebook, maaari mo na ring makausap ang mga mahal mo sa buhay na
malayo sa’yo dahil sa messenger at marami pang ibang bagay ang kayang gawin ng social media sa
buhay ng tao. Sa dami ng kaya niyang gawin at ibigay ay naaapektuhan na nito ang pag-iisip ng
gumagamit sa social media. Ako na lang bilang halimbawa, noong wala pa akong kamalayan sa mundo
ng social media ay simple lang ang takbo ng buhay ko. Naglalaro sa bakuran ng kung anu-anong klase
ng laro tulad ng Chinese garter at tagu-taguan dahil hindi pa uso ang youtube, facebook, messenger o
twitter at iba pang klase ng social media sa panahong iyon. Nakikipaghabula’t nakikipagpatintero sa mga
kaedad kong wala ring kamalayan tungkol sa social media at sabay-sabay tatawanan ang bawat
pagkadapa na aming nararanasan. Masaya at simple lang ang buhay ko noon bago ako namulat sa
modernong panahon na kung saan ang social media ang nangunguna sa pagbibigay ng kasiyahan sa
mga tao. Malaki ang diperensya ng kung paano ako mag-isip at magdesisyon noon sa ngayon na mulat
na mulat na ang mata ko sa mga nagagawa ng social media.Nakadepende na sa mga napapanood at
nababasa ko online ang bawat ginagawa at nagiging desisyon ko. Nakabase na rin sa bawat pinopost at
shinishare ko ang pagbibigay ko ng opinion sa nakapaligid sa akin. Sinisira ng social media ang relasyon
ko sa mga kaibigan at pamilya ko dahil inuubos lagi ng social media ang oras na dapat ay ibinibigay ko sa
mga mahal ko sa buhay. Marami ngang kayang ibigay ang social media upang mapadali ang
pamumuhay ng tao pero mas marami ang mga bagay na sinisira nito, hindi lang oras mo na dapat ay
para sa mga mahal mo ang kinukuha ng social media pati na rin ang kasiyahan ng iba. Ginagamit na rin
ng ibang mga tao ngayon ang social media para siraan ang kapwa nila. Magpopost ng kung anu-anong
masasakit na salita na nakakasira sa self esteem ng bawat taong nakakabasa. Ang social media ay toxic
na sa kalusugan ng bawat mamamayan na gumagamit nito dahil pasama na ng pasama ang bawat
motibo sa paggamit nito.

Mas masarap mabuhay sa totoong mundo. Mga totoong kaibigan na makakausap at mga totoong
kasiyahan na mararamdaman. Gamitin ang social media sa tama at makabuluhang paraan. Gamitin
ang freedom of speech ng may pananagutan

You might also like