Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

ELENZANO, Reizel D.

WEEK 4 - 6
G12 STEM - Ramirez

IKA-APAT NA LINGGO
Performance Task 4/ Aktibiti 4
▪ Pumili at bumuo ng isang talata ng panimulang akademikong sulatin . Iwasto ito sa kamag – aral gamit
ang gabay sa pag eedit at muling isulat sa isang bondpaper ang ginawang panimula.
a. Lakbay – Salaysay
b. Talaarawan
c. Blog Pangkalikasan
d. Sanaysay Pangkultura

SANAYSAY PANGKULTURA
Ang bawat bansa ay may kanya-kanyang kultura. Naiiba at natatanging kultura. Ang pilipinas ay mayaman sa
kultura na nagmula pa sa mga katutubo. Isa na rito ang mga pagdiriwang ng pista sa mga lungsod. Paano nga ba
ipinagdiriwang ng mga pilipino ang piyesta sa bawat lungsod? Paano naipapakita ang kultura sa mga piyesta na
idinaraos?

Ang Sorteo Festival ay ipinagdiriwang sa lungsod ng Carmona, Cavite sa bawat tatlong taon na lumilipas sa
buwan ng Pebrero. Ang bayan ng Carmona ay may masaganang agrikultura, kaya naman kasama sa mga palahok ang
pagbibigay ng mga lupang agrikultural para sa mga magsasaka sa pamamagitan ng 'raffle'. Maraming iba't-ibang
paligsahan na isinasagawa sa pagdiriwang na ito na talaga naman pinakahihintay ng mga mamamayan ng Carmona.
Isa rin naman sa mga kilalang pagdiriwang ay ang Dinagyang Festival ng Iloilo. Ginaganap ito tuwing ikatlong linggo ng
Enero upang ipagdiwang ang pista ng Santo Niño. Sa tuwing ipinagdiriwang ito, ang mgs kalahok ay nagsasayaw sa daan
habang may uling ang kanilang mga katawan. Nariyan din ang Higantes Festival na ipinagdiriwang sa Angono, Rizal
tuwing ika-23 ng Nobyembre. Kilala rin ito sa tawag na Pista ni San Clemente na patron ng mga mangingisda.
Isinasagawa ang prusisyon kasama ang mga deboto na may hitsura at kasuotang mangingisda na yari sa kahoy. Ang
mga ito ay tinatawag na "pahadores".

Ilan lamang ang mga ito sa mga selebrasyong ipinagdiriwang sa pilipinas na nagpapakita ng mayamang
kultura ng bansa. Sa pamamagitan ng mga ito ay naipakikita ang iba't ibang paniniwala, kultura, at tradisyon ng mga
pilipino. Nabibigyang halaga rin ang mga pamana ng mga ninuno at katutubo sa pamamagitan ng mga ito.

Journal # 4
Sumulat ng Journal, maging malikhain.

Ang aralin na ito ay nakatulong upang mabuksan ang aking isipan sa iba't-ibang kultura ng Pilipinas.
Napalawak ang akin isipan tungkol sa mga selebrasyong idinaraos sa pilipinas bilang bahagi ng kultura. Kaya naman,
malaki ang naitulong sa akin ng aralin tungkol sa akademikong sulatin. Nabigyang kaalaman din ako tungkol sa
wastong pagsulat ng iba't-ibang akademikong sulatin mula sa unang mga hakbang sa pagsulat nito. Malaking tulong
ito upang mapalawak at mas mapahusay ang aking kakayahan sa pagsulat.
ELENZANO, Reizel D. WEEK 4 - 6
G12 STEM - Ramirez

IKALIMANG LINGGO

Pambungad na Gawain:
Punan ang mga patlang ng Sintesis at Abstrak
A-ALAM
- Alam ko na ang abstrak ay ang pangunahing bahagi ng isang akademikong sulatin na may layuning maglahad
ng kaisipan tungkol sa paksa.

NM – NAIS MALAMAN
- Nais kong malaman kung ano ang mga hakbang upang makasulat wasto at tamang abstrak. Gayundin ang iba't-
ibang elemento o uri na bumubuo sa isang abstrak.

N – NATUTUHAN
- Natutuhan ko ang iba't-ibang layunin ng isang abstrak. Ang iba't-ibang nilalaman na bumubuo rito. Natutuhan
ko din ang mga katangian na mayroon ang isang abstrak.

JOURNAL # 5
Sa araling ito natutunan ko kung ano ang abstrak. Nailahad ang depinisyon ng abstrak at ang wastong
pagsulat nito. Mahalagang mailahad ang layunin sa pamamagitan ng abstrak. Mayrron din mga elemento ang
abstrak na siyang nagbigay linaw sa akin kung bakit may iba't-ibang nilalaman ang mga abstrak na aking nababasa.
Ang abstrak ang isinusulat upang bigyan ng kaalaman ang mambabasa kung saan patungkol ang isang akademikong
sulatin. Malaking tulong ang aralim na ito upang mapalawak amg aking kaalaman sa pagsulat ng abstrak.

IKAANIM NA LINGGO

SURI – LAPAT
AKTIBITI 5 Manaliksik ng alin sa mga sumusunod. Gawan ito ng alin sa Abstrak o Sintesis. Tukuyin
kung ano pinili.
a. Sining
b. Ekonomiya
c. Edukasyon

ABSTRAK – Edukasyon
Gaano nga ba kahalaga ang edukasyon sa buhay ng isang indibidwal? Ano ang magiging resulta kung hindi
nakapagkamit ng edukasyon ang isang tao? Ang bawat tao ay nag-aasam ng magandang kinabukasan para sa kanilang
sarili at pamilya. Ang edukasyon ay may malaking parte at epekto sa kinabukasan ng tao. Paano ang mga hindi nakapag-
aral dahil sa iba't ibang sikrkumstansya? Maaring marami ang umaasenso sa pamamagitan ng tiyaga at pagsisikap
ngunit hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang karamihan sa may magandang kinabukasan ay ang mga nakapagkamit ng
sapat na edukasyon. Ang paksang ito ang magbibigay linaw sa importansya at bahagi ng edukasyon sa pag-unlad ng tao.
Mailalahad ang iba't-ibang resulta ng kawalan ng sapat na edukasyon. Hindi lamang ang tao ang uunlad, kundi pati na rin
ELENZANO, Reizel D. WEEK 4 - 6
G12 STEM - Ramirez

ang lipunan at ekonomiya sa tulong ng edukasyon. Naaapektuhan din ng edukasyon ang moralidad at personalidad ng
isang tao at kung paano siya makitungo sa iba. Ilan lamang iyan sa kahalagahan ng edukasyon sa iba-t ibang sektor.
ELENZANO, Reizel D. WEEK 4 - 6
G12 STEM - Ramirez

You might also like