Arts Lesson Plan Co First Quarter Finaaaal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Department of Education

Region IX, Zamboanga Peninsula


Division of Zamboanga
Recodo District
RECODO ELEMENTARY SCHOOL
Zamboanga City

BANGHAY ARALIN SA MAPEH ARTS I


EXPLICIT TEACHING

A. CONTENT STANDARD:
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkilala sa iba’t
ibang uri ng mga linya na nakatutulong sa paghubog ng kakayahan ng bawat mag-aaral.

B. PERFORMANCE STANDARD:
Ang mag-aaral ay buong pagmamalaking nakapagpapahayag ng pagkilala sa iba’t ibang
klase ng linya.

C. MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES:


Natutukoy ang iba’t – ibang linya na ginagamit sa pag-guhit.

I. LAYUNIN:
a. Natutukoy ang iba’t – ibang linya na ginagamit sa pag-guhit.

II. PAKSANG ARALIN:


“ ELEMENTO NG SINING: LINYA ”

Sanggunian: Learning School Material (Arts Quarter 1)


(A1EL-1c)

Kagamitan: Telebisyon, larawan, strips ng papel, laptop, tsarts

INTEGRATIONS:

 ICT – Paggamit ng teknolohiya


 Cultural Integration – Paghahabi ng tela
 Values Integration – Kooperasyon at Pagkakaisa

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating aralin, magdasal muna tayo.
2. Pagcheck ng Attendance
3. Mga pamantayan na dapat sundin
a. Makinig sa guro habang nagtuturo
b. Huwag mag-ingay
c. Itaas ang kamay kapag gustong sumagot
d. Sundin ang lahat ng patakaran/health protocol

4. Balik-Aral
Balikan natin ang huling aralin na ating tinalakay.
 Ano nga ang huling aralin ating tinalakay? Tungkol saan?
(tungkol sa primary colors) Magaling.

Tingnan natin kung talagang naalala niyo pa ba talaga ang ating huling aralin, magpapakita ako ng
ilang larawan at sasabihin niyo ang bawat kulay nito.

Panuto: Tukuyin ang tamang kulay ng nasa larawan at hanpin ang tamang
sagot sa loob ng kahon.
Asul/Blue Dilaw/Yellow Pula/Red

______________ ______________
______________

5. Pagganyak

Bago tayo magsimula sa ating bagong aralin, mayroon akong video na ipapanood sa inyo.
 Ano ang napanood niyo sa video?

Ngayon, mayroon akong inihandang maikling kwento. Makinig ng mabuti habang aking binabasa.
Pero bago ang lahat mayroon muna tayong aalamin na ilang mga salita na mula sa kwento. Basahin
natin at alamin ang ibig sabihin ng bawat isa.

6. Paghawan ng mga Balakid

Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit.

a. Magaling maghabi ng mga tela ang nanay ni Fatima.


a. maglinis b. magtahi c.magtupi

b. Nakakagawa siya ng iba’t – ibang klase ng magagandang disenyo.


a. itsura b. litrato c. mukha

c. Sa isang baryo, may isang pamilya masayang naninirahan.


a. sasakyan b. palasyo c. barangay

B. Paglalahad/Pagmomodelo

Bago ko simulan basahin ang ating maikling kwento, ano muna ang dapat gawin at tandaan
habang ako ay nagbabasa? (Makinig nang mabuti at tumahimik.) Magaling. Ngayon akin nang
sisimulan basahin ang maikling kuwentong pinamagatang “Ang Paghahabi”.

“Ang Paghahabi”

Sa isang baryo ng Upper Calarian, may isang pamilya na masayang naninirahan dito. Si Mang
Nur at Aling Fer ang mag asawa at mayroon silang isang babaeng anak na si Fatima. Sila ay nakatira sa
Yakan Village. Kaya naman ang kanilang naging hanapbuhay ay ang paghahabi ng tela. Magaling
maghabi ng mga tela ang nanay ni Fatima. Gamit ang iba’t ibang uri ng mga linya nakakagawa siya ng
iba’t ibang klase ng magagandang disenyo sa mga ito at naibebenta rin nila ito sa malaking halaga na
sapat para sa pang araw araw nilang pangangailangan.

C. Pagtatalakay / Pagpapalalim ng Kaalaman

Base sa maikling kuwentong inyong napakinggan, narito ang ilang mga katanungan:
 Ano ang naging hanapbuhay ng mag-anak? (Paghahabi ng tela)
 Anong klaseng disenyo ang nabanggit na nagagawa sa paghahabi? (Iba’t ibang klase o uri ng
linya)
 May alam ba kayong uri ng mga linya? Sino makakapagbigay ng isang halimbawa?

Ngayon mayroon akong ipapakita na iba’t ibang uri ng linya. Alamin natin kung ano ano ito.
Mga Katanungan:
 Ano ano ang nakikita niyo sa unang larawan?(Linyang patayo at linyang pahiga)
 Sa pangalawang larawan ano naman ang nakikita niyo? (Linyang pahilis, pakurba at pasigsag o
paliko liko)

D. Paglalahat
 Ano ang nabubuo mula sa dalawang tuldok na ipinagdugtong o pinag-ugnay?
 Anong uri ng linya ang nagsisimula sa taas pababa?
 Ano naman ang uri ng linya na nagmumula sa kaliwa papuntang kanan?
 Ano-ano ang mga uri ng tuwid na linya?
 Ano-ano ang mga uri ng di-tuwid na linya?
 Ano-ano ang mga iba’t – ibang uri ng linya?
 Ano kaya ang mabubuo natin gamit ang mga linyang ito? (Pwede tayong makagawa ng likhang
sining gamit ang iba’t – ibang klase ng linya.)

E. Paglalapat
Ngayon, magkakaroon tayo ng isang laro. Mayroon akong maliit na bola dito, Ipapasa ito paikot
sa buong klase habang tumutugtog ang kanta at kung kanino ito mapupunta pag hinto ng kanta,
pupunta siya sa harap at iguguhit ang sasabihin kong uri ng linya.

F. Pinatnubayang Pagsasanay
Sa oras na ito ay magkakaroon tayo ng pangkatang gawain. Ipapangkat ko kayo sa apat na grupo.
Ano ang inyong dapat gawin kung may ginagawang pangkatang gawain?

Pangkat 1: Iguhit ang iba’t ibang uri ng linya sa tamang hanay.

Patayo Pahiga Pakurba Pahilis Pasigsag

Pangkat 2: Idikit ang tamang pangalan ng linya sa bawat larawang ipinapakita.


Linyang Pakurba Linyang Patayo Linyang Palihis Linyang Pahiga Linyang Pasigsag

Pangkat 3: Ilagay sa tamang hanay ang bawat larawan na ipinapakita.

Gawa sa tuwid na linya Gawa sa di-tuwid na linya

1. 1.
2. 2.
3. 3.

Pangkat 4: Pagtapatin larawan sa Hanay sa A sa tamang uri ng linya sa Hanay B.

1. Linyang Pahilis

2. Linyang Pahiga

3. Linyang Pasigsag

4.
Linyang Patayo

5. Linyang Pakurba

G. Malayang Pagsasanay/ Indibidwal na Gawain:


Panuto: Gumuhit ng likhang sining gamit ang mga linyang tinalakay. Bibigyan ko lamang kayo
ng limang minute para gawin ito.
5 bituin 3 bituin 1 bituin

Naipakita sa iginuhit ang lahat Naipakita sa iginuhit ang ilang Naipakita ng sa iginuhit ang
ng mga linyang tinalakay. mga linyang tinalakay. isang linyang tinalakay.

H. Pagtataya
Panuto: Isulat ang letra na nagsasaad ng uri ng linyang pinapakita.

_________ 1. Ano ang tawag sa linya na ito ?


a. linyang patayo b. linyang pahiga c. linyang pakurba

_________ 2. Ano ang tawag sa linya na ito ?


a. linyang patayo b. linyang pahiga c. linyang pahilis

_________ 3. Ano ang tawag sa linya na ito ?


a. linyang pasigsag b. linyang patayo c. linyang pahilis

_________ 4. Ano ang tawag sa linya na ito ?


a. linyang pasigsag b. linyang pahilis c. linyang pakurba

_________ 5. Ano ang tawag sa linya na ito ?


a. linyang pasigsag b. linyang patayo c. linyang pahilis

IV. Reflection

V. Remarks

Inihanda ni:

JOCELYN G. DE GUZMAN
Guro

Inobserbahan ni:

ANNALOU A. FARREL ALEXANDER V. DAMASO


Head Teacher ESP – 1

You might also like