Ikalawang Markahang Pagsusulit Fil 10

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO GRADE 10

1. Sa anong uri ng maikling kuwento nabibilang ang akdang pinamagatang “Ang Kuwintas”?
a. Kuwentong makabanghay c. kuwento ng kababalaghan
b. Kuwento ng tauhan d. kuwento ng katutubung kulay
2. Anong kultura ng mga taga France ang ipinakikita sa akdang binanggit sa itaas?
a. Pagpapahalaga sa kayamanan at karangyaan
b. Pagpapahalaga sa katagumpayan
c. Pagpapahalaga sa pagkakapantay-pantay at kapayapaan
d. Pagyakap sa kultura ng estilo at sopistikasyon
3. “Napakahangal mo!” bakit hindi mo hanapin ang kaibigan mong si Madame Foristier. Humiram
ka ng ilang hiyas sa kanya. Marahil hindi ka niya tatanggihan dahil matalik mo siyang kaibigan.”
Ano ang ipinahihiwatig ng bahaging ito ng kuwento?
a. Konsintidor b. mapagsamantala c. mapamaraan d. mapagkunwari
4. “Aba mayroon pa! mamili ka, hindi ko alam kung alin ang ibig mo?” Anong damdamin ang nais
ipakita nito?
a. Mapagbigay b. maawain c. mapagbiro d. mayabang
5. “hintayin mo ako rito sandali. Sisipunin ka sa labas.” Ano ang nais ipahiwatig ng nagsasalita?
a. Ayaw niyang masaktan ang kausap
b. Pagsisilbihan niya ang kanyang minamahal
c. Ayaw niyang magkasakit ang kanyang mahal
d. Gagawin niya ang lahat para sa ikabubuti o ikasisiya ng kanyang mahal.
6. “Mahal, akala ko’y ikatutuwa mo ang pagkuhako sa paanyaya?” anong damdamin ang nais
ipahiwatig ng tauhan?
a. Pagmamakaawa b. pagkadismaya c. pagkagalit d. pag-aalala
7. “O kahabag-habag kong Matilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay imitasyon lamang,
puwit lang ng baso.” Ano kaya ang naging damdamin ng pangunahing tauhan nang marinig niya
ang sinabi ng kausap?
a. Pagkamangha b. pagkabigla c. panghihinayang d. pagsisisi
8. “Mabuti pa kaya’y huwag na akong dumalo sa sayawan. Wala man lamang akong maisusuot
kahit isang hiyas. Anong damdamin ang ipinakikita ng nagsasalita?
a. Pagkamuhi b. pagkayamot c. pagkatuwa d. pagkalungkot
9. “Pagbabalikan kong lahat ng pinagdaanan natin. Baka sakaling makita ko.” Anong damdamin ang
nais iparating ng pahayag na ito?
a. Pag-asa b. pagkabalisa c. pagkainis d. pag-asam
10. “Wala ang kuwintas ni Madame Foristier!” ang pahayag ay nagsasabi ng
a. Pagkapahiya b. pagkayamot pag-aalala d. pagkabahala
11. “Nhumiti si Matilde nang may pagmamalaki, isang ngiting puspos ng kawalang-malay katulad ng
ngiti ng isang paslit.” Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng pahayag na ito?
a. Pasasalamat b. pagmamalaki c. pagkatuwa d. pagkamangha
12. “Ano! Paanong nangyari? Imposible!” ano ang ipinahahayag nito?
a. Pagkamangha b. pagkabigla c. di makapaniwala d. pag-aalala
13. Isa itong grapikong representasyon ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga larawan na
inayos ayon sa pagkakasunod-sunod.
a. Iskrip b. komiks c. story board photo essay
14. Ang orihinal na may akda ng nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame”
a. Pablo Picasso b. Guy de Maupassant c. Victor hugo d. Plato
15. Alin sa sumusunod ang katangian ng nobela?
a. Ang mga tauhan ay ginagawang buhay na buhay
b. Ang mga pangyayari ay pawang malayo sa katotohanan.
c. Nagnanais na mabigay kalibangan sa mambabasa.
d. Naglalarawan ng tagpuan at mga tauhan.
16. Anong uri ng teoryang pampanitikan ang may paniniwala na ang tao ang sukatan ng lahat ng
bagay, ang siyang pinanggagalingan ng lahat?
a. Romantisismo b. feminism c. realismo d. humanismo
17. Isang akdang pampanitikang nasa anyong prosa, kadalasan kasinghaba ng aklat na ang banghay
ay inilalahad sa pamamagitan ng mg tauhan at dayalogo.
a. Maikling kuwento b. mitolohiya c. parabula d. nobela
18. Ano ang dahilan ng pagkakatanghal kay Quasimodo bilang “Papa ng Kahangalan”?
a. Dahil sa kanyang kabaitan c. dahil sa kanyang pag-ibig
b. Dahil sakanyang kamangmangan d. dahil sa kanyang labis na kapangitan
19. Paano napatunayan sa akda na labis ang pag-ibig na nararamdaman ni Quasimodo kay La
Esmeralda?
a. Iniligtas niya ang dalaga sa tiyak na kamatayan.
b. Pinatay niya ang taong kumupkop sa kanya alang-alang sa dalaga.
c. Namatay siyang nakayakap sa bangkay ng babaeng kanyang minahal.
d. Tiniis niya ang parusang iginawad sa kanya sa kasalanang di niya ginawa.
20. Bakit mahalaga ang papel ng katedral sa kuwento?
a. Ito ang naging tahananni Quasimodo
b. Dito natagpuan ang bangkay ng mga pangunahing tauhan.
c. Ito ang nagsilbing lugar para sa pagdiriwang ng araw ng kahangalan.
d. Dito nagana pang malalagim na pangyayari sa buhay ngmga pangunahing tauhan
21. Anong panahon sa kasaysayan ng Pilipinas ang inilalarawan sa “Dekada ‘70”?
a. Martial Law c. EDSA Revolution
b. Kontemporaryong panahon d. Panahon ng hapon
22. Ano ang temang nobelang “Dekada 70”?
a. Paghahangad ng kalayaan c. pagharap sa mga hamon ng buhay
b. Pagpapakasakit d. pagmamahal sa bayan at pamilya
23. Anong katangian ni Amanda Bartolome ang magpapatunay ng kanyang pagiging isang Pilipino?
a. Hindi nawawalan ng pag-asa sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.
b. Handing magbuwis ng buhay para sa ikabubuti ng lahat
c. Katatagan sa kabila ng pagsubok na dumaan sa kanilang buhay
d. Paghahangad ng kalayaang pambansa at pansarili.
24. Paano mo ilalarawan si Julian bilang padre de pamilya?
a. Maasikaso b. mapagmahal c. walang pakiaalam d. makasarili
25. Ano ang natutuhan ni Amanda Bartolome sa lahat ng mga pagsubok na nangyari sa kanilang
buhay?
a. Natutuhan niyang pangibabawan ang kahinaa’t kahirapan
b. Natutuhan niyang pangalagaan ang kapakanan ng kaniyang pamilya
c. Natutuhan niyang magparaya
d. Natutuhan niyang magpakamanhid
II. A. Tukuyin ang angkop na kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa loob ng
pangungusap. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon.
a. Kainggitan c. nagdalawang-isip e. kakaibang ganda
b. Kaawa-awa d. isipan f. punong-puno
26. Totoong nahalina si Joseph sa alindog ni Melany
27. Magiging kahabag-habag ang kalagayan ng ating bansa kung ang mamumuno ay isa naming
corrupt.
28. Sa harap ng gayong balita, si Nidora ay maghapong naghintay na sapupo ng di-matingkalang
pangamba.
29. Patuloy na naglalaro sa kanyang balintataw ang masasayang alaala ng kanilang suyuan sa tabing
ilog.
30. Pangarap niya na siya ay maging tampulan ng papuri at pangimbuluhan ng ibang mga
kababaihan.
B. Tukuyin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita ayon sa tindi ng kahulugang nais
ipahayag.
31. a. lungkot, lumbay, hapis, pighati c. pighati, hapis, lumbay, lungkot
b. hapis, lungkot, lumbay, pighati
32. a. kagunggungan, kalokohan,kahangalan, kabaliwan
b. kalokohan, kagunggungan, kabaliwan, kahangalan
c. kalokohan, kabaliwan, kagunggungan, kahangalan
33. a. ngitngit, galit, poot, muhi c. muhi, poot, galit, ngitngit
b. galit, ngitngit, poot, muhi
34. a. sinisinta, iniibig, minamahal, hinahangaan
b. hinahangaan, minamahal, iniibig, sinisinta
c. hinahangaan, minamahal, sinisinta, iniibig
35. a. luha, iyak, hagulhol, tangis c. iyak, luha, hagulhol, tangis
b. tangis, iyak, luha, hagulhol
III. A. Tukuyin ang angkop na gamit ng panandang kohesyong gramatikal sa loob ng pangungusap.
a. Anaphora b. katapora
36. Nagmamadaling umalis ang ama nang malamang naaksidente ang kanyang anak. Kailangan
niyang makarating agad sa ospital.
37. Si Tidora ay nagpapaaral sa limang daang mga batang lansangan sa Lungsod ng Sorsogon.
Napag-alaman nilang siya pala ang nanalo sa lotto.
38. Nagalit si Aling Selya nang hindi nakinig sa kanya ang mga bata. Bigla na lamang siyang
nahimatay dahil sa pagtaas ng alta presyon.
39. Labis ang pagdurusa ni Matilde dahil sa paniniwala niyang isinilang siya sa daigdig upang
magtamasa ng kaligayahan sa buhay.
40. Napakasakit sa kalooban ni Norhaina na malamang magkakahiwalay na sila ni Patrick.
Tahimik lamang siyang umiyak sa isang sulok.
B. Isulat sa sagutang papel ang tamang panandang pandiskurso upang mabuo ang kaisipang
inihahayag ng talataan. Piliin sa loob ng kahon. (41-46)

Una sunod halimbawa na lamang nito pangalawa


Kaya naman samakatuwid bunga nito

Ang Pilipinas ay isang bansang napakaganda at napakayaman. 41.____________marami ring


mga dayuhan ang nahihimok na dumalaw rito. May mga pagkakataong ninanais nilang dito na
manirahan dala ng maraming dahilan. 42.______________ na rito ay ang pagiging maalalahanin ng mga
Pilipino.
43. __________ ay tunay naming ang mga tanawin dito ay nakakahalina. 44.___________ ay ang
gandang taglay ng Bulkang Mayon, Underground River at marami pang iba. 45. ____________ ay nais
din nilang balik-balikan ang mga pagkaing Pilipino na dito lamang nila natikman sa ating bansa. 46.
___________ natutulungan ang maraming Pilipino na magkaroon ng hanapbuhay at umangat ang ating
ekonomiya.

IV. Bumuo ng dalawang (2) saknong ng tulang nagpapahayag ng damdamin sa kalagayan ng ating
bansa ngayon. (14 puntos)
Pamantayan: malinaw ang mensahe-7 matalinhaga-5 may kariktan-2

You might also like