Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kultura

Kahit na laganap na ang Kristiyanismo, ang mga Aklanon paniniwala sa mga


aswang at sa mga babaylan ay laganap pa rin sa mga tao. Kinakatakutan pa rin
ang kulam ng maraming tao dito.

https://aralingpanturismo.wordpress.com/2016/03/08/aklan/
Ang mga sinaunang Panayanon ay naniniwala sa maraming diyos. Nakatira si
Bululakaw sa sagradong bundok ng isla na tinatawag na Madya-as. Isang punong
diyosa ang pinaniniwalaang naninirahan sa bundok ng kalapit na isla ng Negros
Occidental. Siya ay tinawag na Laon, kung saan pinangalanan ang Mt Kanlaon.
May mga tagapamagitan sa mga diyos, sinasabi rin na mga unang pari:
Bangutbanwa, na nanalangin para sa magandang ani at maayos na sansinukob;
Mangindalon, na namagitan para sa mga maysakit at nanalangin para sa parusa
ng mga kaaway; at Soliran at Solian, na nagsagawa ng mga seremonya ng kasal. Si
Manunubo ang mabuting espiritu ng dagat.
Bagama't Kristiyano na ang mayorya ng populasyon ng Aklanon, hindi pa rin
tuluyang naglaho ang paniniwala sa kapangyarihan ng babaylan sa kabila ng
kanilang pagliit na bilang.

Cruz-Lucero, Rosario, and Alexander de Juan. 2018. “Aklanon.” With contributions


by Jeffrey Yap, John Barrios, and E. Arsenio Manuel. In Our Islands, Our People:
The Histories and Cultures of the Filipino Nation, edited by Rosario Cruz-Lucero.
https://ourislandsourpeople.wordpress.com/aklanon/.

Ang Atí-Atíhan ay isang pista tuwing ika-lawang linggo ng En-ero sa Kalibo, Aklan
at sinusundan ng gayund-ing pagdiriwang sa ka-lapit bayan ng Ibajay, Aklan. Ito ay
karani-wang ipinagdiriwang pagkatapos ng selebra-syon ng pagdalaw ng Tatlong
Hari kay Jesus sa sabsaban. Gamit ang makukulay na maskara, uling sa katawan,
at iba’t ibang matingkad na ka-suotan, ang mga táong kaisa sa pagdiriwang ay
sumasayaw kasabay ang tunog ng mga tambol at sigaw na “Hala, Bira!.”
Ang salitâng “Atí-Atíhan” ay may kahulugan na “maging katulad ng isang Ati.”
Noong ika-13 siglo, pinaniniwa-laang dumating sa Panay ang sampung datu mula
sa Bor-neo at nakipagsundo sa mga katutubong Ati. Ang mga Ati ay mga Negrito o
maliliit at maiitim na tao, kulot ang buhok, at naninirahan noon sa Panay. Ayon sa
kuwento, binili nina Datu Puti ang ilang bahagi ng lupain kapalit ng salakot na
ginto at iba pang hiyas. Magmula noon ay sa kabundukan nanirahan ang mga Ati.
Bumababâ silá kapag humihingi ng tulong sa mga datu. Ang mga Ati ay
sumasayaw at kumakanta bílang pasasalamat.
Upang higit na sumigla, itinapat ang Ati-Atihan sa pagdiriwang ng pista ng Santo
Niño. Kayâ bahagi ng sanlinggo’t masayáng parada sa Kalibo ang pagtatanghal at
pagbubunyi sa imahen ng batàng Jesus, gaya ng ginagawâ ding pagdiriwang
tuwing Enero sa “Sinulog” ng Cebu, “Dinagyang” ng Iloilo, “Halaran” ng Capiz,
“Maskara-han” ng Bacolod, at “Binirayan” ng Antique. (IPC)

Atí-Atíhan. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National
Commission for Culture and the Arts. Retrieved from
https://philippineculturaleducation.com.ph/ati-atihan/To

You might also like