Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Eulogio “Amang” Rodriguez

Institute of Science and Technology

Nagtahan, Sampaloc, Manila

Ikalawang Markahan

FILIPINO 9

PABULA

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

A. Nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong napakinggan (F9PN-IIc-


46)

B. Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan na parang taong
nagsasalita at kumikilos (F9PB-IIc-46)

C. Naipapaliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay sa napakinggan


(F9PS-IId-47)

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, ang magaaral ay inaasahan na:

 Naitatala at nauunawaan ang mga katangian ng mga karakter sa pabula;


 Nakapaglalahad ng sariling damdamin batay sa pangyayaring naganap sa binasang
pabula.
 Nakagagawa ng sanaysay tungkol sa mahalagang aral na nakuha sa binasang pabula.

II. PROSESO NG PAGKATUTO

A. PANIMULANG GAWAIN

 Pagbati sa Klase
 Panalangin
 Pagsasaayos ng silid-aralan
 Pagtatala ng Liban
 Pagbabalik-aral
B.PAGGANYAK

“Larawan ko, Itangi mo”

Magpapakita ang guro ng larawan ng mga hayop at itatanong sa mga mag-aaral ang
katangian nito. Sisikapin ng mag-aaral na sulatan ng katangian ang larawan ng ilang hayop sa
ppt presentation ng guro.
C. PAGBASA SA AKDA

Ati nang aalamin ang kwento ng “Ang Hatol ng Kuneho” makinig ng mabuti sa
tagapagsalaysay sa papanooring video.

D. PAGTATALAKAY SA PAKSA

Gabay na tanong:

1. Ano ang paksa ng pabula?


2. Sino ang pangunahing bida sa kwento?
3. Bakit nanganib ang buhay ng lalaki?
4. Ipaliwanag ang paghahatol na ginawa ng kuneho sa tao.

E. PANITIKAN

1. PANGKATANG GAWAIN

Magsasagawa ang bawat grupo ng isang “puppet show” tungkol sa itatakdang bahagi sa
pabulang pinamagatang “Ang Hatol ng Kuneho” mula sa Korea na isinalin sa Filipino ni
Vilma C. Ambat. Bibigyan lamang ang bawat pangkat ng limang (5) minute sa paghahanda at
pagtatalakay.

PANGKAT 1: Pagkahulog ng tigre sa napakailalim na hukay at paghingi nito ng tulong.

PANGKAT 2: Pagtulong ng lalaki sa tigre

PANGKAT 3: Ang hatol ng puno ng Pino

PANGKAT 4: Ang hatol ng baka

PANGKAT 5: Ang hatol ng kuneho


2. IKUWENTO MONG MULI

Ayusin ang mga larawan batay sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa


pabula.

F. PAGSASANAY
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ano ang tawag sa kwento na hayop ang tauhan?


A. Alamat
B. Kwentong- Bayan
C. Pabula
D. Maikling Kwento
2. Sino-sino ang gumaganap sa pabula
A. Mga hayop’
B. Mga diwata
C. Mga matatanda
D. Mga bata
3. Ano ang naging pasya o hatol ng kuneho sa problemang kinakaharap ng lalaki?
A. Ipapakain siya sa tigre
B. Iwanan niya ang tigre sa hukay
C. Hahayaan na lang sila ng kuneho
D. Magiging magkaibigan sila
4. Sino ang huling hiningian ng hatol ng lalaki kung mainam ba siyang kainin ng tigre?
A. Kalabaw
B. Baka
C. Kuneho
D. Puno ng Pino

5. Ano ang ginamit ng tao upang makaahon sa malalim na hukay ang tigre?
A. Hagdanan
B. Troso
C. Bato
D. Lubid

G. SINTESIS

SUKATIN NATIN!

Panuto: Sa isang buong papel sumulat ng isang repleksyon na iyong natutunan sa pabula.
III. TAKDANG ARALIN

Magsaliksik ng mga pabulang nagmula sa Korea at ibigay ang kaibahan nito sa mga pabulang
nagmula sa Pilipinas.

Inihanda ni:

Jaillah P. Romantico

Gurong Nagsasanay

You might also like