Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

“Oh, pag-ibig nga naman, kapag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka

lamang…” -Balagtas, Francisco.

Ang pagmamahal ay hindi na bago sa ating lahat, sapagkat nararamdaman natin ito sa araw-araw;
ang bawat isa ay nakararanas na magmahal at mahalin — maging ito man ay mula sa ating pamilya,
kaibigan, o kasintahan. Naniniwala ang karamihan na ang pag-ibig ay isa sa pinakamakapangyarihang
emosyon na mayroon ang isang tao, kaya't madalas itong nakikita sa mga panitikan at literatura dahil ito
ay nagsisilbing inspirasyon ng ibang manunulat upang gumawa ng isang akda. Isa sa kilalang akda sa
Panitikang Pilipino na pumapaksa sa pag-ibig ay ang “Florante at Laura” na isinulat ni Francisco
Balagtas; sa Panitikang Mediteraneo naman ay “Ang Tinig ng Ligaw na Gansa” na isinulat ni William
Kelly Simpson. Si Francisco Balagtas Baltazar ay ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Biguaa,
Bulacan na ngayon ay kilala bilang Balagtas, Bulacan. Tinatawag din siyang Kiko o Balagtas. Ang
kaniyang mga magulang ay sina Juana Dela Cruz at Juan Baltazar at ang kaniyang mga kapatid ay sina
Felipe, Concha, at Nicolasa. Taong 1835, nanirahan si Balagtas sa Pandacan, Maynila at dito niya nakilala
si Maria Asuncion Rivera o mas kilala bilang "Selya" sa kaniyang akda. Ang pag-ibig sa marilag na
dalaga ang nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ay may naging karibal sa pagmamahal kay Selya na si
Mariano "Nanong" Kapule, isang taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa
niyang pagligaw sa dalaga, ipinakulong siya ni Kapule upang hindi na muling magkita ang dalawa.
Habang nasa kulungan, isinulat niya ang Florante at Laura sa isang papel. Si William Kelly Simpson
naman ay isang makata na nagsulat ng “Tinig ng Ligaw na Gansa.” Isa rin siya sa mga manunulat na
naging insipirasyon ang pag-ibig sa paggawa ng akda, ngunit ang pag-ibig na ito ay nagbunga ng
hinanakit at pighati sa kaniyang puso.

Ang Florante at Laura ay isinulat ni Balagtas noong siya ay nasa loob ng bilangguan. Base sa
pananaliksik, tinatayang isinulat ito noong 1835-1836 at inilimbag niya ito noong taong 1836. Ang
panitikang ito ay pumapaksa hindi lamang sa pag-ibig, ngunit pati na rin sa personal na pangyayari sa
buhay ng makata. Tinatalakay nito ang kawalan ng katarungan at kurapsyon ng mga mananakop na
Espanyol sa pamamagitan ng paggamit ng piksiyonal na karakter, lugar, at pangyayari; nang sa gayon ay
hindi maharang ng malulupit na dayuhan ang kaniyang akda, sapagkat noon ay tunay na mahigpit ang
Espanyol sa ating kababayan, lalong-lalo na kung ukol ito sa pagtuligsa laban sa kanila. Tulad ng mga
manunulat noong panahon ng kolonisasyon ay ninais din ni Balagtas na mamulat ang bawat Pilipino at
magkaroon sila ng kalayaan mula sa mga dayuhan. Isa na sa pinakamahalagang salik sa layunin niyang ito
ay dahil isa rin siya sa mga biktima ng kurap na sistema noong panahon ng kolonisasyon. Bukod dito, ang
akdang kaniyang isinulat ay para rin maibsan ang kaniyang pagdadalamhati sa relasyon nila noon ng
kaniyang dating ka-ibigan na si Maria Asuncion Rivera. Sa huli, hindi man maganda ang kinahinatnan ng
buhay pag-ibig ni Balagtas ay nagkatuluyan naman ang magkasintahang sina Florante at Laura sa
kaniyang akda. Ang Tinig ng Ligaw na Gansa naman ay pumapaksa rin sa pag-ibig, ngunit masalimuot
ang nangyari sa akda. Ito ay ukol sa gansang nasakal ng pag-ibig. Ito ay personipikasyon na sumasalamin
sa taong kumikilos agad at hindi nag-iisip ng maaring maging kahihinatnan. Ipinapakita rin nito ang
simpleng pamumuhay sa Ehipto.
Ang dalawang akda ay nagpapahiwatig na ang pag-ibig ay tunay makapangyarihan. Ang pag-ibig
ay unibersal, ngunit hindi natin matitiyak ang kahihinatnan nito dahil nakadepende ito sa nag-iibigan at sa
maaring hamon ng mundo laban sa inyo. Marapat na maging matiyaga tayo sa pag-ibig, sapagkat ang
byaheng ito ay hindi deretso; puno ito ng tila walang hanggang lubak. Tulad na lang ng kinahinatnan ng
Florante at Laura ay naging masaya sila sa huli, sapagkat sila ay naging matiyaga; marami man silang
naranasang paghihirap ay sinubukan nilang ipagpatuloy ang kanilang pagmamahal. Samantala, marapat
lang na asahan nating hindi lang puro kasiyahan at magandang wakas ang dulot ng pag-ibig; kung hindi,
ay asahan nating nagdudulot din ito ng kalungkutan at kasawian. Sa pangalawang akdang aming
tinalakay, Ang Tinig na Liga na Gansa, ay hindi naging maganda ang kinahinatnan ng akda, sapagkat
masyadong minadali at pinilit ng gansa ang kaniyang sarili. Marapat na magtakda tayo ng linya na ating
pagba-basehan kung dapat pa ba tayong magpatuloy o hindi na. Mahalagang marunong tayong
tumanggap ng pagkasawi, sapagkat ito ay parte rin ng buhay. Sa huli, gaano man ka-kumplikado ang
pag-ibig ay lagi nating tandaan na importanteng mahalin muna natin ang ating sarili bago tayo magmahal
ng iba.

You might also like