Professional Documents
Culture Documents
FIL Reviewer
FIL Reviewer
Aralin 1:
Gustav Flaubert
- Isang manunulat na Pranses na siyang nagpaunlad ng Realismoing pampanitikan sa
Pransya at sa kanyang akda na Madame Bovary (1857)
- Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata upang libangin ang sarili, o gaya ng mga
matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay.
Intensibong Pagbabasa
- Pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panandang diskurso at iba pang detalye sa
estruktura.
Ekstensibong Pagbabasa
- Isinisagawa upang makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa teksto.
Scanning
- Mabilisang pagbasa na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon.
Skimming
- Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahuluhan ng kabuoang teksto.
Bago Magbasa
- Sinisimulan sa pagsisiyasat ng tekstong babasahin.
- Pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto upang malaman ang tamang
estratehiya sa pagbasa batay sa uri at genre ng teksto. Previewing or Surveying
Habang Nagbabasa
- Sabay-sabay na pinapagana ang iba’t ibang kasanayang upang lubusang maunawaan
ang teksto.
Pagtantiya sa bilis ng Pagbasa – binabago-bago ang bilis o bagal batay sa hirap ng
teksto at personal na kakayahan sa pagbasa.
Biswalisasyon ng binabasa – bumubuo ng mga imahen sa kaniyang isip.
Pagbuo ng koneksiyon – pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan ng teksto at imbak na
kaalaman upang matyak ang komprehensiyon.
Paghihinuha – pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman.
Pagsubaybay sa komprehensiyon – pagtukoy sa posibleng kahirapan sa pagbasa ng
teksto.
Muling pagbasa – muling pagbasa ng isang bahagi o kabuuan ng teksto kung
kinakailangan kapag hindi naunawaan.
Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto – paggamit ng iba’t ibang estratehiya upang
alamin ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita.
Pagkatapos Magbasa
Pagtatasa ng komprehensiyon – sagutin ang iba’t ibang tanong tungkol sa binasa
upang matasa ang kabuuang komprehensiyon.
Pagbubuod – natutukoy ang pangunahing ideya at detalye ng binasa.
Pagbuo ng sintesis – pagbibigay ng perspektiba at pagtingin ng manunulat batay sa
pag-unawa.
Ebalwasyon – pagtataya sa katumpakan at kaangkupan ng mga impormasyong nabasa
sa teksto. Tinutukoy kung ano ang halaga at ugnayan ng teksto sa layunin ng pagbasa.
Aralin 3:
Tekstong Impormatibo
- Naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang
pagkiling.
Ekspositori – isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay
ng impormasyon.
Tekstong Deskriptibo
- Naglalarawan na gumagamit ng mabisang pananalita upang mahikayat ang
mambabasa.
Cohesive Device
- Mahalaga sa pagbibigay ng mas malinaw at maayos na daloy ng mga kaisipan.
Reperensya – paggamit ng mga salitang maaaring maging reperensya ng paksang
pinag-uusapan sa pangungusap.
Anapora – nasa dulo ang panghalip.
Katapora – nasa una ang panghalip.
Substitusyon – paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
Ellipsis – binabawasan ang bahagii ng pangungusap subalit nagiging malinaw pa rin.
Pang-ugnay – pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap
sa pangungusap.
Aralin 5:
Tekstong Naratibo
- Pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari nang may maayos na
pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.
Tauhan – mga karakter na gumaganap sa teksto. Ang nagbibigay buhay sa isang akda.
Pangunahing Bida – sa bida umiikot ang pangyayari sa kuwento.
Kontrabida – sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan/
Kasangga – karaniwang kasama ng pangunahing tauhan.
May-akda – sinasabing ang panunahing bida at may-akda ay lagi nang magkasama.
Tauhang Bilog – tauhang nagbabago ang pananaw ayon sa pangangailangan.
Tauhang Lapad – madaling mahulaan at maiugnay at maituturing sa stereotype.
Tagpuan at Panahon – tumutukoy hindi lang sa lugar kundi ganyundin sa panahon at
maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran.
Banghay – maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Paksa o Tema – sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari
Aralin 6:
Tekstong Prosidyural
- Espesyal na uri ng tekstong expository. Inilalahad ang serye o mga hakbang sa
pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan.
- Uri ng teksto na nagbibigay impormsyon kung paano isagawa ang isang bagay.
Aralin 7:
Tekstong Persuweysib
- Uri ng sulatin na ginagamitan ng mga pananalitang nakakahikayat.
Aralin 8:
Tekstong Argumentatibo
- Uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ang posisyon sa isang tiyak na paksa
gamit ang mga ebidensya.
- Ginagamitan ng logos.