Ang Pambihirang Sombrero Grade4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“ANG PAMBIHIRANG SOMBRERO”

Narrator: Magandang umaga po sa inyong lahat! Ang inyong matutunghayan ngayon ay ang kwento na
pinamagatang “Ang Pambihirang Sombrero”.
Mahilig mangolekta ng kakaibang mga gamit si Mia. Isang araw, naghalungkat si Mia sa lumang
baul ng kaniyang lola. Laking tuwa niya nang makatagpo siya ng sombrero. Kakaiba ang itsura nito!
Humarap si Mia sa salamin para sukatinang sombrero. Sinubukan niyang isuot ito sa iba’t-ibang paraan.
Ngunit naisip niya, bakit parang may kulang? Lumabas ng kanilang bahay si Mia at nagtungo sa tindahan sa
tapat.
Mia: Magandang umaga po, Manang Sol! Maganda po ba ang aking sombrero?
Manang Sol (tindera): Oo Mia, pero mas maganda kung lalagyan pa natin ng alkansiya,”
Mia: (Nagulat) Salamat po Manang Sol.
Narrator: Sunod na pinuntahan ni Mia ang panaderya.
Mia: Mang Rico! Maganda po ba ang aking sombrero?
Mang Rico(panadero): Oo Mia, pero mas maganda kung palalamutian pa natin ng kandelabra.
Mia: Salamat po Mang Rico!
Narrator: Nagdaan din si Mia sa klinika.
Mia: Doktora Dulce, maganda po ba ang aking sombrero?
Doktora Dulce(doktora): Oo Mia, pero mas maganda kung papatungan natin ng mga prutas.
Mia: Salamat po Doktora Dulce!
Narrator: Naglakad pa si Mia at nakarating sa estasyon ng bumbero.
Mia: Mang Ador, maganda na po ba ang aking sombrero?
Mang Ador(bumbero): Oo Mia, pero mas maganda kung dadagdagan natin ng akwaryum.
Mia: Salamat po Mang Ador!
Narrator: Pagtawid niya sa kalsada, nakasalubong ni Mia ang pulis.
Mang Kalor(pulis): Mia, kakaibang sombrero iyan ah! Pero mas maganda kung sasabitan pa natin ng hawla.
Mia: Salamat po Mang Kalor.
Narrator: Umabot si Mia sa hardin ng plasa.
Mia: Mang Lito ,maganda na po ba ang aking sombrero?
Mang Lito(hardinero): Oo Mia, pero mas maganda kung kakabitan pa natin ng mga bulaklak.
Mia: Salamat po Mang Lito.
Narrator: Pagdating sa palaruan, napakarami ng palamuti sa sombrero ni Mia.
Toto(kalaro): Mia, itong saranggola na lang yata ang kulang diyan!
Mia: Sandali lang Toto!
Narrator: Ngunit naitali na ni Toto ang saranggola. Biglang umihip ang napakalakas na hangin. Kumapit si
Mia sa kaniyang sombrero at natangay siya paitaas. Nakarating si Mia sa mga ulap! Biglang lumobo ang
kaniyang sombrero at naging isang napakalaking parasiyut. Nang tumapat ito sa araw nakita ng lahat ang
angking ganda ng sombrero!
At dito nagtatapos ang kuwento ng “Mahiwagang Sombrero”, Maraming Salamat po sa inyong
panonood.

You might also like