Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
Siocon I District, 7120
SIAY INTEGRATED SCHOOL
Siay, Siocon, Zamboanga del Norte

Second Quarterly Examination in ESP VI


Table of Specification

Contents/ Objectives No. of Days


% # of items Item Placement
Taught
1. Naipamamalas ang pagunawa sa
kahalagan ng pakikipagkapwa-tao
na may kaakibat na paggalang at
10 25 10 1-10
responsibilidad
(pangako o pinagkasunduan)
EsP6P- IIa-c–30
2. Naipamamalas ang pagunawa sa
kahalagan ng pakikipagkapwa-tao
na may kaakibat na paggalang at
responsibilidad 10 25 10 21-30
(pagpapanatili ng mabuting
pakikipagkaibigan;)
EsP6P- IIa-c–30
3. Naipamamalas ang pagunawa sa
kahalagan ng pakikipagkapwa-tao
na may kaakibat na paggalang at
10 25 10 11-20
responsibilidad
(pagiging matapat)
EsP6P- IIa-c–30
4. Nakapagpapakita ng paggalang sa
ideya o suhestyon ng kapwa 10 25 10 31-40
(EsP6P- IId-i-31)
Total 40 100 40 40

Prepared by:

IRISH JOY C. MULOC


T-I

CHECKED BY:

JOSEPH R. AMARILLE SIGRID S. DIONALDO


Head Teacher I Master Teacher I

NOTED BY:

VERGEL M. MARCERA
Principal I
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Name of Learner:________________________________ Grade Level:___________________________

Name of School: ________________________________ Date: ______________ Score:_____________

PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

_____1. Ano ang magiging reaksyon mo kung may usapan kayo ng mga kaibigan mo na manood ng cultural show sa
plasa at nakatakda kayong magkita-kita sa hintayan ng sasakyan malapit sa inyong paaralan ng ika-5 ng hapon ngunit
hindi dumating ang mga kaibigan mo at nalaman mong nauna na sila sa plasa?
A. Iiyak at hindi makikipag-usap sa kanila sa susunod na makita sila
B. Magpapasalamat na habang maaga pa ay napatunayan mo na ang kanilang totoong pagkatao
C. Kakausapin sila tungkol sa nangyari at sasabihin kung ano ang naramdaman tungkol doon
D. Awayin sila at huwag na muling makipagkaibigan sa kanila

_____2. Bakit mahalaga ang pagtupad sa mga ipinangako mo sa iyong kapwa?


A. Upang mapanitili ang magandang ugnayan at tiwalang ipinagkaloob sa kapwa
B. Upang maging sikat at magmukhang mabait sa paningin ng kapwa
C. Upang maipagmayabang mo ang iyong nagawa sa kapwa
D. Upang magkaroon ng utang na loob sa iyo ang iyong kapwa

_____3. Ano ang gagawin mo kung sakaling HINDI mo natupad ang binitawang pangako sa iyong kapwa?
A. Umiwas sa taong pinangakuan at magkunwaring walang nangyari
B. Humingi ng paumanhin at ipaliwanag nang mabuti ang dahilan ng hindi pagtupad sa pangako
C. Magpanggap na nakalimutan ang napag-usapan at muling mangangako sa kapwa kahit hindi siguradong
matutupad ito
D. Balewalain ang maaaring maramdaman ng taong pinangakuan

_____4. Bakit nagiging tanda ng pagkamapanagutan ang pagtupad sa pangako?


A. Dahil ang pagtupad sa pangako ay ginagawa lamang sa piling tao
B. Dahil lahat ng tao sa mundo ay may isang salita
C. Dahil ang taong tumutupad sa pangako ay walang kaalitan
D. Dahil ang taong responsable ay ginagawa ang kaniyang sinasabi o pinapangako

_____5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang maaaring maging bunga ng HINDI pagtupad sa pangako o
pinagkasunduan?
A. Pagkawala ng tiwala sa kapwa
B. Pagkakaroon ng kapayapaan
C. Pagkakaroon ng maraming kaibigan
D. Pagiging mapagmataas

_____6. Sa isang programa na iyong sinalihan, napansin mong may isang bata na hindi masyadong nakikihalubilo sa
ibang mga kasamahan. Nalaman mong mag- isa lang siya galing sa ibang seksyon. Ano ang iyong gagawin?
A. Hahayaan na lang siyang mag- isa.
B. Lalapitan siya, magpakilala at kakausapin para hindi siya mag-iisa sa buong programa.
C. Tatawagin ang ibang kasama para lapitan siya at may makausap.
D. Tatawagin ang bata at ipakilala sa ibang bata para may kakilala siya.

_____7. Nakita mong nakapaskil sa iyong paaralan na nangangailangan ng mga volunteer para sa mga nasalantang
pamilya sa kabilang munisipyo. Sinabihan mo ang iyong mga kaibigan ang tungkol dito ngunit hindi sila interesado. Ano
ang iyong gagawin?
A. Magpalista lamang ng pangalan ngunit hindi ka sisipot sa araw na iyon.
B. Hindi na lang din ako sasali na maging volunteer.
C. Sasali pa rin ako sa programang iyon na maging volunteer upang makakilala ng ibang kaibigan.
D. Ililista ko ang mga pangalan ng aking kaibigan kahit hindi sila sasali.

_____8. Hiniram ng kaibigan mo ang aklat mo sa Matematika. Ipinangako niyang isasauli iyon pagkaraan ng dalawang
oras. Matagal kang naghintay, pero hindi bumalik ang kaibigan mo. Ano ang magiging reaksiyon mo?
A. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pagsasauli ng hiniram sa takdang oras na pinag- usapan.
B. Magpapahiram lamang ng mga gamit kung sa tabi mo llang siya gagamit.
C. Hindi na ipahiram ang aklat sa kaibigan.
D. Kukumbisihin ang sarili na wlang magandang idudulot ang pagpapahiram ng mga gamit.

_____9. May isang kang kaklase ng kakompetensiya sa lahat ng bagay sa paaralan lalo na sa pataasan ng grado. Sa
inyong klase, nalaman mong nasunugan sila ng bahay at walang naisalbang damit ang iyong kaklase. Inanunsiyo din ng
inyong guro na kung sinong may ekstrang damit o anumang gamit na pwedeng magamit na pwedeng ipamigay ay dalhin
sa paaralan para sabay-sabay nilang idonate ito sa kanilang kaklase. Ano ang iyong gagawin?
A. Ngumiti ng palihim sa nangyari sa iyong kaklase
B. Ipagsawalang bahala ang nangyari sa iyong kaklase
C. Hindi mo seseryohin ang iyong narinig mula sa iyong guro at ipagpatuloy ang pag-aaral at kompetensya sa
nasabing kaklase
D. Ipaalam sa magulang ang nangyari at humingi ng persmisong itipon lahat ng mga damit o gamit na pwedeng
ipamigay sa kaklase

_____10. Paano niyo mapapanatili ang inyong pagkakaibigan sa gitna ng isang kalamidad tulad ngayon na nangyayaring
pandemic?
A. Magbubulag-bulagan kung nahihirapan ang ibang kaibigan.
B. Magbahagi ng kahit konti kung anong meron ang inyong pamila sa mas mahirap na kaibigan.
C. Sabihin na wala ring maitulong dahil nahihirapan ka rin.
D. Huwag na lang silang pansinin ara hindi malaman ang kalagayan nila.

_____11. Ano ang iyong pagkakaintindi sa pagiging matapat?


A. Itatago ang totoong nangyari
B. Mamimintang ng kaibigan
C. Magbubulag-bulagan sa totoong nakita
D. May matatag na saloobin upang umamin sa nagging kasalan

_____12. Paano mo maipapakita ang pagiging matapat?


A. Sa pamamagitan ng pagsisinungaling
B. Sa pamamagitan ng pag-amin ng kasalanan
C. Sa pamamagitan ng pagtago ng katotohanan
D. Sa pamamagitan ng pagbibintang ng ibang tao

_____13. Nakita ni Albi na nahulog ang pera ng ale. Agad niya itong pinulot at isinauli sa ale. Anong katangian ang
ipinakita ni Albi?
A. Pagiging palakaibigan
B. Pagiging masayahin
C. Pagiging matapat
D. Pagiging masunurin

_____14. Anong natatanging katangian ang mayroon ang mamamayang Pilipino?


A. Pakikipag-away
B. Pakikipagkapwa-tao
C. Pakikipagtalo
D. Pakikipagkunwari

_____15. Bakit mahalaga ang pagiging matapat sa lahat ng oras?


A. Upang makahanap ng gulo
B. Upang makabuo ng masamang grupo
C. Upang magkaroon ng magandang ugnayan sa kapwa
D. Upang maging kagalang-galang

_____16. Bakit mahalaga ang pagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng bawat kasapi ng pamilya sa loob ng
bahay?
A. Upang mapanatili ang pagkakaunawaan at magandang samahan sa loob ng bahay
B. Upang maging responsable ang bawat kasapi sa loob ng bahay
C. Upang maging mabait sa mata ng mga magulang
D. Upang maging mabuti sa kapwa

_____17. Paano mo masasabi na iginagalang mo ang suhestiyon o ideya ng iyong kapwa sa loob ng bahay?
A. Kapag pinapakinggan sila B. Kapag iniinsulto sila
C. Kapag binabalewala sila D. Kapag nasasaktan sila

_____18. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kasapi ng pamilya sa loob ng
bahay MALIBAN SA ISA.
A. Pinagtatawanan ang suhestiyong ibinigay
B. Pagtanggap sa suhestiyong inigay
C. Paggalang sa suhestiyong ibinigay
D. Pagpapakita ng kasiyahan sa suhestiyong ibinigay

_____19. Nakita mong tinuturuan ng iyong kuya ang nakababata ninyong kapatid sa pagpipinta, narinig mo na hindi
gaanong akma ang ideyang kanyang ibinahaginais mo itong itama. Ano ang gagawin mo upang hindi masaktan ang
kanyang damdamin at maipakita parin ang paggalang bilang nakatatandang kapatid?
A. Pagsabihan na mali ang kanyang ideya
B. Pagalitan dahil mali ang kanyang ideya
C. Ibahagi ang iyong ideya nang may paggalang
D. Pabayaan na lamang sila
_____20. Sa iyong palagay, nakakatulong ba sa pagpapanatili ng magandang samahan sa loob ng bahay ang paggalang
sa suhestiyon ng bawat kasapi ng pamilya?
A. Opo, dahil ito ay nagdudulot ng di pagkakaunawaan
B. Opo, dahil nagkakaroon ng kaayusan at pagkakaunawaan ang pamilya
B. Opo, dahil lalong gumugulo ang sitwasyon sa loob ng bahay
D. Opo, dahil nagkakasamaan ng loo bang bawat miyembro ng pamilya

_____21. Paano mo maipapakita ang paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapuwa kalaro?


A. Ang hindi pagtingin sa kausap habang naglalahad ng ideya o suhestiyon
B. Pakinggan ang sinasabi at pag-aralan o timbangin kung makatutulong ang ideya.
C. Sang-ayunan agad ang ibinigay na ideya o suhestiyon ng walang dahilan
D. Pakinggan ang sinasabi at sabihan agad na mali ang kanyang ideya o suhestiyon

_____22. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng iyong kapwa
kalaro maliban sa isa:
A. Maging bukas tayo sa mga ideya ng iba, ngunit kailangan muna nating suriin kung ito ba ay makabubuti o
makasasama
B.Kung may pagkakataon na hindi nagustuhan ang naibigay na ideya sa iyo, maging mahinahon lamang sa
pakikipag-usap
C. Iwasang magbigay ng mga ideya o suhestiyon na makakasakit sa damdamin ng iyong kalaro
D. Balewalain ang ideya o suhestiyon ng kalaro dahil hindi siya ang namumuno

_____23. Alin sa mga sumusunod na salita ang HINDI kasingkahulugan ng salitang “suhestiyon”.
A. Kaalaman B. Ideya C. Kaisipan D. Pananaw

_____24. Ang pakikinig sa ideya o suhestiyon ng kapwa kalaro ay nagpapakita ng _____________.


A. Mapagmahal B. Maunawain C. Pagkamagalang D.Pagiging mabait

_____25. Ito ang antas ng pakikilahok na kung saan kinakailangan mong making sa ideya o suhestiyon ng iba na
maaaring makuha sa isang proyekto o gawain.
A. Konsultasyon B. Sama-samang pagpapasya C. Impormasyon D. Sama-samang
pagkilos

_____26. Bakit mahalaga na ginagalang natin ang ideya o suhestiyon ng ating kaklase?
A. Upang sila ay mapahiya.
B. Sapagkat nasisiyahan kang magkaroon ng away.
C. Para maiwasan ang panunukso sa kaklase.
D. Dahil napipilitan ka lang.

_____27. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kaklase?
A. Nakikipag-usap si Rica kay Ben habang nagbabahagi ang kaklase.
B. Nakikinig ng mabuti si Ada habang nagbabahagi ang kaklase.
C. Tumatawa sina Ella at Bel habang nagsasalita si Tinie.
D. Kumakanta si Kai habang kinukuwento ni Noy ang kanyang karanasan.

_____28. Ano ang iyong gagawin kung hindi mo narinig ng maayos ang ideya o suhestiyon na ibinagi ng iyong kaklase?
A. tatawa B. magagalit C. susungitan D. ipapaulit

_____29. Paano mo maipapakita na ginagalang mo ang ideya ng iyong kaklase?


A. Nakikinig ng maayos habang nagbabahagi ng ideya o suhestiyon ang kaklase.
B. Nakikipag-usap sa katabi habang nagsasalita ang kaklase.
C. Binabalewala ang ibinahagi na ideya o suhestiyon ng kaklase.
D. Hindi patatapusin sa pagsasalita ang kaklase.

_____30. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kaklase?
A. Hindi nakikipag-usap sa kaklase habang nagsasalita ang kaklase.
B. Pinagtatawan ang maling ideya o suhestiyon ng kaklase.
C. Nakikinig ng maayos sa kaklase.
D. Inuullit ang ideya o suhestiyon ng kaklase upang maintindihan ng lahat.

_____31. May pinag-uusapan sa inyong kagrupo tungkol sa nalalapit na palatuntunan sa inyong paaralan may nais kang
imungkahi.Ano ang gagawin mo?
A. Sisigawan ko sila C. Wala akong pakialam sa kanila
B. Mahinahon ko silang kakausapin D. Pabayaan silang magtalo.

_____32. May naisip kang magandang ideya sa tungkul sainyong project ngunit ayaw ng mga kaibigan mo. Ano ang
gagawin mo?
A. Igagalang ko ang ideya ni kapitan pero sasabihin ko rin ang aking ideya
B. Sasawayin ko siya at sasabihin ko mas maganda ang aking naisip na ideya
C. Di ko sila papansinin
D. Magtatampo ako sakanila
_____33. Mayroon imunungkahi ang iyong mga kaibigan tungkul sa inyong proyekto, pero mas maganda ang
iminungkahi ng iyong kaklase,Ano ang gagawin mo?
A. Wala akong pakialam B. Igagalang ko ang kanilang suhestyon
C. kaibigan ko ang susundin ko D. Bahala sila

_____34. Paano mo maipapakita ang paggalang sa bawat ideyang inihahayag ng kapwa mo?
A. Hihingin ko muna ang kanilang ideya at tatanggapin ito
B. Hindi ko sila pakikingan
C. Pagwawalang bahala ko ang kanyang ideya
D. Bahala siya kung anu man ang kanyang ideya

_____35. Nagkasagutan kayo ng iyong kaibigan tungkul sainyong gagawing pagsasanay tama at mas maganda ang
ideya ng iyong kasama,Paano mo ito tatanngapin?
A. Mahinahon ko siyang kakausapin
B. Hindi ko kailangan ang kanyang ideya
C. Pasigaw ko siyang kakausapin
D. Hindi ko papansinin ang kanyang opinion

_____36. May pinag- uusapan kayong magkakaibigan tungkol sa tamang pagtatapon ng basura sa inyong komunidad.
May nais kang imungkahi. Paano mo ibibigay ang iyong suhestiyon?
A.Sisigawan ko sila B.Wala akong pakialam sa kanila
C.Mahinahon ko silang kakausapin D.Pabayaan silang magtalo.

_____37. Ano ang gagawin mo kung may suhestiyon kang ibinigay ngunit hindi sumang-ayon ang inyong SK Chairman?
A. Igagalang ko ang desisyon ng aming SK Chairman
B. Sasawayin ko ang SK Chairman at sasabihin ko mas maganda ang aking naisip na ideya
C. Di ko papansinin si SK Chairman
D. Magtatampo ako sa kanya

_____38. Paano mo maipapakita ang paggalang sa suhestiyon ng iyong lider habang siya ay nagbabahagi?
A. Wala akong pakialam B.Makikipag-usap ako sa aking katabi
C. Makikinig sa kanyang suhestiyon D. Tatawa ng malakas

_____39. Paano mo maipapakita ang paggalang sa bawat ideyang binibigay ng iyong kapwa?
A.Hihingin ko muna ang kanilang ideya at tatanggapin ito
B.Hindi ko sila pakikingan
C.Pagwawalang bahala ko ang kanyang ideya
D.Bahala siya kung anu man ang kanyang ideya

_____40. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon na nagpapakita ng paggalang ng suhestiyon sa komunidad?


A. Si Ana ay nakikinig habang nagbabahagi ang lider ng kanilang komunidad
B. Sina Ben at Ricky ay naglalaro habang nagsasalita si Marlon
C. Si Rica ay tumatawa ng malakas sa pagkakamali ni Bella
D. Si Neng ay nakikipag-usap sa kanyang katabi habang ibinibigay ni Rico ang kanyang suhestiyon

GOOD LUCK. DO YOUR BEST….

Prepared By:

IRISH JOY C. MULOC


ESP Teacher

You might also like