Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

TELEPONONG SELULAR

Ni Mina P. Fernandez

Mga Tauhan

Maia - panganay na anak nina Julio at Maria, maglalabindalawang taong


gulang,masunurin at matalinong bata

Ben - sampung taong gulang, masayahin at makulit na bunsong anak

Julio – ama ng tahanan na taga- Batangas at nakipagsapalaran sa Maynila,

mga apatnapu’t tatlong taong gulang, nawalan ng trabaho dahil sa


pandemiya

Mayet – mabuting maybahay ni tatay Julio, Bicolana, mga apatnapung taong


gulang,

magaling magluto

Lola Belen – nanay ni tatay Julio, na-stroke, hindi na makabangon

Tagpuan: Maingay sa kanilang lugar, paroo’t parito ang mga tao sa kalalakad, maiingay
ang busina ng mga sasakyan, nagsisigawan na ang kanilang mga kapitbahay, nag-iinuman,
nagkakantahan. Dikit-dikit ang mga kabahayan. Ganito inalala ni Maia ang kanilang lugar.

Ben: Mag- aalas dos na. Gutom na ako. Hindi tayo nag-almusal kanina.
(Hahaplusin ang tiyan)

Maia: Wala pa ba si tatay? (Dudungaw sa bintana. Nag-iisip. Sisipatin ang ilang tao
na naglalakad)

Ben: Ano ate, hindi ka pa ba nagugutom? Ang tagal naman ni tatay, gutom na ako.
Kung pwede sanang lumabas, sana nagpunta na ako kina Aling Marta para
umutang ng tinapay. Kaso, bawal lumabas ang mga bata. Ikukulong daw ang
magulang ng batang mahuhuli. (Magkakamot ng ulo) Hanggang kailan ba
‘tong Covid-19?

Maia: Kung alam ko sana, sinagot na kita. Ang dami ngang nagbago sa lugar natin.
Work from home ang mga tao, wala tayong pasok, at sarado ang mga mall
tulad din sa ibang bansa. Nakalulungkot lang dahil ang daming taong
nawalan ng trabaho at naghihirap kagaya natin.

Sa kanilang pag-uusap ay siya namang pagdating ng kanilang ama.


Julio: Ala eh... ang haba ng pila sa pagkuha ng SAP sa munisipyo e! kaya ngayon lang ako

nakauwi. Wala ring mabilhang lutong pagkain kaya iluto mo itong binili kong bigas
at isda.

Mayet: (Nag-uusisa sa asawa) Bakit kasi hindi nila ibahay-bahay iyang pamimigay
para naman ‘yung mga senior citizen ay di na pumipila. Napanood ko sa
balita na may namatay na matanda dahil sa pagod at gutom… biglang
inatake, ang masaklap pa… wala siya sa listahan na mabibigyan ng SAP.

Julio: (Nagulat) Kawawa naman ‘yung tao. Hindi mo naman masisi ang iba, talagang
nangangailangan lahat. Walang trabaho… walang mapagkunan ng gastusin.
(Tila nag-iisip nang malalim) Isa pa’y iniisip ko rin... saan tayo kukuha ng
pambili ng Teleponong Selular ng mga bata para sa kanilang online class?
May mentenans pa na gamot ang Nanay ko.

Ben: (Natatawa sa ama) Cellular phone ‘tay....in short...cellphone....

Maia: Pwede naman daw kaming bigyan ng module ‘tay…para sa walang mga
gadyet sabi sa balita. (Waring nalulungkot)

Lola Belen:(Nagsalita nang mahina) Huwag ninyo akong intindihin, unahin ang
pag-aaral ng mga bata. Senior na ako at parang hinihintay na kami sa
langit gawa ng CoVid.

Ben: (Biniro ang lola) Wala kang passport lola. Sarado mga opis...

Mayet: Ang problema kasi, sino ang magtuturo sa inyo? Pareho kami ng tatay mo na
hindi nakatapos ng hayiskul. Mabuti nga Grade 7 ka na, mahirap din na
matigil kayo ni Ben ng pag-aaral. Tandaan ninyo, ika nga nila “iyan ang
kayamanan na hinding-hindi mananakaw sa inyo.”

Julio: Kaya ang hiling namin sa inyo ay mag-aral nang mabuti, makapagtapos ng
pag-aaral para makakuha ng magandang trabaho nang di kayo magaya sa
amin. (May madadaramang panghihinyang)

Kinabukasan, maagang gumising ang mag-asawa.

Julio: Kailangan ay makagawa ako ng paraan para makabili tayo ng cellphone para
sa pag-aral ng mga bata e... apat na buwan na ‘kong walang trabaho, wala
ring mapasukan, puro sarado ang construction. Ala eh! Ang hirap ng
buhay! (Halos mangiyak sa awa sa sarili.)

Pagkatapos maligo ay agad umalis si Tatay Julio, suot ang mask at ang face shield.
Nang magsimula ang GCQ ay naghahanap na siya ng mapapasukang
trabaho pero sa panahon ng pandemiya ay alam niya na lahat ay nahihirapan.
Ngunit hindi siya pwedeng sumuko, para sa kaniyang pamilya. Paubos na ang
ayuda na ibinigay sa kanila ng cityhall, barangay at DSWD kaya
napakalaking problema ang pasanin ni Tatay Julio. Nanalangin siya nang
taimtim dahil ito ang alam niyang paraan para hindi mawalan ng pag-asa.
Magdidilim na nang dumating si Tatay Julio.

Mayet: Maligo ka muna at magpalit ng damit. (Nakangiti nang iabot sa asawa ang
tuwalya) Nagbigay sina kapitan ng ilang lata ng sardinas kanina at 3
kilong bigas. Magsardinas na lang ulit tayo.

Julio: Kailan nga ba ang pasukan ng mga bata?

Mayet: Sabi sa balita ay sa bente kuwatro ng Agosto kaso nilipat daw ng pangulo
ng a - singko ng Oktubre.

Julio: (Napangiti sa kaniyang narinig) Mabuti naman kung gay-on. May oras pa
tayo para makapag-ipon. Galing ako sa palengke kanina, nagkasakit yung
kargador at kasa-kasama ni Mang Carding kaya pansamantala, ako raw
muna ang hahalili sa kaniya.

Mayet: Hindi ba delikado doon? Baka mahawa ka ng CoVid? (Pag-aalala sa asawa)

Julio: Kahit saan naman ay delikado e! Sabi naman ng iba, kapag malakas ang
resistensiya mo, di ka basta -basta mahahawahan. Dobleng ingat na lang
ang gagawin ko.

Ginabi ulit si Julio sa pag-uwi galing sa palengke. Marami siyang dalang gulay. Naisipan
itong lutuin ni Maia kaya kinaumagahan ay ibinenta sa mga kapitbhay ang nilutong ulam.
Naubos agad ang kaniyang paninda. Nagpatuloy ang mag-asawa sa pagtitinda hanggang
nakaipon sila ng pambili ng cellphone kahit second hand ito.

Maia: Tatay, Nay… uso po ang online selling (masayang ikinukwento sa ina). Ipo-
post ko po kaya ‘yang mga ulam ninyo Nay, sa social media para mas dumami ang
customers ninyo.

Mayet: (Nagtataka) May ganon ba? Sige nga at nang makita ko kung paano
gagawin ‘yan. High tech na talaga, ano? Ang daming nagagawa ng
cellphone. (Nangingiti)

Maia: (Ipinakita sa ina ang gagawin sa cellphone) Gandahan na rin natin ang
picture para mas maraming tumingin. Gagawan ko na rin kayo ng FB...
Facebook ‘nay para sa mga ibebenta nating mga ulam. Doon mo po ipopost at
doon na rin sila magcocomment para umorder. (Tumingin sa Ama) Si tatay na
ang magdedeliber.
Mayet: Maganda nga! Di na natin kailangang ilako sa bahay-bahay, para makaiwas
na rin sa hawahan.

Julio: (Sumali na sa usapan ng mag-ina) Ala eh! OK! ako d’yan, wala talagang tatalo
sa sarap mong magluto Mayet.

Mayet: Kailangan pa rin nating ibili ng cellphone si Ben. Para ‘di na kayo
maghiraman kapag may online class na kayo. (Nag-isip at tinanong ang
sarili) Paano kaya iyong maraming anak na pinag-aaral?

Mayet: Opo ‘nay, buti po dalawa lang kami ni Ben. Bibigyan naman ng module pag
walang gadyet kaya makapag-aaral pa rin ang iba. Hiraman muna kami at
tuturuan ko na lang si Ben kung paano magjoin sa google classroom at
google meet.

Hanggang sa naging matagumpay ang kanilang Online Selling at nakabili pa sila ng


dalawang bagong cellphone para sa mga anak.

You might also like