Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DAILY Paaralan Antique National School Antas 7

LESSON
PLAN Guro DAVY JONES E. SANTIAGO Asignatura Araling Panlipunan
Petsa /Oras February 4, 2022 Markahan 2nd Quarter

1. Naiisa-isa ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan mula sa sinaunang kabihasnan at ikalabing-anim na siglo.
I. LAYUNIN 2. Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan mula sa sinaunang kabihasnan at ikalabing-anim na siglo.
3. Napapahalagahan ang bahaging ginampanan ng kababaihan mula sa sinaunang kabihasnan at ikalabing-anim na siglo.

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga Kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnansa
Pamantayang Pangnilalaman
Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.
Kritikal na nakapagsusuri sa mga Kaisipang Asyano, pilosopiya, relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang
Pamantayan sa Pagganap
Asyano.
Mga Kasanayan sa Pagkatuto (MELC) Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan mula sa sinaunang kabihasnan at ikalabing-anim na siglo.

II. NILALAMAN Kalagayan at bahaging ginampanan ng Kababaihan sa Sinaunang panahon


1. Alternative Delivery Mode Module
Unang Markahan – Modyul 3: Kalagayan at bahaging ginampanan ng Kababaihan sa Sinaunang panahon
Sanngunian 2. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resources o ibang website
YouTube – https://youtu.be/g8cpHbQtBas
- https://youtu.be/jq0-HYQ2Yh0

Kagamitan Laptop, ppt slides, video clips, modyul


III. PAMAMARAAN
 Panalangin
A. Panimulang Gawain
 Pagbati
Sa pamamagitan ng paggamit ng messenger, text, Learning Activity Sheets (printed/ softcopy), itatanong sa klase kung ano ang mga kaisipang Asyano at kung paano ito
nakaapekto sa pagtatag ng mga imperyo sa Asya.

B. Pagbabalik-aral Pamprosesong tanong:


1. Paano nakaapekto ang mga kaisipang Asyano sa pagbuo ng mga imperyo sa Asya?
2. Paano nakatulong ang mga kaisipang ito sa pag-unlad ng mga estado sa kasalukuyang panahon?
3. Alin sa mga kaisipang Asyano ang sa tingin at pananaw mo ang nananatili pa hanggang sa kasalukuyan? Magbigay ng halimbawa at ipaliwanag.

Pagpapanood ng video clip


Kababaihan, Ganito tayo ginuhit ng Lipunan (Spoken Word Poetry)

Pamprosesong tanong:
C. Pagganyak 1. Ano ang mensaheng ibig ipahiwatig ng video clip na inyong napanood?

D. Pagtatalakay Tatalakayin ang Aralin sa tulong ng mga sumusunod:


1. Video Clip
2. Modyul
3. Youtube (https://youtu.be/g8cpHbQtBas )
4. Home Visitation
Sa araw na ito ating pag aaralan ang “Kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan sa Sinaunang panahon” inaasahang makikinig ang lahat, huwag mag-ingay.at higit
sa lahat ay makilahok sa talakayan.

Pamprosesong tanong:
a. Ano ang kalagayan ng kababaihan sa sinaunang lipunan?
b. Ano-ano ang ilang kaugalian na nagpapababa sa kalagayan ng kababaihan?
c. Ano ang tradisyonal na tungkulin ng mga babae sa Asya?
d. Bakit limitado ang Karapatan ng kababaihan sa lipunan?
e. May Karapatan ba ang mga kababaihan sa Kodigo ni Hammurabi at Kodigo ni Manu?

Gawain: Data Retrieval Chart


Panuto: Ibigay ang hinihinging impormasyon ng Data Retrieval Chart
Terminolohiya Kahulugan Dahilan kung bakit ginagawa
(Practice)
Female Infanticide
Foot Binding
Suttee/ Satti
Polyandry
Polygamy
Gawain: Paghahambing
Panuto: Batay sa iyong pang- Purdah unawa sa aralin na ito, ano
ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sitwasyon ng
E. Paglinang sa Kabihasaan kababaihan sa Kodigo ni Hammurabi at Manu?

pagkakaiba pagkakaiba

pagkakatulad

 Sa kabuuan, sa kabila ng mababang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan, paano sila nagging makabuluhang bahagi sa pagbuo at pagpapayaman ng sibilisasyong
F. Paglalahat/pagbubuod asyano?

G. Paglalapat
Gawain: Sanaysay
Panuto: Sumulat ng sanaysay na nagpapamalas ng pagpapahalaga sa mga
kababaihan. Isulat ito sa sagutang papel.
IV. PAGTATAYA Modified True or False
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang T kung tama at palitan naman ang sinalungguhitang salita kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

_____1. Female Insecticide ang sadyang pagkitil sa buhay ng mga sanggol na babae.
_____2. Ang pag-aasawa ng marami ay tinatawag na polygamy.
_____3. Ang tradisyon na pagsusuot ng sapatos na bakal ng mga babaeng Tsino ay tinatawag na lotus feet.
_____4. Ang dalawang tanyag na Kodigo na naglalaman ng mga batas para sa kababaihan ay ang Kodigo ni Manu at Kodigo ni Sargon.
_____5. Tinatawag na polygamy ang pag-aasawa sa magkapatidna lalaki dahil sa kakulangan ng pagkain sa bansang India.
_____6. Ang pag-aasawa ng isang lalaki sa maraming babae ay tinatawag na harem sa India.
_____7. Ang suttee/sati ay ang pagsama ng babaeng asawa sa funeral fire ng kaniyang asawa bilang pagpapakita ng pagmamahal niya rito.
_____8. Ang purdah ay ginagamitng mga Muslim na babae bilang pantakipsa kanilang mukha sa publiko
_____9. Ayon saa Kodigo ni Manu, ang agwat sa edad ng mag-asawa ay apat na beses ang tanda sa lalaki sa kaniyang asawang babae.
_____10. Ang pagbibigay ng dowry ay isa sa mga tradisyon ng mga sinaunang Asyano.

H. Takdang Aralin  Magsaliksik tungkol sa mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan sa Asya.

I. Mga Tala

Prepared by: Observed by:

DAVY JONES E. SANTIAGO EDUARD V. CEPEDA ERMI G. GESULGON MAPHILIN A. VEDAD


Guro sa AP7 Master Teacher 1 Master Teacher 1 OIC- Soc Studies Department

You might also like