Professional Documents
Culture Documents
Learners' Activity Sheets: Araling Panlipunan 9
Learners' Activity Sheets: Araling Panlipunan 9
Learners' Activity Sheets: Araling Panlipunan 9
Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for the exploitation of such work for a profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.
Borrowed materials (e.g., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this activity sheets are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials
from their respective copyright owners. The authors do not represent nor claim ownership over
them.
III. Panuto: Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa
patakarang pananalapi at kung paano nakaiimpluwensiya ang supply ng salapi
sa kabuuang produksiyon, empleyo, antas ng interes, at presyo. Mahalagang
maiugnay mo ang iyong natutuhan sa nakaraang aralin upang ganap na
maunawaan ang paksang tatalakayin.
Subalit, kapag ang demand ay mas mabilis tumaas kaysa sa produksiyon, tataas
ang presyo. Kapag tumaas na ang presyo, ang mga manggagawa at mga
empleyado ay hihingi ng karagdagang sahod. Magbubunga ito ng pagtaas ng presyo
ng mga salik ng produksiyon. Kapag ang pagtataas sa presyo ng mga bilihin at ng
mga salik sa produksiyon ay nagpatuloy, mas lalong tataas ang presyo at
magpapatuloy ang mga pangyayaring unang nabanggit. Upang maiwasan ang
kondisyong ito, karaniwang nagpapatupad ng contractionary money policy ang BSP
upang mabawasan ang paggasta ng sambahayan at ng mga mamumuhunan. Sa
pagbabawas ng puhunan, nababawasan din ang produksiyon. Kasabay rin nito ang
pagbabawas sa sahod ng mga manggagawa kaya naman ang paggasta o demand
ay bumababa. Sa pamamaraang ito, bumababa ang presyo at nagiging dahilan sa
pagbagal ng ekonomiya. Ang kalagayang ito ang ninanais ng pamahalaan upang
mapababa ang implasyon.
Gawain 2: Paghahambing at Pagtutulad
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang
patakarang pananalapi na ginagamit ng Pilipinas. Ang pamprosesong tanong
na nasa ibaba ay makatutulong upang mapunan ng impormasyon ang
dayagram.
PATAKARANG PANANALAPI
Expansionary Contractionary
Money Policy Money Policy
Pagkakatulad
Gawain 3: Isip-isip
Panuto: Iguhit ang kung kailangan ipatupad ang EXPANSIONARY MONEY POLICY
Gawain 4. Basa-Suri
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang artikulo pagkatapos ay sagutan ang mga
sumusunod na gabay na tanong.
Panahon na umano para bigyan ng edukasyon ang mga kabataan ungkol sa usaping
pinansiyal at pagpapalago ng kabuhayan, ayon sa isang kongresista. Sa isang pahayag
nitong Martes, sinabi ni Aurora Rep. Juan Edgardo “Sonny” Angara, na hindi sapat na matuto
lamang ang mga mag-aaral at kabataan sa pagbibilang.
Sa aspeto ng pananalapi, makabubuti umano kung matuturuan din sila kung papaano
ito mapapalago. “Mostly, Filipinos grow up without knowledge on how to handle their
resources. They know how to count their money, but rarely know how to make it grow,” puna
ni Angara, chairman ng House Committee on higher technical education. Dahil ditto, inihain
ni Angara ang House Bill (HB) No. 490 o “Financial Literacy Act of 2012,” na naglalayong
isulong ang financial literacy programs sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Ayon sa
mambabatas, panahon na para suportahan ang mga kabataan sa usapin ng pananalapi batay
na rin sa pinakabagong ulat ng “Fin-Q Survey,” na ang “financial quotient ’’ ng Pinoy ay nagtala
ng all-tine high na 52.6 points noong 2011. Pagpapakita umano ito na dumadami ang mga
Pilipino na nag-iimpok ng pera, namumuhunan at may magandang credit management.
“The results of the Fin-Q survey in the Philippines are very encouraging. Of course,
there’s still more to cover but we can improve our financial quotient as a country by teaching
more of our people how to take charge of their finances and become responsible users of
credit, ” paliwanag ng kongresista tungkol sa nasabing pag-aaral ng international financial
services firm na Citi. Sa mga nagdaang survey, ang Pilipinas umano ay nasa “below average”
sa Asia at malayo sa ibang bansa sa ASEAN. Sa pinakahuling ulat lamang umano
nakapagtala ng mataas na marka ang mga Pinoy. “Financial Literacy is a must in today’s world
if Filipinos would really want to have financial freedom,” ani Angara.
“Unfortunately, our school system does not teach our students and youth about money
and personal finance. Our schools teach students but they don’t teach them how to handle
their own money wisely”. Sa ilalim ng panukalang batas, magkakaloob ang DepEd ng award
grants na hindi hihigit sa P1 milyon sa mga magpapatupad ng programa tungkol sa financial
literacy courses o components para sa mga mag-aaral.
Halaw sa https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/287676/usapin-
tungkol-sa-pananalapi-at-pagpapalago-ng-pera-dapat-na-ituro-raw-sa-mga-
kabataan/story/
Pamrosesong Tanong:
REPLEKSYON
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
________________________________________________________
Sanggunian
n.d. https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/287676/usapin-tungkol-sa-
pananalapi-at-pagpapalago-ng-pera-dapat-na-ituro-raw-sa-mga-kabataan/story/.
5.
4.
3.
2.
1.
Gawain 3