Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Department of Education

Region X
DIVISION OF BUKIDNON
Sumpong, Malaybalay City

ARALING PANLIPUNAN 9
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

Pangalan:_____________________________________Baitang/Seksyon: _________________
Paaralan:_____________________________________ Petsa:____________________________

Panuto:Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng inyong napiling sagot sa patlang.
__ 1. Anong konsepto ang tumutukoy sa pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay
(Merriam-Webster Dictionary)?
A. Ekonomiya B. Pagbabago C. Pagsulong D. Pag-unlad
__ 2. Alin sa mga ito ang hindi kabilang sa mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng
isang bansa?
A. Likas na Yaman B. Yamang-Tao C. Kalakalan D. Kapital
__ 3. Alin sa mga pahayag na ito ang naglalarawan sa konsepto ng pagsulong?
A. Ito ay may kinalaman sa pagbabago ng lipunan at paraan ng pamumuhay ng tao.
B. Ito ay makakamit kung magkakaroon ng pagbabago sa istruktura ng lipunan at gawi ng mga tao.
C. Ito ay may kinalaman sa pagbawas sa di-pagkakapantay-pantay at pag-alis ng kahirapan sa lipunan.
D. Ito ay makikita sa pag-angat ng GDP at GNI at pagkakaroon ng makabagong teknolohiya at
nagtataasang mga gusali.
__ 4. Ano ang ginagamit na sukatan ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mga aspekto ng
kaunlarang pantao tulad ng kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay?
A. Human Development Index C. Human Development Report
B. Social & Health Development Index D. Multidimentional Poverty Index
__ 5. Alin sa mga ito ang ginagamit ng United Nations Development Programme sa pagtukoy sa paulit-ulit na
pagkakait sa mga sambahayan at indibidwal ng kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay?
A. Gender Inequality Index C. Human Development Index
B. Poverty Inequality Index D. Multidimentional Poverty Index
__ 6. Ang pambansang kaunlaran ay maaaring makamit sa sama-samang pagkilos ng mga mamamayan. Isa sa
maaaring gawin ng bawat isa ay ang pagiging mapanagutang mamamayan. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng
ugaling mapanagutan?
A. Sumali si Ceasar sa bagong kooperatiba na binuksan sa kanilang barangay.
B. Para makatulong sa pag-unlad ng bayan, tanging mga gawang Pinoy lamang ang binibili ni Aling Marta.
C. Bilang punong-barangay, sinisiguro ni Mang Ben ang pagpapatupad ng mga proyektong pangkaunlaran
sa kanyang komunidad.
D. Noon pa man, si Mang Oscar ay tapat na sa pagbabayad ng kanyang buwis at talagang nakikialam kung
may mga anomaly o kurapsyon na nangyayari sa lipunan.
__ 7. Kailan masasabi na ang isang bansa ay nagtatamasa na nang pag-unlad?
A. Kung patuloy ang pagtaas ng GDP at GNI ng bansa at pag-angat ng per capita ng bawat mamamayan
B. Kung nagkakaroon ng maraming modernong kagamitan at mataas na antas ng teknolohiya ang bansa
C. Kung nagkakaroon ng magandang pagbabago sa lipunan at naiangat na ang antas ng pamumuhay ng mga tao
D. Kung mayroong maraming mga mamumuhunan ang nasa bansa at nagkakaroon ng maraming trabaho ang mga
tao
__ 8. Maraming mga Pilipino ang umaasa at nabubuhay sa agrikultura. Alin sa mga ito ang hindi kabilang sa
sektor ng agrikultura?
A. Paggugubat B. Paghahayupan C. Pagmimina D. Pangingisda
__ 9. Anong uri ng pangingisda ang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada
para sa gawaing pangkalakalan?
A. Komersyal na pangingisda B. Munisipal na pangingisda
B. C. Marine Fishing D. Aquaculture
__10. Mahalaga ang agrikultura dahil pinagkukunan ito ng mga materyal para makabuo ng mga bagong
produkto. Aling pahayag ang nagpapatunay nito?
A. Sa agrikultura nanggagaling ang iba’t ibang pagkain na pangunahing pangangailangan ng mga tao.
B. Nagmula sa bulak at mga halamang hibla ang mga tela na ginagamit sa paggawa ng mga kasuotan at ibang mga
produkto.
C. Isang mahalagang pinagkukunan ng dolyar ng bansa ang mga naibentang produktong agrikultural sa
pandaigdigang pamilihan.
D. Dahil sa pagliit ng mga lupang pansakahan, maraming mga manggagawa sa agrikultura ang pumunta sa mga
lungsod upang magtrabaho sa mga pagawaan o pabrika.
1 | B u k i d n o n D i v i s i o n U n i fi e d T e s t _ A r a l i n g P a n l i p u n a n 9 _ l e h 1 8
__11. Mahalaga ang sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng Pilipinas. Subalit sa kasalukuyan, kung ihahambing
sa iba pang sektor ng produksyon, ang agrikultura ang may pinakamaliit na ambag sa taunang kita at
produksyon ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan?
A. Walang suporta ang pamahalaan sa mga karaniwang magsasaka
B. Patuloy na nasisira ang mga sakahan dahil sa kaingin at pagkalbo sa mga kagubatan
C. Patuloy ang pag-angkat ng bansa ng produktong agrikultura mula sa China, Vietnam at Thailand
D. Hindi ganap na epektibo ang programa sa agraryo ng bansa at kapos sa teknolohiya ang mga magsasaka
__12. Alin sa mga gawaing ito ang naging dahilan sa pagliit ng mga lupang pansakahan?
A. Pagpapatayo ng mga maraming tirahan C. Pagtatanim ng mga maraming puno at halaman
B. Pagpapatayo ng mga bagong daan D. Pagpapatayo ng mga malalawak na parke
__13. Isang matinding suliranin ng agrikultura ang pagliit ng mga lupang sakahan na nakaaapekto nang malaki
sa kabuuang produksyon ng bansa. Paano masosolusyonan ang problemang ito?
A. Aangkat ng maraming pagkain sa ibang bansa.
B. Paigtingan ng paggamit ng makabagong teknolohiya
C. Magtalaga ng isang eksperto na maging kalihim ng Deparmento ng Agrikultura
D. Hindi papayagan ang mga dayuhang mamumuhunan na makapagmay-ari ng mga lupain.
__14. Alin sa mga gawaing ito ang itinuturing na dahilan ng pagkakaroon ng maliit na ani?
A. Pagkakaroon ng sariling patubig C. Pagsunod sa mga payo ng farm technician
B. Pagpili ng magandang binhi na itatanim D. Pananatili sa paggamit ng makalumang
pamamaraan ng pagsasaka
__15. Ano ang masamang ibubunga ng patuloy na pagdagsa ng mga dayuhang produktong agrikultural sa
bansa?
A. Maraming produkto ang pagpipilian ng mga konsyumer.
B. Magiging mura ang presyo ng mga produktong agrikultural
C. Maraming magsasaka ang malulugi at sa kalaunan ay ibebenta ang kanilang mga sakahan.
D. Dadami ang mga pamilihan sa bansa na makapagbibigay ng maraming trabaho sa mga Pilipino.
__16. Ano ang ibubunga ng paglaki ng populasyon ng bansa sa ating yamang-dagat?
A. Wala nang mahuhuling isda ang mga mangingisda.
B. Magkakaroon ng kakulangan sa pagkain dahil sa lumalaking bilang ng mga kokonsumo sa mga yamang-
dagat.
C. Maeengganyo ang mga mangingisda na manghuli ng maraming isda dahil maraming tao ang kakainin sa
mga ito.
D. Kikita nang malaki ang mga mangingisda dahil marami ang bibili sa kanilang mga huli na siyang
pangunahing pagkain ng mga Pilipino.
__17. Isa sa mabigat na suliranin ng mga magsasaka ay ang kakulangan ng puhunan na kailangan sa
pagpapalaki ng produksyon. Ano aang posibleng solusyon sa ganitong suliranin sa sektor ng agrikultura?
A. Pagtatatag ng mga kooperatiba at bangkong rural na magpapapautang sa mga magsasaka.
B. Lalapitan ng mga magsasaka ang kanilang mga lokal na opisyal para makahingi ng tulong pinansyal
C. Magkakaloob ng pautang ang pamahalaan para sa puhunan ng mga magsasaka na may malaking interes.
D. Pagkakaloob ng tulong sa mga magsasaka katulad ng mga libreng pagkain, tirahan, kasuotan at
serbisyong medikal.
__18. Anong batas ang nagtatag sa Comprehensive Agrarian Reform Program noong 1988?
A. R.A. 6657 B. R.A. 1190 C. R.A. 1160 D. Public Land Act of 1902
__19. Ang pamahalaan ay may mahalagang papel sa pagpapatatag ng sektor ng agrikultura. Sa gawaing
pangingisda, ano ang pinakamabisang gawin ng pamahalaan upang mapalaki ang produksyon nito?
A. Pagtuturo sa mga tao sa wastong paraan sa paglinang ng mga likas na yaman ng bansa.
B. Magtatakda ng permanenteng sukat sa mga kagubatan ng bansa upang maiwasan ang squatting at land
conversion.
C. Pagbabawal sa mga mangingisda na manghuli ng mga isda sa loob ng sampung taon upang masiguro
ang pagpaparami ng mga isda.
D. Pagtataguyod sa mga pananaliksik at paggamit ng tamang teknolohiya sa pagapaparami at
pagpapayaman sa mga yamang-tubig ng bansa.
__20. Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagkabulok o madaling
pagkasira ng mga ani o produktong agrikultural. Bakit nangyayari ito?
A. Kawalan ng mamimili sa pamilihan C. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka
B. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad. D. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan
__21. Alin sa mga sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na sangkap upang
maging gawang Produkto (finished product)?
A. Industriya B. Agrikultura C. Paglilingkod D. Impormal na Sektor
__22. Saan nagmumula ang mga materyales na pinoproseso ng sektor ng industriya?
A. Industriya B. Agrikultura C. Paglilingkod D. Impormal na Sektor
__23. Anong subsektor ng industriya ang tumutugon sa pangangailangan ng mga tao sa tubig, kuryente at gas?
A. Konstruksyon B. Pagmamanupaktura C. Pagmimina D. Utilities
2 | B u k i d n o n D i v i s i o n U n i fi e d T e s t _ A r a l i n g P a n l i p u n a n 9 _ l e h 1 8
__24. Ano ang pangunahin sa mga subsektor ng industriya na nagpoproseso sa mga hilaw na produkto?
A. Konstruksyon B. Pagmamanupaktura C. Pagmimina D. Utilities
__25. Alin sa mga ito ang nagpapakita na mayroon nang kaunlarang pang-industriya ang isang bansa?
A. Karamihan sa mga manggagawa ay umaasa sa sektor ng agrikultura
B. Karamihan sa mga manggagawa ay gumagamit ng makatradisyonal na pamamaraan sa produksyon
C. Lubos na napakikilos ang lahat ng mga pabrika at karamihan sa lakas-paggawa ay dito nagtatrabaho
D. Maraming malalaking gusali, mga mall at mga imprastruktura ang naipatatayo sa bansa na nagbibigay
ng maraming trabaho sa mga tao.
__26. Malaki ang kaugnayan ng industriyalisasyon sa kaunlaran ng isang bansa ngunit kaalinsabay nito ang
mga masasamang epekto.
Alin sa mga ito ang hindi kabilang sa mga masasamang epekto na dulot ng industriyalisasyon?
A. Pag-aangkat ng maraming hilaw na sangkap sa ibang bansa
B. Lalaki pa lalo ang agwat ng mga mayayaman at mga mahihirap.
C. Pagtaas ng antas ng polusyon sa bansa at ang pagkasira ng kapaligiran nito.
D. Marami ang hindi makapagtapos na kanilang pag-aaral dahil sa nahikayat nang magtrabaho.
__27. Ang pamahalaan ay may malaking papel na ginagampanan sa industriyalisasyon ng bansa lalo na sa
pagsugpo sa mga masasamang epektong naidudulot nito. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatotoo sa pahayag
na ito?
A. Sinisiguro ng pamahalaan na mabigyan ng maraming trabaho ang mga mamamayan nito
B. Ang pamahalaan ang nagpapatupad ng mga regulasyon at batas na nangangalaga sa kapaligiran at likas
na yaman ng bansa.
C. Para lubos na maisakatuparan ang industriyalisasyon, nagpapatayo ng maraming pabrika ang
pamahalaan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
D. Ang pamahalaan ang nanghihikayat sa maraming dayuhan na mamuhunan at magtayo ng maraming
negosyo sa bansa na makapagbibigay ng magandang kabuhayan sa mga mamamayan nito.
__28. Mahalaga ang kontribusyon ng lakas-paggawa sa industriyalisasyon ng bansa. Alin sa mga ito ang
makatutulong nang malaki upang lalong malinang ang kakayahan ng mga manggagawa sa bansa?
A. Gagawing libre ng pamahalaan ang kolehiyo upang masigurong may natapos ang mga mamamayan nito.
B. Ipagbawal ng pamahalaan na magtrabaho ang isang tao na hindi nakapagtapos ng pag-aaral at walang
kasanayan.
C. Ipapadala ng pamahalaan sa ibang bansa ang mga manggagawa para doon magsanay upang mapahusay
pa lalo ang kanilang mga kakayahan.
D. Magbibigay ang pamahalaan ng mga libreng pagsasanay at scholarships sa mga nais na mag-aral sa mga
TESDA accredited schools ng bansa.
__29. Itinuturing ang agrikultura bilang primaryang sektor ng ekonomiya samantalang ang industriya naman
ang sekondaryang sektor. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng dalawang sektor na ito sa pagsulong ng
ekonomiya ng bansa. Alin sa sumusunod na
Pahayag ang nagpapakita ng epektibong ugnayan ng dalawang sektor?
A. Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang ang mga entreprenyur naman ang
kapitan ng industriya.
B. Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksyon ng agrikultura samantalang ang industriya ay
sa mga bahay-kalakal.
C. Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang agrikultura ay nanatili sa tradisyonal
na pamamaraan ng pagsasaka.
D. Ang mga hilaw na sangkap na mula sa sektor ng agrikultura ay lubhang mahalagang sangkap sa sektor
ng industriya upang gawing panibagong uri ng produkto.
__30. Paano makatutulong sa sektor ng industriya ang patuloy na pagsasaayos ng pamahalaan sa mga kalsada,
tulay, pagtatayo ng mga paliparan at daungan at iba pang imprastruktura sa bansa?
A. Makatutulong ito upang mapaganda ang sistema ng transportasyon sa bansa.
B. Maraming turista ang pupunta sa ating bansa dahil sa maayos ang sistema ng transportasyon.
C. Makatutulong ang mga ito upang mapadali ang pagpunta sa mga pabrika at pagawaan ng bansa.
D. Makatutulong ang mga ito upang mapadali ang pagluluwas ng mga produkto mula sa industriya sa iba’t
ibang pamilihan ng bansa.
__31. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapaunlad ng sektor ng industriya ng bansa?
A. Titigil ako sa pag-aaral upang magtrabaho sa pabrika.
B. Tatapusin ko ang aking pag-aaral upang makapagtrabaho sa ibang bansa.
C. Kukuha ako ng kurso o kasanayan na kinakailangan ng sektor ng industriya.
D. Magbabayad ako ng tamang buwis upang magagamit ng pamahalaan sa mga proyekto nito.
__32. Alin sa sumusunod na sektor ang binubuo ng pananalapi, transportasyon, komunikasyon, mga imbakan,
kalakalan, real estate, serbisyong pampribado at pampubliko?
A. Industriya B. Agrikultura C. Paglilingkod D. Impormal na Sektor

3 | B u k i d n o n D i v i s i o n U n i fi e d T e s t _ A r a l i n g P a n l i p u n a n 9 _ l e h 1 8
__33. Alin sa mga subsektor na ito ng paglilingkod nagtitiyak na makararating sa mga mamimili ang mga
produktong mula sa sakahan o pagawaan?
A. Pananalapi B. Insurance C. Real Estate D. Kalakalang Pakyawan at Pagtitingi
__34. Ayon sa akda ni Patricia Licuanan na A Moral Recovery Program: Building a People-Building A Nation,
alin sa mga katangiang ito ng mga Pinoy ang isa sa mga hinahangaan hindi lamang dito sa loob ng bansa kundi
sa ibang panig ding ng mundo?
A. Pagiging magalang at mahiyain C. Pagiging palaasa at masunurin sa lahat ng bagay
B. Pagiging mapagpakumbaba at matulungin D. Pagiging bukas at handa sa pagkatuto sa iba’t ibang
kasanayan
__35. Ano ang nangungunang dahilan ng pagtatrabaho ng mga Pilipino sa ibang bansa?
A. Pagmamalasakit sa kanilang pamilya C. Para makaiwas sa kaguluhan sa Pilipinas
B. Pagnanais na magkaroon ng magandang buhay D. Para makapamuhay nang maayos sa ibang bansa
__36. Ang kontraktuwalisasyon ay isa sa mga napakalaking problemang kinakaharap ng sektor ng paglilingkod.
Karamihan sa mga kompanya ay tumatanggap lamang ng mga manggagawang handang magtrabaho nang hindi
lalagpas sa anim na buwan. Alin sa mga pahayag na ito ang dahilan kung bakit patuloy pa rin ang
kontraktuwalisasyon sa bansa sa kabila ng mga protesta ng mga manggagawa?
A. Hindi nakikialam ang pamahalaan sa kalagayan ng mga manggagawa sa ating bansa.
B. Maraming manggagawa ang sumusuporta sa kontraktuwalisasyon kaya patuloy itong umiiral sa bansa.
C. Nauunawaan ng mga manggagawa ang sitwasyon ng mga negosyante kaya hindi na sila himihingi pa ng
mga karagdagang benepisyo.
D. Mas makatitipid ang mga kompanya kung ang mga manggagawa ay kontraktwal dahil makakaiwas sila
sa pagbibigay ng mga benepisyo at pagbabayad ng overtime pay.
__37. Sinasabi na palatandaan ng isang masiglang ekonomiya ang kakayahan ng sektor ng paglilingkod na
matugunan ang pangangailangan ng lipunan. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng sektor ng
paglilingkod?
A. Sila ang mga nagmamay-ari ng mga bahay-kalakal.
B. Ipinapakita nila ang mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa.
C. Sila ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng oportunidad sa pagkakaroon ng trabaho sa bansa.
D. Sila ang nagbibigay ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman at serbisyo upang matugunan ang mga
pangangailangan.
__38. Sa kontraktuwalisasyon, ang pagtatrabaho ng isang manggagawa ay nakatali sa isang kontrata kadalasan
sa loob ng limang buwan. Paano mo maiiwasan ang ganitong kalakaran kung ikaw ay magtatrabaho na?
A. Magtatayo na lamang ako ng sarili kong negosyo.
B. Hindi ko tatanggapin ang anumang trabaho kung ito ay kontraktwal.
C. Ihahanda ko na lamang ang aking sarili sa ganitong sistema ng pagtatrabaho.
D. Bago ko tatangggapin ang trabaho, aalamin ko muna kung ano ang mga benepisyo at kung may
pagkakataon ba akong maging regular.
__39. Responsibilidad ng pamahalaan ang pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa sa bansa. Ano ang
magiging epekto sa
mga mamumuhunan kung ipagbabawal ng pamahalaan ang kontraktuwalisasyon sa bansa?
A. Mapipilitan silang tanggapin ang kagustuhan ng pamahalaan.
B. Lilipat ang mga malalaking mamumuhunan sa mga bansa na hindi mahigpit ang mga patakaran sa
pagtatrabaho.
C. Buong puso itong tatanggapin ng mga mamumuhunan dahil hangad din nila ang magandang buhay para
sa kanilang mga manggagawa.
D. Pipiliting tanggapin ng mga mamumuhunan ang nais ng pamahalaan kahit na lalaki ang gagastusin nila
sa mga benepisyo ng mga manggagawa.
__40. Ano ang dapat gawin ng isang manggagawa upang mapangalagaan ang kanyang kapakanan at karapatan?
A. Magiging masunurin sa lahat ng oras upang hindi matanggal sa trabaho
B. Dapat alam niya ang mga batas na nangangalaga sa mga karapatan ng mga manggagawa
C. Kung mayroon siyang napapansing hindi mabuti, mananahimik na lamang siya para hindi mapaalis sa
trabaho.
D. Makikipag-ugnayan sa lahat ng oras sa Department of Labor and Employment upang makaiwas sa mga
pang-aabuso.
__41. Dahil sa mahalagang papel ng sektor ng paglilingkod sa ekonomiya ng bansa, sinisiguro ng pamahalaan
ang paglulunsad ng iba’t ibang programa at pagsasanay para sa mga manggagawa nito. Anong ahensiya ang
naatasang magsagawa nito?
A. Department of Tourism C. Department of Transportation & Communications
B. Department of Science & Technology D. Technical Education & Skills Development Authority
__42. Malaking bilang ng mga manggagawang Pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa. Bakit suportado ng
pamahalaan ang kanilang pangingibang-bansa?
A. Para mabawasan ang bilang mga Pilipino rito sa bansa
B. Dahil sa malaking dollar remittances na naipadadala nila sa bansa
4 | B u k i d n o n D i v i s i o n U n i fi e d T e s t _ A r a l i n g P a n l i p u n a n 9 _ l e h 1 8
C. Para maipagmalaki sa ibang bansa ang galing ng mga manggagawang Pinoy
D. Para mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na makapaglakbay sa ibang bansa
__43. Alin sa sumusunod na sektor ang hindi nakarehistro at nagbabayad ng buwis sa pamahalaan at ang kita
nito ay hindi naisasama sa Gross Domestic Product ng bansa?
A. Industriya B. Agrikultura C. Paglilingkod D. Impormal na Sektor
__44. Anong ahensya ang gumawa ng isang resolusyon upang magkaroon ng isang pandaigdigang batayan sa
paglalarawan ng impormal na sektor?
A. IBON Foundation C. International Labor Organization
B. National Statistics Office D. National Economic Development Authority
__45. Maraming mga Pilipino ang kabilang sa impormal na sektor. Alin sa mga ito ang positibong epekto ng
impormal na sektor sa kabila ng mga ilegal na gawain na laganap sa bansa katulad ng pamimirata at sugal?
A. Dumami ang bilang ng mga tao na natuto sa mga gawaing ilegal.
B. Maraming mga mamamayan ang natutong umasa na lamang sa pamahalaan.
C. Naging mapamaraan ang mga tao upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
D. Natuto ang mga tao na umiwas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan upang hindi makaltasan ang
kanilang kita.
__46. Ang mga sumusunod ay ang mga dahilan ng patuloy na paglaganap ng impormal na sektor sa iba’t ibang
bahagi ng mundo MALIBAN SA ISA
A. Dahil sa pagpapabaya ng pamahalaan
B. Dahil sa kakulangan ng sapat na hanapbuhay
C. Dahil sa hindi pantay na pag-unlad ng mga sektor sa ekonomiya
D. Dahil sa hindi tama na pagpapatupad ng mga batas tungkol sa paggawa
__47. Isa sa mga masamang epekto sa ekonomiya na naidudulot ng pag-iral ng impormal na sektor ang pagiging
banta nito sa kapakanan ng mga mamimili. Sa paanong paraan kaya ito nagaganap?
A. Hindi nila pagbabayad ng buwis
B. Paglaganap ng mga ilegal na pasugalan sa bansa
C. Paggawa at pagbebenta ng mga pirated CD at DVD tapes
D. Hindi tayo nakasisiguro sa kalinisan at kaligtasan ng mga ipinagbibiling produkto
__48. Sa kabila ng operasyon ng pamahalaan laban sa pamimirata, patuloy pa rin ang paglaganap ng nasabing
ilegal na gawain at negosyo sa bansa. Ang mga maaaring kadahilanan nito ay ang mga sumusunod MALIBAN
SA ISA
A. Kakulangan ng mapapasukang trabaho
B. Kakulangan ng mahigpit na implementasyon ng mga batas na laban sa pamimirata
C. Pagnanais ng ilang negosyante na kumita nang malaki kahit sa ilegal na pamamaraan
D. Kakulangan ng maigting at komprehensibong kampanya at edukasyon ukol sa masasamang bunga nito
__49. Ito ay isang programa ng Department of Social Welfare and Develoment na naglalayong magbigay ng
pansamantalang kabuhayan o kita sa mga taong biktima ng kalamidad.
A. Cash-For-Work Program C. DOLE Integrated Livelihood Program
B. Pamilyang Pilipino Pantawid Program D. Self-Employment Assistance Kaunlaran Program
__50. Anong ahensya ang itinalaga ng pamahalaan na magbibigay ng edukasyong teknikal upang mapaghusay
ang mga kasanayan ng mga manggagawa ng bansa?
A. Department of Education C. Department of Social Welfare and Develoment
B. Department of Labor and Employment D. Technical Education and Skills Development
Authority
__51. Hindi natin masisi ang mga tao kung sila ay maging bahagi ng impormal na sektor sapagkat ayon nga kay
Bernardo Villegas, isang ekonomistang Pilipino, “Gugustuhin pa ng mga tao na lumabag sa batas kaysa
magutom o mamamatay”. Sa ganitong sitwasyon, ano ang pinakamainam na gagawin ng pamahalaan?
A. Gawing mas mabigat ang mga parusa laban sa mga ilegal na gawain.
B. Paigtingin ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga ilegal na gawain.
C. Sisikapin ng pamahalaan na makagbayad ng buwis ang mga kumikita ng malaki sa impormal na sektor.
D. Hihimukin ng pamahalaan ang pakikiisa ng mga tao para sa pagpapatupad ng mga magagandang batas,
programa at patakarang pang-ekonomiya para sa kabutihan ng lahat.
__52. Sa anong kadahilanan nakabatay ang patuloy na pakikipag-ugnayan at pakikipagpalitan ng mga produkto
at serbisyo ng mga bansa sa pandaigdigang kalakalan?
A. Dahil sa maraming pakinabang na nakukuha ng bawat bansang kalahok
B. Dahil ito sa kakapusan sa likas na yaman at ibang sangkap pamproduksyon
C. Dahil mas madali na lang ngayon ang bumili ng mga produkto sa iba’t ibang sulok ng mundo
D. Upang maipagmalaki ng bawat bansa ang kanilang mga produkto sa pandaigdigang pamilihan
__53. Alinsunod sa konsepto ng comparative advantage, ang mga bansang lalahok sa pandaigdigang kalakalan
ay magkakaroon ng pakikinabang. Alin sa sumusunod na paraan sila makikinabang?
A. Sa pamamagitan ng sabwatan at kartel C. Sa pagkakaroon ng trade embargo at quota
B. Sa pamamagitan ng kasunduang multilateral D. Sa pagkakaroon ng espesyalisasyon at kalakalan

5 | B u k i d n o n D i v i s i o n U n i fi e d T e s t _ A r a l i n g P a n l i p u n a n 9 _ l e h 1 8
__54. Anong samahang pandaigdigan ang nabuo noong 1995 na naging kapalit ng General Agreement on
Tariffs and Trade (GATT)?
A. World Trade Organization (WTO) C. Asia Pacific Economic Cooperation (APEC)

B. ASEAN Free Trade Area (AFTA) D. Association of Southeast Asian Nations


(ASEAN)
__55. Ano ang kaibahan ng APEC sa World Trade Organization at iba pang lupong pangkalakalang
multilateral?
A. Nagpapataw ito ng trade sanction sa kasaping hindi umaaayon sa pasya ng samahan.
B. Wala itong kasunduang ipinipilit sa mga kasapi at ang desisyon nito ay batay sa consensus.
C. Hangad nitong ipagpatuloy ang mga hadlang sa kalakalan upang maproteksyonan ang mga lokal na
industriya.
D. Gumagamit ng kamay na bakal ang APEC sa pagpapatupad ng mga desisyon nito lalo na sa mga
lumabag na kasapi.
__56. Sa pamamagitan ng liberalisasyon, tataas ang kalidad ng mga produkto at serbisyo at kasabay nito ang
pagbaba ng mga presyo dahil sa masiglang kompetisyon sa pamilihan. Sa ganitong kalakaran, ano ang magiging
implikasyon nito sa lokal na pamumuhunan ng bansa?
A. Maraming lokal na negosyante ang magpapalawak ng pamumuhunan
B. Matatapatan ng mga lokal na magsasaka ang mga murang angkat na produkto.
C. Maraming lokal na industriya ang makikipagsabayan sa mga dayuhang produkto
D. Maaaring magsasara ang mga naluging negosyo bunga ng kawalan ng kakayahang
makipagkompetisyon.
__57. Ang pandaigdigang kalakalan ay nagdudulot ng positibo at negatibong epekto sa bansa. Alin sa mga
sumusunod ang negatibong epekto nito sa ating ekonomiya?
A. Magiging palaasa ang bansa sa mga produkto ng mga dayuhan
B. Magkakaroon ng mga produktong may mataas na antas at kalidad
C. Pagkakaroon ng espesyalisasyon ayon sa prinsipyo ng comparative advantage
D. Maraming produkto ang maaaring pagpipilian dulot ng paglawak ng pamilihan
__58. Bakit kailangan ng pamahalaan na magpatupad ng mga batas, patakaran at programang may kaugnayan
sa kalakalang panlabas?
A. Upang hindi mapag-iiwanan ang bansa sa larangan ng pakikipagkalakalan
B. Upang masiguro na maging maayos ang kalakaran sa pandaigdigang kalakalan
C. Upang masiguro na makikilala ang mga produkto ng bansa at tatangkilikin ng mga dayuhan sa iba’t
ibang bahagi ng mundo
D. Upang masiguro na mapangalagaan pa rin ang interes at kapakanan ng mga mamamayan nito particular
na ang mga lokal na negosyante
__59. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paghina ng kalakalang lokal at panlabas ng mga
bansang naaapektuhan ng globalisasyon?
A. Ang pagkakaroon ng mga surplus sa pamilihan
B. Ang patuloy na paglawak ng mga korporasyong transnasyonal
C. Ang pagbabago sa kabuuang pamumuhay ng mga mamamayan
D. Ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga bansa
__60. Bilang isang mamimili, ano ang nakukuha mong pakinabang mula sa pakikipag-ugnayan ng bansa sa
pandaigdigang pamilihan?
A. Nagiging mas matibay ang aking pakikipag-ugnayan sa pamilihan ng ibang bansa
B. Mas lalong nalinang ang aking pagiging malikhain sa pag-iisip ng mga bagong produkto
C. Mas lalong nalinang ang aking kaisipang kolonyal o pagpapahalaga sa mga produktong banyaga
D. Mas marami akong mapagpipiliang mga produkto o serbisyo na tutugon sa aking mga pangangailangan

6 | B u k i d n o n D i v i s i o n U n i fi e d T e s t _ A r a l i n g P a n l i p u n a n 9 _ l e h 1 8
ANSWER KEY

1. D 31. C
2. C 32. C
3. D 33. D
4. A 34. C
5. D 35. A
6. D 36. D
7. C 37. D
8. C 38. D
9. D 39. B
10. B 40. B
11. D 41. D
12. A 42. B
13. B 43. D
14. D 44. C
15. C 45. C
16. B 46. A
17. A 47. D
18. A 48. A
19. D 49. A
20. D 50. D
21. A 51. D
22. B 52. B
23. D 53. D
24. B 54. A
25. C 55. B
26. A 56. D
27. B 57. A
28. D 58. D
29. D 59. A
30. D 60. D

7 | B u k i d n o n D i v i s i o n U n i fi e d T e s t _ A r a l i n g P a n l i p u n a n 9 _ l e h 1 8
Prepared by:

LELANI EBLACAS-HAGUTIN
KINAWE NHS-LIBONA 1 DISTRICT

8 | B u k i d n o n D i v i s i o n U n i fi e d T e s t _ A r a l i n g P a n l i p u n a n 9 _ l e h 1 8

You might also like