Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAMBISAN NATIONAL HIGH SCHOOL

PAGTATAYA SA IKALAWANG MARKAHAN

FILIPINO 7

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat akda. Pagkatapos, sagutin ang mga katanungang nakasaad sa
ibaba.Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Madalas na ginagamitan ng


pagpapaikli o pagkakaltas ng ibang titik sa salita upang mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama ang
dalawang salita
A. balbal B. lalawiganin C. kolokyal D. pormal
2. Ito ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa kalye kaya’t madalas na tinatawag ding salitang kalye
kanto o salitang kalye. Hindi ginagamit sa mga pormal na pagtitipon o pagsusulat.
A. balbal B. kolokyal C. lalawiganin D. pormal
3. Ito ay mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng karamihan ng mga nakapag-aaaral sa wika.
A. balbal B. C. lalawiganin D. pormal
4. Ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa lalawigan o probinsya o kaya’y partikular na pook kung saan
nagmula o kilala ang wika.
A. balbal B. lalawiganin C. kolokyal D. pormal
5. Ayaw niya munang magkasyota.______________ ako naniwala. Di nagtagal,
Anong balbal na salita ang pupuno sa awit?
A. hindi B. dehins C. hinds D. dehin
6. Ang katumbas na balbal ng salitang ina ay ____________.
A. inahin B. ermat C. ilaw ng tahanan D. nanay
7. Nasa anong antas ng wika ito nabibilang?
A. balbal B. lalawiganin C. kolokyal D. pormal
8. Ang katumbas na lalawiganin ng salitang ate ay ____________.
A. manang B.utol C. sisl D. ateng
9. Naalala mo pa ba nung araw na nadedo !! Ang nadedo ay nasa anong antas ng wika?
A. balbal B. lalawiganin C. kolokyal D. pormal
10. Ang katumbas na balbal ng salitang pera ay ____________.
A. datung B. lpera C. sensilyo D. benta
11. .Kailan sinasabi ang bulong na ganito: “Tabi, tabi po apo, baka po kayo mabunggo.”
A. kapag ikaw ay nasa gubat habang naglalakad C. kapag ikaw ay nasa kalye habang naglalakad
B. kapag ikaw ay nasa loob ng mall habang naglalakad D. kapag ikaw ay nasa loob ng bahay habang
naglalakad
12. Ano bulong ang bibigkasin kung nangangahoy sa gubat upang hindi mamatanda bilang paghingi ng
paumanhin?
A. Tabi,tabi po, nuno sa punso.” C. “Aming pinutol lamang, ang sa aming napag-utusan.”
B. “Tabi, tabi po apo, baka po kayo mabunggo.” D. “Dagang malaki, dagang maliit, heto na ang ngipin kong
sira at pangit. Bigyan mo ng bagong kapalit.
13. “Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke ang kanyang pinagbilhan, ang kanyang pinagbilhan,
pinambili ng tuba” ano ang isinasaad sa linya ng awitin:
A. Ang persona ay nagtitinda ng tuba dahil mahilig siya uminom ng tuba
B. Ang persona ay namimili ng tuba dahil ito ang kanyang hanapbuhay
C. Ang persona ay mahilig uminom ng tuba dahil ipinambili nito ang pinagbilhan ng huli
D. Ang persona ay isang negosyante sa palengke dahil doon niya pinagbili ang huli nito
14. .Ano ang kaisipang ipinahihiwatig sa ilang linya ng awiting-bayan na ito? “Si Pilemon, si Pilemon,
nangisda sa karagatan Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan”
A. Dahil Malawak ang karagatan sa Kabisayaan C. Dahil pangingisda ang libangan ng mga Taga-
Bisaya
B. Dahil maraming isdang tambasakan sa kabisayaan D. Dahil pangingisda ang pangunahing hanapbuhay
ng mga TagaBisaya
15. Ang mga sumusunod ay mahahalagang detalye mula sa awiting-bayan na “Si Pilemon” Maliban sa isa.
A. Si Pilemon ay mangindisda C. Si Pilemon ay nagnenegosyo ng tuba sa palengke
B. Ang kangyang kinita ay pinambili niya ng tuba D. Sa isang munting palengke niya ipinagbili ang
kanyang huli
16. Ano ang nagpabantog sa pitong dalaga?
A. Kabaitan kaya dinadagsa ito ng mga tao C. Kakinisan kaya maraming dalaga ana
humuhingi ng payo
B. Kagandahan kaya dinarayo ang kanilang tahanan D. Katalinuhan kaya maramin kabataan
ang nagpapaturo
17.Ano ang ikinatatakot ng ama para sa kanyang pitong dalaga?
A. magutom ito sa katatampisaw sa dalampasigan
B. makapag-asawa ang sinuman sa kanyang mga dalaga ng mga lalaking maaaring maglayo sa kanya.
C. matangay ito ng mga binatang may masamang balak sa kanila
D. kaiinggitan ito ng mga dalaga sa kanilang bayan
18.Bakit buong lakas na sumagwan ang ama ng pitong dalaga sa karagatan?
A. Para makahuli ng maraming isda C. Para mahabol ang kanyang pinakamamahal
na anak
B. Para maihabol ang mga damit ng anak na naiwan D. Para magpasalamat sa mga binate na
nagbigay ng mamahaling regalo
19.Ano ang hinahangad ng mga binatang dumarayo sa tahanan ng pitong dalaga?
A. malaman ang kanilang pinag-aabalahan para mas makilala C. makuha ang kamay ng isa sa mga
dalagang napupusuan
B. makuha ang kanilang hiyas para magamit sa kanilang negosyo D. masuri ang kanilang kalagayan para
matulungan
20.Ano ang kaisipang nangingibabaw sa binasang akda?
A. Walang magulang ang naghahangad ng masama sa kanilang anak C. Pagmamahal ng magulang ay
makasarili
B. Kagandahan ay alagaan para buhay ay umanggat D. Mga anak na suwail ay
nagtatagumpay
21. Parehong nakatatakot ang negatibong epekto ng telebisyon at internet sa kabataan ngayon.
A.ngayon C. pareho
B.negatibo D.. ang
22.Mas maraming kabataan ngayon ang napapariwa ang buhay kaysa sa kabataan noon.
A.mas C. noo
B.buhay D. maraming
23.Mahilig mag-aral ang kababaihan di tulad ng kalalakihan.
A.mag-aral C. kalalakihan
B.di tulad D.. mahilig
24.Higit na mahigpit ang ginawang pagdidisiplina sa kabataan noon kaysa ngayon.
A.mahigpit C.ginawang
B.na D.higit
25.Di hamak na matatalino ang kabataan ngayon kaysa noon dahil na rin sa mga makabagong teknolohiya.
A. rin B. matatalino C. Di-hamak D. dahil
26.Ang editoryal na nanghihikayat ay __________________________.
A.nagpapaliwanag o nagbibigay linaw sa isang isyu.
B.nagbibigay kahulugan ng isang pangyayari o kasalukuyang kalagayan.
C.nanghihikayat sa mga mambabasa upang sumang-ayon sa isang isyu.
D.nag-uukol ng panuri o karangalan sa isang tao o kapisanang nakagawa ng kahanga-hanga.
27.Ang tinatawag na editoryal o pangulong-tudling ay bahagi ng pahayagan na nagsasaad ng
_______________________________.
A.mapanuring pananaw o kuro-kuro ng pahayagan tungkol sa isang isyu.
B.nagsasalaysay o naglalarawan ng mga tradisyunal na kultura ng isang lahi.
C.pagkilala sa mga kaugalian, kultura, relihiyon, iba’t ibang ritwal at
seremonyas.
D.katotohanang impormasyon ng mga kaugalian, tradisyon, kultura,
relihiyong kinabibilangan ng isang lahi.
28. Ang ilang mga halimbawa ng mga pahayag at salitang nanghihikayat at ang mga _______________.
A.Totoo/tama, tunay, ewan C. Naniniwala akong,Siyempre, totoo
B.Tumpak, pero, kaya ko kaya ito D. Sama na, Siguro, Ngayon na!
29. Ang bahagi ng editoryal o pangulong-tudling na binabanggit ang isyu, paksa o balitang tatalakayin ay ang
_______________.
A. a. Panimula B. Gitna C. Katawan d. Wakas
30. Ang bahagi ng editoryal o pangulong - tudling na ito ay ipinahahayag ang paghihikayat o paglagom upang
mabuo sa isipan ng mambabasa ang pananaw na nais ikintal ng editoryal ay ang _______________.
B. Panimula B. Gitna C. Katawan d. Wakas

Isinaayos ni:
MARIA CHELO S. AGOS
Guro sa Filipino

You might also like