Assessment ESP Q2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAMBISAN NATIONAL HIGH SCHOOL

PAGTATAYA PARA SA IKALAWANG MARKAHAN

ESP 7
A. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Pinayagan ka ng iyong ina na dalawin ang iyong kaibigan na si Jubert sa kanilang bahay. Ngunit
pagdating mo doon, niyaya ka niyang pumunta sa bahay nila Anthony. Paano ka magdedesisyon?
A.Tatawagan mo ang iyong ina at magpaalam na pupunta kayo sa bahay nila Anthony.
B.Sasama ka ngunit hindi mo na sasabihin sa Ina
C.Mananatli sa bahay nila Jubert kahit wala kang kasama
D.Awayin si Anthony para hindi na magyaya
2. Mahaba ang pila sa kantina at nakita ka ni John na malapit na sa unahan. Tinanong ka niya kung
pwede ba siyang pumuwesto sa iyong likuran kahit may iba pang nakapila upang mapadali ang
pagkuha niya ng pagkain. Ano ang iyong sasabihin?
A.“Naku John, nakapila din kasi sila, hindi naman patas kung pa sisingitin kita”
B.“Ako nalang ang bibili ng pagkain natin, may utang na loob kana sakin ha?”
C.“Sige, pero ilibre mo ako ha?”
D.Balewalain nalang si John.
3. May kinakain kang biskwit, nang maubos ito, wala kang makitang basurahan kaya’t sabi ng
kaibigan mo itapon nalang ito sa iyong dinadaanan. Ano ang iyong gagawin?
A. Magkunwaring hindi mo namalayan na nalaglag mo ang basura sa daan
B. Sundin ang sinabi ng iyong kaibigan.
C. Itago muna sa bag at itapon kapag makakita na ng basurahan
D. Punitin sa maliit na bahagi at dahan-dahang ilaglag sa daan
4. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang tao ay tinaguriang hari ng kanyang mga kilos sa
pamamagitan ng:
A. gabay ng Diyos C. kanyang isip at kilos-loob
B. paglutas ng mga problema D.Pagamit ng kanyang isip upang intindihin ang nagbabagong
mundo
5. Nagiging malaya ang isang kilos kapag ito ay nag-ugat sa
A. kanyang isip at kaluluwa C. kanyang isip lamang ngunit hindi sa kalooban
B. kanyang isip at kalooban D. kanyang kalooban lamang ngunit hindi sa isip
6. Natatangi ang tao dahil sa kakayahan ng isip at kilos-loob na kumilos ayon sa kanyang kalikasang
A. makabansa c. makatao
B. makakalikasan d. makasarili
7. Ang isip at kilos-loob ng tao ay may tungkuling:
A. sanayin, di paunlarin at gawing ganap C. sanayin, paunlarin at gawing ganap
B. sanayin at di gawing ganap D. gawing ganap
8. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
A. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang.
B. Tama, dahil katulad ng tao ay nangangailangan din silang alagaan upang lumaki, kumilos, at
dumami.
C. Mali, dahil may mga bagay na taglay ng tao na wala sa hayop at halaman
D. Depende sa sitwasyon
9. Dahil sa pag-uwi mo ng gabi at hindi pagpapaalam sa iyong mga magulang, sinita ka nila at
hiningan ng paliwanag. Takot kang sabihin ang totoo dahil baka lalo kang pagalitan. Ano ang iyong
gagawin?
A. Magkunwari kang masakit ang iyong ulo at gusto mo nang matulog.
B. Huwag nalang pansinin ang magulang, mawawala rin ang galit nila
C. Sabihin ang totoo sa magulang at humingi ng paumanhin
D. Umiyak sa harap ng magulang at magpaawa upang hindi mapagalitan
10. Nagmamadali kayong magkaibigan at malayo pa ang pedestrian lane kaya kahit may nakasulat
na “Bawal Tumawid”, hinikayat ka ng iyong kaibigang tumawid parin sa daan. Ano ang iyong
gagawin?
A. Puntahan ang pedestrian lane kahit malayo, at doon na tumawid
B. Samahan ang iyong kaibigan dahil naniniwala ka na ang tunay na magkaibigan ay hindi
nagiiwanan
C. Manghikayat ng iba pang studyante na tumawid kasama ninyo para marami kayo.
D. Lumingon-lingon sa paligid at tumawid kung wala namang nagbabantay na pulis.
11.Pagtapos ng kaniyang klase sa hapon, niyaya si Rabiya ng kaniyang kaklase na manood
ng sine at kumain sa isang mall. Bago magpasiya si Rabiya, naisip niya ang kanilang takdang-
aralin. Kung sasama siya, gagabihin siya at mawawalan ng oras sa paggawa nito. Kung hindi
siya sasama, mas marami siyang oras sa paggawa ng takdang-aralin. Sa anong panahon
kumikilos ang konsensiya ni Rabiya?
a. Bago ang kilos c. Pagkatapos gawin ang kilos
b. Habang isinasagawa ang kilos d. Habang iniisip ang kilos
12.Naghanda ng kodigo si Jacqueline bago ang pagsusulit nila sa Matematika. Sa oras ng
pagsusulit, nakaramdam siya ng pagkabalisa sa paggamit nito. Naisip niya na masama
gumamit ng kodigo at mas mabuting maging tapat. Sa anong panahon kumikilos ang
konsensiya ni Jacqueline?
a. Bago ang kilos c. Pagkatapos gawin ang kilos
b. Habang isinasagawa ang kilos d. Habang iniisip ang kilos
Sa Bilang 13-16, ibatay ang sagot sa sitwasyon.
Isang gabi, naghanda si Kardo ng isang kodigo para sa kanilang pagsusulit kinabukasan. Nais
niyang makakuha ng mataas na marka sa lahat ng asignatura. Ngunit sa mismong araw ng pagsusulit,
nakadama siya ng pagkabalisa habang sinisilip niya ang kodigo.
13.Ano ang hindi sinasabi ng pagkabalisa na naramdaman ni Kardo sa sitwasyon?
a. Ito ay resulta ng konsensiya na nagpapaalala kay Kardo ng kaniyang moral na
obligasyon na maging tapat at hindi umasa sa kodigo.
b.Ito ay indikasyon na sinasabi ng kaniyang konsensiya na masama ang gumamit ng
kodigo.
c.Ito ay isang moral na paghatol na nagpapahayag na hindi niya dapat gawin ang kilos.
d.Ito ay paghatol ng kaniyang isip na baka mahuli siya ng kanilang guro.
14.Kung susundin ni Kardo ang sinasabi ng kaniyang pagkabalisa, alin ang hindi niya dapat
gawin?
a. Pag-iwas sa labis na pag-aalala
b.Pagtitimbang ng kalalabasan ng pipiliin niyang kilos
c.Tamang pangangatwiran sa bawat opsyon ayon sa Likas na Batas Moral
d.Pagpili ng mabuting opsiyon
15.“Ngunit sa mismong araw ng pagsusulit, nakadama si Kardo ng isang pagkabalisa habang sinisilip
niya ang kodigo”. Ang pagkabalisang ito ay:
a. ang tinig ng Diyos na bumubulong kay Kardo na aminin niya na mali ang pagsilip sa
kodigo.
b.babala na baka masanay na siya sa paggawa ng masama.
c.ang paghatol ng konsensiya sa kasamaan ng kilos at ang pakiramdam ng obligasyong
piliin ang mabuti.
d.hudyat na kumikilos ang kaniyang konsensiya.
16.Anong konklusyon ang mabubuo sa sitwasyong kinakaharap ni Kardo?
a.Kumikilos ang ikalawang elemento ng konsensiya: ang paghatol kung ang isang pasiya
o kilos ay mabuti o masama at ang pakiramdam ng obligasyong piliin ang mabuti.
b.Ang pangunahing gamit ng konsensiya ay tukuyin ang dapat gawin sa isang
situwasyion.
c.Kumikilos ang unang elemento ng konsensiya: ang pagninilay upang maunawaan ang
mabuti at masama sa isang situwasiyon
d.May pinagbabatayan na mas mataas na pamantayan ang konsensiya: ang Likas na
Batas Moral.
Sa Bilang 17-20, ibatay ang sagot sa sitwasyon .
Naiwan si Rica, nasa Baitang 7, ng kaniyang mga magulang at pinagbilinan na huwag siyang
lalabas ng bahay. Sinunod naman ni Rica ang bilin ng kaniyang magulang ngunit biglang tumawag sina
Luis na planong magkita ang magkakaibigan. Batid ni Rica na bawal lumabas lalo na wala pa sila sa
tamang edad dahil ito ay mahigpit na ipinatutupad sa panahon ng pandemya. Sa isip ni Rica mahalaga
na makasama niya ang mga kaibigang matagal na ring hindi nakikita.
17.Anong dalawang mabuting kilos ang nagtutunggalian sa sitwasyon na kinakaharap ni Rica
at ng mga kaibigan?
a.Ang hindi pagsunod sa bilin ng magulang at ang hindi pakikipagkita sa mga kaibigan na
matagal ng hindi nakikita.
b.Ang paglabas ng bahay at pakikipagkita sa mga kaibigan nang sandal lamang.
c.Ang pagsunod sa bilin ng magulang at pakikipagkita sa mga kaibigan na matagal ng
hindi nakikita.
d.Ang pagsunod sa bilin ng magulang at ang hindi pakikipagkita sa mga kaibigan na
matagal ng hindi nakikita.
18.Isinaalang-alang ba ni Rica sa kaniyang pasiya ang mas mataas na mabuti ( higher good)
sa sitwasyong ito? Bakit?
a.Oo, dahil kahit inisip niya na mahalaga na makasama niya ang mga kaibigang matagal
nang hindi nakikita, hindi pa niya naisasagawa ang kilos na ito.
b.Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa sarili ang
mas mataas na mabuti (higher good) kaysa sa hiling ng kaibigan sa situwasiyong iyon.
c.Oo, dahil pinag-iisipan pa niya kung lalabas ng bahay o hindi.
d.Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa sarili ang
mas mataas na mabuti (higher good) kaysa sa paglabas ng bahay kahit emergency.
19.Ano ang dahilan kung bakit ang konsensiya ang praktikal na paghuhusga ng isip?
a.Ito ang kakayahan ng isip na maghusga ng kabutihan o kasamaan ng isang pasiya o
kilos.
b.Ito ang pangunahing kamalayan sa mabuti at masama.
c.Ito ang naglalapat ng Likas na Batas Moral.
d.Ito ang sinusunod ng kilos-loob.
20.Sa tanong na “Kapag pinili niya ang mas mataas na mabuting kilos, uusigin kaya siya ng
kaniyang konsensiya? aling katwiran ang ayon sa Likas na Batas Moral?
a.Oo, dahil inisip niyang mahalaga na makasama niya ang mga kaibigang matagal nang
hindi nakikita kaysa ang pagsunod sa utos ng mga magulang.
b.Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa sarili ang
mas mataas na mabuti (higher good) kaysa sa paglabas ng bahay kahit emergency.
c.Oo, dahil ang pagsaalang-alang sa hiling ng mga kaibigan kaysa s autos ng mga
magulang ay paglabag sa Likas na Batas Moral.
d.Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa sarili ang
mas mataas na mabuti (higher good) kaysa sa hiling ng kaibigan sa sitwasyong iyon.
21. “Ang pinili ko ay masama kaya ako nagsisi”. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
a. Ang kasamaan ay bunga ng kalayaan ng tao.
b. Kalayaan ang pinanggalingan ng masama.
c. Ang kasamaan ay kaakibat ng mabuti.
d. Nagsisi ako dahil may kalayaan ako
22. “Nagsisisi ako dahil ginawa ko ang masama na hindi ko dapat ginawa.” Ano ang kahulugan ng
pangungusap na ito?
a. Nagsisisi lamang ang tao sa mga pansariling kilos na ginawa niya
b. Pagsisisi ang resulta ng hindi paggamit ng kalayaan nang tama.
c.Ang tao ay may tungkuling iwasan ang tukso sa paligid.
d. Ang kasamaan ay dapat pinagsisisihan.
23. Ayon kay Ester Esteban, ang sumusunod na pahayag ay ang palatandaan ng mapanagutang
paggamit ng kalayaan maliban sa:
a. Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng pagpapasya.
b. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.
c. Hindi sumasalungat ang kilos sa Likas na Batas Moral.
d. Nakahandang magsisi sa resulta ng pipiliing kilos
24. Ang sumusunod na kilos ay nagpapakita ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:

a. Nasaksihan ni Rupert ang ginawang pagsisinungaling ng kanyang kapatid sa kanyang


magulang. Ang alam ng mga ito, pumapasok siya araw-araw sa paaralan. Sa halip,
nagpupunta ito sa computer shop kasama ang mga barkada. Dahil alam niyang labis na
mapagalitan ang kaniyang kapatid, hindi niya sinabi ito sa kaniyang magulang. Ayaw niya
itong mapagalitan o masaktan.
b. Saksi si Rachelle sa pandarayang ginagawa ng kaniyang matalik na kaibigan sa report ng
kinita ng kompanya. Sa kabila ng pakiusap nito na manahimik na lamang siya, sinabi pa rin
niya ito sa kanilang boss. Natanggal ang kaniyang kaibigan sa trabaho.
c. Nasaktan ni Rebecca ng kanyang ina dahil sa kanyang pagsisinungaling dito. Inihanda niya
ang kanyang sarili sa magiging reaksiyon ng kaniyang mga kapatid. Dahil dito, siya na
mismo ang gumawa ng paraan upang itama ang kaniyang pagkakamali. Humingi siya ng
kapatawaran sa kaniyang ina.
d. Nagsikap si Anthony na makatapos ng pag-aaral upang maiahon ang kanyang pamilya sa
kahirapan at upang maibahagi niya sa kapuwa ang kanyang mga kakayahan.
25. Ano ang kalayaang magnais o hindi magnais?
a. Kalayaang tumukoy c. Kalayaang gumusto
b. Panlabas na kalayaan d. Panloob na Kalayaan

TANDAAN. PANATILIHIN ANG KATAPATAN SA SARILI. PALAGIING SUMUNOD SA MGA


HEALTH PROTOCOLS TULAD NG PALAGIING MAGHUGAS NG KAMAY AT PAGLALAGAY NG
ALCOHOL PAGKATAPOS NG MGA GAWAIN.

You might also like