Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG ARALING PANLIPUNAN 4

Ang Bansang Pilipinas

DLP No. LEARNING AREA GRADE LEVEL QUARTER DURATION

ARALING PANLIPUNAN 4 4 SECOND

Pamantayang Pangnilalaman Code:


Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa iba’t ibang gawaing AP4LKE-IIb3
pangkabuhayan gamit ang mga likas na yaman na nakakatulong tungo sa pambansang
\ pagsulong at pag-unlad.

Pamantayang Pagganap
Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at pagpapabuti sa mga likas na
yaman tungo sa pambangsang pagsulong at pag-unlad.

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga pangunahing likas na yaman sa ating bansa
b. nasusuri ang bahaging ginagampanan ng likas na yaman sa ating bansa; at
c. nakakagawa ng islogan na nagpapakita ng pangangalaga sa ating likas na yaman tungo sa pag-unlad
ng bansa.

II. NILALAMAN
a. Paksa: LIKAS NA YAMAN
b. Sanggunian: AP 4, pahina 85-91.
c. Kagamitan: Mga larawan, video presentation, slide presentation

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
Magandang Umaga mga bata! Magandang Umaga din po Ma’am
 Pagtala ng mga lumiban sa klase
 Balik-aral
 Tukuyin ang mga sumusunod na larawan ng anyong
lupa at anyong tubig.
1.

Lawa

2.

Look

3.

Bulkan

4. Kapatagan

5.

Burol

B. Paglinang ng Aralin
1. Panimulang gawain
Mayroon akong gawain dito sa inyo na tatawagin nating
KANTANG BAYAN- ALAM KO!
Ang inyo lamang gagawin ay papanoorin lamang ang
maikling video na pinamagatang
“ Magtanim ay ‘Di Biro”.
At pagkatapos sagutin ninyo ang mga katanungan na
konektado sa inyong napanood na video. Ang pagtatanim ng mga halaman po
ma’am.
1. Ano ang pumapasok sa isip ninyo kapag naririnig o
naaawit ang “Magtanim ay ‘Di Biro?” Dahil ito ay naglalarawan sa mga kilos
sa pagtatanim ma’am.
Magaling!
2. Bakit ito ang naisip mo kaugnay ng awitin? Ang mga halaman na naitatanim sa
lupa ma’am.
Magaling!

 Ngayon mga bata batay sa inyong napanood na video


kanina, mayroon ulit akong gawain dito.
 Ang inyo lamang gagawin ay bigyang kahulugan ang
salitang LIKAS NA YAMAN.
Ang likas na yaman ay mga bagay na
RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG ISLOGAN

Mga Batayan Mga Puntos


5 4 3
Natatangi Mahusay Medyo Mahusay
1. Nilalaman Naipapakita at Naipakita at Di gaanong naipaliwanag
naipapaliwanag ng naipaliwanag ang at naipakita ang ugnayan
maayos ang ugnayan ng ugnayan ng konsepto sa ng konsepto sa paggawa
konsepto sa paggawa ng paggawa ng islogan. ng islogan.
islogan.
2. Kaangkupan ng Mahusay, maliwanag, at May kaangkupan ang Di gaanong maliwanag at
konsepto angkop ang konsepto konsepto upang angkop ang konsepto
upang mailarawan ang mailarawan ang mensahe upang mailarawan ang
mensahe ng islogan. ng islogan. mensahe ng islogan.
3. Pagkamalikhain Orihinal ang ideya sa May pagkakatulad sa iba Ang islogan ay kinopya
paggawa ng islogan. ang ginawang islogan. lamang sa iba

IV. PAGTATAYA
Panuto Isulat sa patlang ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung mali.
________1. Nabibilang ang Pilipinas sa mga bansang agrikultura dahil sa malaking bahagi nito ang ginagamit
sa mga gawaing pang-agrikultura.
________2 Ang likas na yaman ang pangunahing pinagkukunan ng pagkain.
________3. Nahahati ang likas na yaman sa paghahayupan, paghahalaman, pag-aartista at pangingisda
________4. Ang Pilipinas ay maraming mga likas na yamang mineral.
________5. Ang ginto ay isang halimbawa ng yamang tubig.
________6. Ang pangingisda ay gawain mula sa likas na yamang lupa.
________7. Ang likas na yamang lupa ay nahahati sa dalawang gawain.
________8. Ang paghahayupan ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, manok, baboy at iba pa.
________9. Ang palay, mais, niyog, saging ay nabibilang sa paggugubat.
________10. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking pinagkukunan ng isda sa buong mundo.

V. TAKDANG ARALIN
Basahin ang Paksang “Mga hamon at pagtugon sa gawaing pangkabuhayan ng bansa”
Mga Gabay na tanong:
1. Anu-ano ang mga suliraning kinakaharap ng likas na yaman sa ating bansa?
2. Ano ang epekto ng polusyon sa pangingisda?
3. Paano nakakaapekto ang mabalis na pagkaubos ng likas na yaman lalo ng kagubatan sa
ekonomiya ng bansa?
Sanggunian: Lahing Kayumanggi 4 Ang Bansang Pilipinas

Inihanda ni:

ESTEFANIE R. ANTONIO

You might also like