Posisyong Papel

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Posisyong Papel tungkol sa Online Class

Dahil sa problemang kinakaharap ng ating Bansa dala ng pandemyang


Covid-19, masasabi kong ang lahat ng paaralan ay apektado ng nasabing
problema. Ang ibang paaralan ay nagpahintulot na magkaroon ng Online Class,
meron din nman na tinawag na flexible na pag-aaral. Para sa akin, ang full online
class ay isang hindi makatarungang sistema ng edukasyon sapagkat ito ay hindi
para sa lahat. Maraming mga mag-aaral dito sa ating bandsa ang nakararanas ng
kakulangan sa mga kagamitang pang- online. Ang ibang estudyante ay
mayroong mga gamit ang iba naman ay walang kompiyuter, cellphone, at
koneksiyon sa Internet. Kaya naman ang ganitong uri ng edukasyon ay isang
malaking pasakit sa mga maralita at parang sinasabing wala silang karapatan sa
edukasyon. Ang ganitong klaseng sistema ay nakapagbibigay nang malaking
harang sa pagkatuto ng maraming bata at mag-aaral. Kung iisipin, ang umiiral na
sistema sa normal na edukasyon ay kung ay pasakit na kahit pa sabihing nasa
pampublikong paaralan, ang magkaroon ng mga gadgets at kagamitang may
kamahalan ay lalong magbibigay ng pasanin hindi lamang sa mga mag-aaral
kung hindi maging sa kanilang mga magulang. Kung kaya’t mas mainam na
magdoyular ang mga estudyante kaysa sa full online.

Kung ang iba ay iniraraos na lamang ang edukasyon sa normal na


situwasyon, ngayong may pandemya at umiiral ang online class, paniguradong
maraming Pilipinong mag-aaral na naman ang mapag-iiwanan ng ganitong
klaseng eduksyon. Masasabi kong ang ganitong kalse ng edukasyon ay para
lamang sa mga nakaluluwag at magaan ang buhay. Isipin din sana ang
kapakanan ng mga estudyanteng nagnanais matuto sa ganitong bagong normal
ng edukasyon.

You might also like