Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 44

WRITTEN

REPORT
Mikaella C. Jabulan

BEED Gen~1A

Mrs. Laura Uson


WIKA NG MGA
MANLALARONG
PILIPINO:
Pagsusuri sa
Pinagmulan at Saysay
ng mga Salitang
Ginagamit sa Mundo
ng DOTA 2 at LOL
nina M. Abel et. al.

Talamak sa kasalukuyan ang paglalaro ng mga online


game lalo na ng mga kabataan sa Pilipinas. Isang patunay
rito ang patuloy na pag-usbong at pagdami ng mga
computer shop, pagkakaroon ng mga offer ng mga
Internet provider na nakatuon ang pansin sa mabilis na
bandwidth connection na inilaan parasa mga manlalaro o
gamers, at ang pagdami ng mga Pilipinong naglalaro ng
mga online game sa computer shop man o sa bahay tulad
ng League of Legends (LoL), Defense of the Ancients 2
(DotA 2), Heroesof Newerth (HoN), Counter Strike:
Global Offensive (CS:GO), Special Force 2, Crossfire,
PointBlank, Dragon Nest, Ragnarok Online, RAN Online,
GrandChase at marami pang iba. Ang mga mananaliksik
ng pag-aaral na ito ay bahagi ng komunidad ng mga
manlalarong Pilipino, kaya naman napagpasyahan ng
pangkat na mapag-aralan ang wikang ginagamit at
binubuo sa mga larong nilalaro ang DotA 2 at LoL.

Napili ang mga larong ito sapagkat mayroong


pagkakatulad ang mga ito pagdating sa genre na
kinakabilangan nito at dahil na rin sa popularidad o
kasikatan ng mga larong ito sa loob man o labas ng online
gaming community sa bansa. Mahalaga na mapag-aralan
ang wikang nakapaloob sa mga larong ito sapagkat
patuloy na lomolobo at dumarami angmga Pilipinong
naglalaro nito. Nagkakaroon narin ng pangalan ang mga
larong ito sa pang- araw-araw na diskurso ng mga
Pilipino, naglalaro mansila ng mga ito o hindi.
Lumalawak na rin ang impluwensiyang kinasasaklawan
nito magmula sa kultura ng mga Pilipino hanggang sa
pagtingin ng ibang bansa sa kabuuang estado ng lipunan
ng bansang Pilipinas.
ANG ONLINE GAMING SA
PILIPINAS
Maraming laro ang sumikat sa mundo ng gaming sa
Pilipinas katulad ng Counter Strike, Defense of the
Ancients (DotA) na isang map lamang noon sa Warcraft
III: Reign of Chaos at Warcraft III: FrozenThrone, RAN
Online, Ragnarok Online, O2Jam, Cabal, Freestyle,
StarCraft, Special Force, Crossfire, at marami pang iba.
Sa pagpasok ng ika-21 siglo, maraming mga computer
shop ang makikita sa kahit saan mang lugar sa bansa. Ang
mga pampublikong establisimyento katulad ng mga
paaralan, mall, simbahan, at iba pa ay napaliligiran o
napalilibutan ng mga computer shop kaya naman
nagkaroon ng ilang probisyon na naglilimita at/o
pumipigil sa mga computer shop na maitayo malapit sa
mga nasabing establisimyento. Gayunman, kahit pa
nalimita na ang mga ito ay madalas pa ring pinupuntahan
ng mga Pilipino ang mga ito sapagkat mura ang singil sa
bawat oras na paglalaro at pagrenta ng computer.
Bukod pa roon, madalas na nagkakaroon ng pagkikita-kita
ang magkakaibigan o magkakagrupo sa mga ito upang
sabay-sabay na maglaro. Marami ring pustahanang
nagaganap sa pagitan ng mga magkakaibigan o
magkakatunggali sa mga larong maaaring maglaban-
laban. Kaliwa’t kanang kompetisyon din ang nagaganap
sa mga computer shop na siyang ini-isponsor mismo ng
mga namamahala ng mga laro. Sa labas ng espasyo ng mga
computer shop ay patuloy ring lomolobo ang mga taong
gumagamit ng Internetsa bansa dahil sa patuloy na pagbaba
ng Internet rates, mga modem, at iba pang serbisyong may
kaugnayan dito. Maging ang pagbaba ng presyo ng mga
computer sa mga pamilihan ang siyang nagbunsod sa pagbili
ng mga taong limitado lamang ang salaping nakukuha o
naiipon ng mga nasa ibabang antas ng lipunan sa mga ito.

METODOLOHIYA
Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang mgasalitang
ginagamit sa mundo ng online gaming partikular na sa
mga larong DotA 2 at LoL. Angmga mananaliksik ng
pag-aaral na ito ay bahaging komunidad ng mga
manlalarong Pilipino. Kapwa ring nilalaro ng mga
mananaliksik ang mgalarong itinampok. Kaya naman,
mas eksklusibongmapag-aaralan at masusuri nang maayos
ng mgamananaliksik ang wikang ginagamit ng mga
Pilipinosa mga larong binanggit. Katulad ng nabanggit,
bahagi ng komunidad ngmga manlalarong Pilipino ang
mga mananaliksik. Dahil dito, nagsagawa ang mga
mananaliksik nginisyal na listahan ng mga salitang
ginagamit sa loobat labas ng paglalaro ng DotA 2 at LoL.
Matapos isa-isahin ng mga mananaliksik ang mga
salitangginagamit, inihanay ito sa tatlong kategorya:

(1) mga luma o orihinal na salitang Filipino,


(2) mga bagong likhang salitang Filipino o ang
neologism,
(3) mga salitang galing sa labas ng bansa na ginagamit sa
Pilipinas. Dagdag pa, ang mga salitang inilistamula sa
kaisipan ng mga mananaliksik ay hindi sapatupang
matugunan ang layunin ng pag-aaral, kayanaman
nagkaroon din ng masinsinang paghahanapang pangkat
sa mga online forum, blogs, at Facebook pages/groups ng
mga salitang madalas na ginagamitsa mga larong
binanggit at sinuri kung paano nila itoginagamit bilang
bahagi ng kanilang pampublikong diskurso sa labas ng
paglalaro. Bilang tugon sa mas eksklusibong pag-aaral,
nagsagawa ng online survey ang mga mananaliksikupang
mabigyan ng pagkakataon ang mgamanlalarong Pilipino
na maipahayag ang kanilangsaloobin sa imahen at estado
ng komunidad ng mgamanlalarong Pilipino.

Sa survey na ito rin binigyan ng pagkakataon ang mga


manlalarong Pilipino na masabiang mga salitang
kanilang ginagamit sa paglalaroat ang kanilang pananaw
hinggil sa paggamit ngmga salitang ito kaugnay ng
lipunang kanilang ginagalawan. Ginawa ito upang
mapatibay ang pundasyon ng layunin ng pag-aaral―ang
matukoy ang wikang ginagamit ng mga Pilipino sa
mundong online gaming at ang pagpapakahulugan nito
sakasalukuyang estado at imahen ng komunidad ng mga
manlalarong Pilipino na siya ring estado at imahen
nglipunang Pilipino. Sa pagtatapos ng
survey, nakakalapang mga mananaliksik ng mahigit 200
kasagutan mulasa mga manlalaro ng DotA 2 at/o LoL.
Nagmula saiba’t ibang paaralan at/o pamantasan, edad,
kasarian, at iba pang paghahanay ang mga sumagot sa
naturang survey na nakatulong sa kabuuang pag-aaral na
isinagawa ng mga mananaliksik.

ANG WIKA NG DOTA 2 AT LOL


Ang mga salitang makikita sa Apendiks na bahaging
teksto na tatalakayin sa susunod na bahagi ay nagmula sa
sariling kaalaman ng mga mananaliksik, sa mga online
forum, blogs, Facebook groups at pages, at sa survey na
isinagawa na limitado lamang para sa mga manlalarong
Pilipino. Sa listahang ito makikita ang salitang ginagamit,
ang kahulugan nito sa laro, at ang pinagmulan nito o ang
orihinalna kahulugan nito. Kaakibat ng mga salitang ito
ang pinagmulan ng ilan sa mga salita at ang
kahulugannito sa mga larong DotA 2 at/o LoL. Katulad
ng binanggit sa metodolohiya, inihanay sa tatlong
kategorya ang mga salitang ito:
(1) mga luma o orihinal na salitang Filipino,
(2) mga bagong likhang salitang Filipino o ang
neologism, at
(3) mga salitanggaling sa labas ng bansa na ginagamit sa
Pilipinas. Ang mga kahulugan ng mga salitang ito sa
larong DotA 2 at LoL ay resulta ng paggamit ng
pragmatics sa pagtukoy ng pagpapakahulugan nito.

MGA LUMA O ORIHINAL NA


SALITANG PILIPINO
Ang mga salitang nailista sa bahaging ito namakikita sa

Table 1 ay nagkaroon ng malawakang paglalapat ng mga


salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pampublikong
diskurso ng mga Pilipino samga larong binubuo rin ng
manlalarong Pilipino. Kapansin-pansin na may
pagkakatulad pa rin ang mga orihinal na salita mula sa
wikang Filipino naginagamit sa dalawang larong sinuri sa
tunay nakahulugan ng mga ito. Gayunman, nadaragdagan ng
panibago o mas komplikadong pagpapakahuluganang mga
salitang ginagamit sa mga larong ito nanakabatay sa estado
ng kultura at lipunang Pilipino. Sa pag-aaral na isinagawa,
masasabing karamihansa mga salitang ginagamit ng mga
manlalaro aynanggaling sa mababa hanggang gitnang-uri ng
taosa lipunan. Sila ang may kakayahang maiugnay
angsitwasyon ng mga larong ito sa kanilang totoong buhay.

Ang mukha ng kahirapang tinatamasa atnararanasan ng


mamamayang Pilipino hindi lamangng mahihirap kudi pati
na rin ng mga Pilipinong nasagitna hanggang itaas na antas
ng lipunan ay isa lamangimahen na nakikita rin sa labanan
at bakbakangnagaganap sa loob ng mga larong ito. Ang mga
pagsubok na nararanasan ng mga Pilipino sa tunay na buhay
ay isang replika ng pagsubok na kinakaharap ng mga
manlalarong Pilipino sa loob ng mga online game. Kung
baga, sinasalamin ng mga larong ito ang paghihirap na
nararanasan ng mga mamamayang Pilipino makamtan
lamang ang tagumpay sa dulo ng bawat labanan. Mahalaga
ang paggamit ng Speech Acts sa bahaging ito upang mas
matukoy kung paano nga ba ginagamit ang mga salitang ito
base sa kanilangkahulugan. Magagamit ang Illocutionary
Acts bilang batayan kung paano nabuo ang mga salitang ito
dahilito ang nagsasabi kung paano nabubuo ang
kahuluganng salita batay sa “verbal action” na may
kaugnayan sa lipunan.

MGA BAGONG LIKHANG


SALITANG FILIPINO
Mula sa paggamit ng mga lumang salita, hindi rito
nagtatapos ang pag-usbong ng wika ng mga online gamer
sa Pilipinas. Dito pumapasok ang mga salitang neologism
o mga salitang bagong likha bunsod ng paglikha ng mga
bagong salita, paglalaro sa ayos ng mga salita, o
pagbibigay ng bagong kahulugan sa mga salita na
makikita naman sa Table 2. Dito lumalabas ang pagiging
malikhain ng mga kabataang Pilipino lalo na ngmga
batang gamer sa pagbuo ng mga salitang tiyakna aangkop
sa panlasa ng masa katulad na lamang ng mga wikang
umusbong noon na “jejemon” at “bekimon.” Ang mga
salitang bagong likha ng mgaPilipino ay isa lamang
patunay na nananatiling buhay ang wikang Filipino. May
ilang salitang balbal o kolokyal din ang mapapansin na
naisali salistahan ng mga salita.

Isa ring salik sa pagkakaroon ng mga salitang ito ay ang


patuloy na paghagkan ng wikang Filipino sa
impluwensiya ng globalisasyon. Ang kulturang popular,
na isa sa mga elementong likha ng globalisasyon, ang
nakatulong sa mga manlalarong Pilipino upang bumuo ng
mga panibagong salita nakaugnay sa wikang Filipino at
maipasok ito sa mgalarong hindi lamang limitado sa
DotA 2 at LoL. Ang impluwensiya rin ng social media ay
isa rin sa mganaging salik sa pagbuo ng mga salitang
hindi naginagamit sa kasalukuyan at mga bagong trend
nanabibigyan ng panibago at mas buhay at makulay na
pagpapakahulugan sa mga larong ito buhat sa mga meme
“hugot,” at iba pang anyo ng malikhaing paggamit ng
mga salita. Samakatwid, lumalabas na binubuhay ng mga
manlalarong Pilipino ang kakayahan at potensiyal ng
wikang Filipino para makalikha ng panibagong salita
upang makaangkop sa mga pagbabago ng
kontemporanyong panahon.

Kanilang binubuhay at binibigyang-halaga ang mga


salitang walang pakinabang noon at sa paglipas ng
panahon ay lalo pa itong nagagamit sa iba pang lebel ng
diskurso. Magagamit din dito ang Locutionary Acts dahil
karamihan sa mga salitang ito ay ginagamit bataysa kung
paano sila ginagamit ng mga manlalaro. Kadalasan na
kapag pinanonood at pinakikingganng mga manonood
ang mga Filipino shoutcaster salarong DotA 2,
mapapansin ang paggamit nila ng magkakatugmang salita
(na makikita sa listahan) dahil mas nabibigyan nito ng
kulay at saya ang laro. Kasabay rin nito ang paggamit ng
Morphologyang proseso ng pagbuo ng mga makabagong
salita mula sa mga luma o pinagtagpi-tagping salita.

MGA SALITANG GALING SA


LABAS NG BANSA
Ang ikatlong listahan Table 3, ang mga salitang galing
sa ibang bansa, ay isa lamang manipestasyon na umaabot
pa rin sa bansang Pilipinas ang iba’t ibang
impluwensiyang nagmumula sa labas ng bansa. Katulad
ng ikalawang listahan, ang globalisasyon kasama na ang
impluwensiya ng kulturang popular at social media, ay
nakatutulong sa mga Pilipinona gamitin at unawain ang
mga wikang ginagamit ng ibang bansa tuwing nakakalaro
nila ang mga manlalaro nito. Talamak ang ganitong
gawain sa paglalaro ng DotA 2 kung saan nahahalo ang
komunidad ng mga Pilipino sa komunidad ng mga taga-
Timog-silangang Asya at minsan pa nga ay umaabot pa
ng bansang Japan. Ang lakas at lawak ng international
community ng isang laro ang siyang nakaiimpluwensiya
sa wikang ginagamit ng mga manlalaro.

Kung baga, unibersal ang wikang ginagamit ng isang


komunidad lalo na kung ito aysikat, madalas na
ginagamit, at mabilis tandaan. Kapansin-pansin na
wikang Ingles ang karamihan sa mga salitang nailista
sapagkat ito ang pangunahing wika ng mga larong ito.
Unti-unti na itong nagigingunibersal kahit pa hindi
naman ito ginagamit ng iba pang bansa. Sa ilang salitang
naisama sa listahan, may mga salitang galing ng Korea at
Russia. Dito lumalabas na kahit pa hindi madalas na
nakakalaro ng mga Pilipino ang mga taga-Korea o
Russia, napupulot naman ng mga karatig-bansa sa
Timog-silangang Asya ang ilan sa mga salitang
ginagamit ng mga bansang nabanggit.
SAYSAY NG WIKANG GINAGAMIT
NG MGA MANLALARONG
PILIPINO
Sa pagtuklas ng kulturang patuloy na umuusbong at
nabubuo sa paglipas ng panahon, kinakailangang
pahalagahan din ng lipunang saklaw nito ang wika at
pag-uugaling nakapalibot dito. Isa ang online gaming sa
mga gawain ng mga Pilipino partikular na ng mga
kabataang Pilipino na siyang naging ugat ng pag-usbong
ng makabagong wika sa lipunang Pilipino. Sa ganitong
gawi, masasabi na nakaaapekto ang wikang ginagamit sa
mundo ng online gaming sa kulturang Pilipino, kasama
na rito ang wikang Filipino, pag-uugali at pananaw sa
buhay ng mga Pilipinong bahaging mundong ito.
LIPUNANG PILIPINO AT ANG
KOMUNIDAD NG MGA
MANLALARONG PILIPINO
Masasabing adiksiyon na ang paglalaro ng mga online
game na ito at maaaring sabihin na mahirap na itong
alisin sa sistema ng mga manlalaro. Dahil dito, nagiging
mahalagang bagay ang wikang ito sa araw-araw na
pamumuhay ng mga gamer upang mailahad nang eksakto
ang nais nitong sabihin. Maging sa labasng mga laro ay
ginagamit na rin ng mga manlalarong ito ang mga
salitang nabuo kaya tuwing sila’y nababalita sa social
media, hindi na sila maintindihan ng mga pang
karaniwang tao na humahantong pa nga sa pagkutya sa
wikang ginagamit ng mga ito. Bunga ng hindi
maitatangging paglaki ng industriya ng mga online game,
nagkaroon ito ng sariling sangay ng pamamahayag na
tinatawag bilang e-sports journalism.
Marami nang pahayagan na may sangay ng e-sports sa
kanilang website at ang ilan sa mga ito ay Daily Dot,
ESPN, Yahoo News, at para naman sa Pilipinas, ang
tanging nagsasagawa nito sa kasalukuyan ay ang
Philipine Daily Inquirer. Ang ginagamit ng mga
pahayagang ito sa wikang nabuo sa kultura ng e-sports ay
ang mga teknikal na mga termino upang mapanatili ang
pormalidad sa pagbabalita. Makikita sa pagbuo ng mga
bagong kahulugan at wikang ito ang patuloy na pag-
unlad ng wikang Filipino. Iisang komunidad lamang ang
online gaming sa napakaraming komunidad na
nakabubuo ng mga bagong wika o sari-sarili nilang
kahulugan ng mga salita at ilan dito ay ang mga UV
Express Drivers, ang komunidad ng mga Otaku sa
Pilipinas, ang mga homoseksuwal na lalaki sa Pilipinas,
at marami pang iba. Ang tanging kaibahan lamang ng
online gaming ay bumubuo ito ng sariling komunidad na
maihahalintulad sa isports .
KONGKLUSYON
Sa kabuuang pagsusuri ng mga mananaliksik sa mga
salitang isinali sa listahang ito, kapansin-pansin na
karamihan sa mga salitang ito ay mga papuri o pang-
aasar sa kapuwa manlalaro. Dito lumalabas na kahit sa
mundo ng paglalaro ay nagkakaroon din ng diskurso na
katumbas ng pangkaraniwang pag-uusap at interaksiyon
ng mga tao. Hindi man totoo ang mga nagaganap na
patayan at kampihan sa mga online game, lumalabas sa
wikang ginagamit ng mga manlalarong Pilipino na hindi
basta-basta ang pagpasok sa mundo ng online gaming.
Ang lebel ng diskursong nagaganap sa talakayan at pag-
uusap ng mga manlalaro sa mga online game ay patuloy
na tumataas kahit madalas ay negatibo ang pagtingin o
pagtanaw ng mga pangkaraniwang tao sa mga ito. Sa
pangkahalatan, ang wikang ginagamit ng mga
manlalarong Pilipino ay katulad lamang ng wikang
ginagamit ng mga ordinaryong Pilipino.
Sa halip, katulad ng pakikipag-chat o text at iba pang
virtual na pakikipag-usap at ugnayan sa mga tao, mas
siksikat komplikado ang talakayan na nagaganap sa mga
online game. Sa pag-aaral na ito, napatunayan na ang
wikang ginagamit ng mga manlalarong Pilipino ay may
ibang pagpapakahulugan sa pangkaraniwang gamit ng
wikang Filipino sa labas ng online gaming. Hatid ng
wikang ginagamit sa loob ng larong DotA 2 at LoLang
ebolusyon ng wika at kulturang Filipino at ang
kasalukuyang estado ng lipunang Pilipino. May limang
punto ang nailatag at natuklasan ng mga mananaliksik sa
pag-aaral na ito. Una, naaapektuhan ng wikang ginagamit sa
loob ng mga larong sinuri ang pagtanaw ng buong
komunidad ng online gaming sa iisang komunidad ng bawat
bansa. Pangalawa, salamin ng wikang ginagamit ng isang
komunidad ng mga manlalaro ang sitwasyon at estado ng
kapaligiran ng mga naglalaro. Pangatlo, nagsisilbing moda o
daluyan ng komunikasyon at ugnayan ng mga manlalarong
Pilipino ang paglalarong online game.
Pang-apat, patuloy na nakaaapekto ang teknolohiya at
mundo ng internet sa mga salitang ginagamit ng mga tao na
nagdudulot ng pag-unlad ng wika. Panghuli, nananatiling
buhay ang wikangFilipino sa patuloy na pag-usbong ng
makabagongwika ng mga manlalarong Pilipino. Bilang
wakas ng pag-aaral na ito, nais ipahayag ng mga
mananaliksik ng papel na ito na hindi palubusang nakalap
ang mga salitang ginagamit ng mga manlalarong Pilipino.
Ang 128 na salitang inilista sa papel na ito ay para lamang
sa DotA 2 at LoL na kahitsa milyon-milyong naglalaro nito
ay nananatiling limitado ang pag-aaral hinggil dito.
Table 1

MGA LUMA O ORIHINAL NA


SALITANG FILIPINO NA GINAGAMIT
SA LARONG LOL AT DOTA 2 SA
PILIPINAS

SALITA KAHULUGAN SA LARONG DOTA 2 AT/O


LOL
ahas isang manlalarong taksil o traydor; maaari ring
tumukoy kay Medusa, isang ‘hero’ sa DotA 2
asim isang manlalarong may hindi magandang ginawa
sa laro; nagmamagaling. Greediness
pagiging malakas at tumutukoy sa mga
baboy
manlalarong pumapatay ng marami; maaari ring
tumukoy kay Pudge, isang ‘hero’ sa DotA 2
bading/bakla pagiging duwag o takbuhin ng isang manlalaro.
pagiging mahina ng isang mamanlalaro; hindi na
nakaiipon at nakapagpapalakasang isang
baog
manlalaro at nakapagpapalakasang isang
manlalaro
barko abilidad ng isang ‘hero’ sa DotA 2 na si Kunkka
na may anyong barko
basag pagsira ng mga estruktura at tore sa laro

bata pagiging emosyonal at maingay ng manlalaro


manloko ng mga kasamahan sa laro;
nagpapakamatay sa laro para maipanaloang
benta
kalaban sa laro
taong mahilig sa atensiyon; mga manlalarong
nagmamagaling at walang pakialam sa ibang
bida
manlalaro
paggawa ng hindi pangkaraniwang bagay;
pagtukoy sa mga manlalarong kakaibang maglaro
bisaya
patibong na isang abilidad ni Techies, isang hero
sa DotA 2; isa ring abilidad ni Ziggs, isang
bomba
‘champion’ sa LoL
buhat pagpapanalo ng isang laro dahil sa isangtao;
madalas ay tinutukoy ang isang taong bihasang
maglaro
bulag hindi tumitingin sa mapa; walang ‘wards’ na
nakakalat sa mapa
buo mga kombinasyon ng kagamitan na binubuo ng
karakter
bura/burado mapatay ang isang karakter ng mabilisan
dlim walang ‘wards’ sa mapa

durog talunin ang kalaban nang walang kahirap-hirap


galawan pagpuri ng mga manlalaro sa kung gaano kagaling
ang isang manlalaro sa kaniyang ginagawa
tumutukoy sa mga manlalarong magaling
gumamit ng‘champion’/’hero’; pagpuri sa mga
halimaw
manlalarong bihasa sa paglalaro
isang abilidad ni Pudge at Clockwerk, mga ‘hero’
hatak
sa DotA 2; abilidad ninaBlitzcrank, Thresh,
Nautillus, mga ‘champion’ sa LoL
hayop isang ekspresyon kapag maganda ang
estratehiyang ginawa ng mga manlalaro
hila katulad ng salitang ‘hatak
pagpunta sa likod ng kalaban, abilidad ni
ikot
Juggernaut, isang ‘hero’ sa DotA 2; abilidad ni
Garen, isang ‘champion’ sa LoL
isang babala sa mga manlalarong mag-isa lamang
ingat
na gumagala; ginagamit sa tuwing walang
kalaban na nagpaparamdam sa paligid
iyak isang ekspresyon o pang-asar ngmanlalaro kapag
madali niyang napatayang kalaban
pagkain ng ‘tango’ sa larong DotA 2; isang
kagat
abilidad ni Pudge, isang ‘hero’ sa DotA 2; isa ring
abilidad ni Volibear, isang ‘champion’ sa LoL
kain pagpatay ng madalian sa mahinang hero; maaari
ring iugnay sa salitang ‘durog’
isang pag-uugali ng mga manlalarong hindi na
kampante
sineseryoso ang laro sapagkat naniniwala silang
mananalo na sila
isang ekspresyong ginagamit ng mga manlalaro sa
kati
tuwing nakakaharap ng isang kalabang may
malakas na ‘attack damage’
kunat sang katangian ng mga manlalarong mahirap
mapatay
lambot isang katangian ng mga manlalarong madaling
mapatay
ang pagbawas ng buhay ng ‘hero’/ ’champion’

lason kada segundo; matutunghayan sa abilidad nina


Teemo, Cassiopeia, Singed, at Twitch, at iba pang
katulad sa LoL; matutunghayan din sa abilidad
nina Venomancer, Viper,at iba pang katulad sa
DotA 2
isang ekspresyon ng nagbabadyang pagkatalo ng
lugi isang kampo; pagkakaroon ng kawalang-tiwala sa
kakayahan ngkakampi
malamok pagtukoy sa ‘bush’ sa LoL na maraming
manlalaro ang tumatambay ngunit nakikita sila ng
katunggali
multo invisible na ‘hero’ o ‘champion’; ito ang mga
manlalarong biglang nawawala sa labanan
oso tumutukoy kay Ursa Warrior, isang‘hero’ sa DotA
2; tumutukoy rin kay Volibear, isang ‘champion’
sa LoL
palag ginagamit ang ekspresyong ito upang manuya ng
ibang manlalaro kung sila baay lalaban
pana isang abilidad ni Mirana, isang ‘hero’ saDotA 2;
abilidad ni Ashe sa LoL, isang ‘champion’ sa LoL
papel katulad ng ‘lambot’, ang mga manlalarong ito ay
mabilis mapatay
ang salitang tumutukoy sa pagsugod o pagpalag
pasok
ng mga manlalaro sa kalaban; ito ang hudyat ng
pakikipaglaban
tumutukoy sa mga manlalarong nagpapatawa

payaso (sarcastic) sa laro; tumutukoy ito sa mga


manlalarong hindi maayos ang ginagawa at
madalasna katawa-tawa para sa mga kalaban;
maaaring tumukoy kay Shaco, isang‘champion’
sa LoL
pitas ito ang anyong pagpatay ng magkakampi sa
naiiwan o mag-isangkalaban
tumutukoy sa mga manlalarong madala sna
pugo
namamatay; mga manlalarong hindi na lumalakas
tumutukoy sa mga manlalarong lumalabas lamang
pulis
sa huli ng labanan o bakbakan o ‘clash’; madalas
na lumalabas ang mga ito kung pulado na o kaunti
na lamang ang buhay ng kalaban
punit katulad ng mga salitang ‘lambot’ at ‘papel’, ang
mga manlalarong ito ay mabilis mapatay
puno tumutukoy sa ‘item’ na ‘Tango’ sa larong DotA 2
sapatos tumutukoy sa mga ‘item’ na ‘boots’ saLoL at
DotA 2; maaari ring tumutukoy sa
paghahalintulad sa paggamit ng droga dahil sa
amoy nito; mga taong hindi nagseseryoso;
sapatos pa
sarap isang ekspresyon ng mga manlalaro tuwing
nakapapatay o nakapipitas
isang abilidad ni Shadow Fiend, isang ‘hero’ sa
sayaw
DotA 2; isang ‘feature’ sa LoL na maaaring
sumayaw ang mga ‘champion’
katulad ng salitang ‘sapatos’, ito ang mga

shabu manlalarong malabo o gumagawang estratehiyang


hindi katanggap-tanggap; mga taong hindi
nagseseryoso; shabu pa
taba ito ang mga manlalarong mahirap mapatay at
lumakas na
isang ekspresyon ng pagkadismaya sa naging
resulta ng labanan o ‘clash’; ginagamit tuwing
tae hindi nakapapatay ang kampo; ginagamit din ito
sa mga pagkakataong hindi marunong maglaro
ang kakampi; maaari rin itong tumukoy sa isang
abilidad ni Teemo, isang ‘champion’ sa LoL
isang kilos na umaalis palayo ng labanan ang
takbo
isang manlalaro; maaaring pang-asar ng kalaban
para sa mga manlalarong takas nang takas tuwing
nagkakaroon ng labanan
tali isang abilidad ni Wind runner, isang ‘hero’ sa
DotA 2
isang abilidad ni Mirana, isang hero saDotA 2;
talon
ginagamit din ito bilang kapalit ng salitang
‘sugod’ o ‘pasok’ upang magsimula ang labanan o
bakbakan ng dalawang kampo
Ginagamit ang salitang ito kadalasan kapag may
tapon
ginawang mali ang isang manlalaro at sinasabing
“itinapon ang laro” na parang sinasabing ipinatalo
ang laro.
tigas katulad ng mga salitang ‘kunat’ at ‘taba’, ang mga
manlalarong ito ay mahirap mapatay
isa itong mga abilidad sa DotA 2 at LoLna hindi

tulog nakagagalaw ang kalaban; mga abilidad na tulad


ng ‘stun’, ‘shackles’, at iba pang katulad; maaari
itong tumukoy sa mga abilidad ni Naga Siren at
Banesa DotA 2
tumutukoy ito sa abilidad ni Rikimaru, isang hero
usok
sa DotA 2; tumutukoy rin ito sa mga ‘item’ sa
DotA 2 na ‘Smoke ofDeceit’ at ‘Dust of
Appearance’
Table 2

MGA BAGONG LIKHANG SALITANG


FILIPINO NA GINAGAMIT SA LARONG
LOL AT DOTA 2 SA PILIPINAS

SALITA KAHULUGAN SA LARONG DOTA 2 AT/O


LOL
abangers mga taong nag-aabang nang matagalsa iisang
lugar upang makapatay ng kalaban
anyare sa Madalas ginagamit ito kapag may ginawang
pinas napakahusay o nakatatawa ang mga
manlalarong Pilipino.
isang ekspresyon sa tuwing namamatay ang
isang manlalaro; pang-asar o pangpikon sa
awtsu
kalaban
isang pagsasalarawan sa isang manlalaro na
lumalakas bigla; sumusugod kahit walang
beastmode
kasamang kakampi
bugok/ugok isang pagsasalarawan sa manlalarong hindi
marunong maglaro
dafuq isang ekspresyon sa tuwing namamatay ang
isang manlalaro; nakakita ng kakaibang
pagkilos o galaw sa kakampi o kalaban na
nakatatawa, nakaiinis, o nakaaasar
pang-asar sa mga taong may mabagal na
computer; ginagamit ito tuwing may mga
manlalarong madalas na nadi-disconnect sa
de uling PC laro o bigla na lamang hindi gagalaw ang
yunit na kinokontrol ng isang manlalaro sa
gitna ng paglalaro
isang pagsasalarawan para sa mga
manlalarong gala nang galan ang walang
dora
kasamang kakampi; naglalakbay ang mga
manlalaro sa kawalan
isang pagsasalarawan sa mga
taongmagkakasama ngunit hindi
namankagalingan; pang-asar para sa mgataong
duo pa magkakasama ngunit hindimarunong maglaro
at makiisa sa iba pang manlalaro
isang pangkalma sa mga manlalarong mainitin
ang ulo; isa itong ekspresyon na katumbas ng
eazy krizzy
pariralang ‘kalma ka lang’ o ‘easy kalang’
isang ekspresyon sa tuwing may manlalarong
naghahamon, nambabanta, nang-aasar, o
edi wow
nagtatangkang sumira ng laro; isa itong
ekspresyon na nagpapakita ng walang
pakialam sa iba
isang pagsasalarawan sa isang kamposa mga
kilos na malinis na nagawa; ito ay mga
galawang
pagkilos sa laro ng isang manlalaro na malinis
breezy/
o mahinanon ang pagkakagawa. Ang
breezy boys
maaaring katumbas nito sa Ingles ay “smooth
moves”
tinutukoy ng salitang ito ang pormasyon o
posisyon ng mga magkakagrupo; isa itong
gedli
taktikang isang grupo bago maganap ang
labanan
ginagamit sa tuwing nakakagawang maganda
at mabuti ang isang manlalaro para sa
ice ‘yan
kaniyang kakampi; ginagamit din ito ng mga
manlalaro sa tuwing nakakikita ng kamangha-
manghang kilos at galaw sa laro
imba isang ekspresyon para sa mga taong
masyadong malakas o masyadong mahina;
ginagamit din para sa mga champion/hero na
masyadong malakas o mahina para sa
kabuuang laro
isang ekspresyon para sa mga taong
gumagamit ng hero na Invoker sa DotA 2 na
injoker
mistulang nagpapatawa lamang sa laro, hindi
kagalingan, at may kahinaan
intro boys isang pagsasalarawan sa grupo ng mga
manlalaro na sa simula lamang malakas
jej tawag sa mga manlalarong hindi marunong
maglaro o sumisira ng laro
jumong tawag sa isang ability ni Mirana na
magpakawala ng isang palaso
tawag sa ‘item build’ sa DotA 2 naanim na
‘Bracers’ ang binibili; ang ‘Bracers’ ay para
macho build
sa mga ‘Strength’ hero na nagpapataas ng
buhay nito
isa itong pagsasalarawan sa mga manlalarong
malakas maglaro; isa itong papuri sa mga
mamaw
manlalarong magaling at bihasa sa paglalaro
ginagamit sa tuwing may isang grupong
manlalaro ang nag-aabang sa kalaban upang
mapatay ito; maaaring itumbas ito sa pag-
MILF
ambush ng isang grupo sa kalaban
isang pang-asar para sa mga Pilipinong
malakas mang-trashtalk o mang-asar ng
Peenoise
kapwa manlalaro; isa rin itong
pagsasalarawan sa mga Pilipinong puro salita
ngunit hindi naman marunong kumilos
katulad ng ‘de uling PC’, isa rin itong
pagsasalarawan at pang-asar sa mga
manlalarong may mahinang specifications ng
Pentium computer, na bigla-bigla na lamang madi-
disconnectang isang manlalaro o bigla
Poor
nalamang hindi gagalaw ang yunit na
kinokontrol ng isang manlalaro sa gitna ng
paglalaro
isang pagsasalarawan sa mga Pilipinong mas
masahol pa sa hayop; isa itong pang-aasar sa
PH dog
mga Pilipinong hindi marunong maglaro at
mag-isip
pang-asar para sa mga manlalarong biglang
madi-disconnect; taliwas sa kahulugan ng ‘de
piso net
uling PC’ at ‘Pentium Poor’, naiuugnay ang
mga salitang ito sa pagiging mahirap o
umaasa lamang sa mga computer shop
puds isang pagsasalarawan at pang-asar sa mga
manlalarong laging namamatay
isa itong estratehiya na gagamitin ng isang
kampo ang tatlong linyao ‘lane’ upang sumira
pugak
ng tore at matapos ang laro o nagsisilbi itong
panggulo sa mga kalaban; ‘split-push’ang isa
pang tawag nito
isa itong pagsasalarawan sa mga manlalarong
tumatakbo sa tuwing nakakikita ng kalaban;
Quiapo
ang mga ganitong klase ng manlalaro ang
gaming
madalas na inaasar ng kakampi at ng kalaban
isang ekspresyon na nagpapahiwatig o
nagsasabing aatake o susugod na ang isang
rak na itu!
kampo sa kalaban; isa rin itong ekspresyon ng
mga taong nagyayayang maglaro
ginagamit ang salitang ito tuwing
makapapatay ng kalaban, isahan mano
rapsa/rapsi
maramihan
rekta isang pagsasalarawan sa sabay-sabayna
pagsira ng tore at base ng isang kampo
Spider Ang tawag ng mga pinoy shout casters sa
dudung isang ‘hero’ sa DotA na si Timbersaw
tawag sa mga manlalarong balbal kung
magsalita; tawag din sa mga manlalarong
skwater
hindi marunong maglaro ngunit patuloy na
nagyayabang,nang-aaway, at nang-aasar ng
iba pang manlalaro, kalaban man o kakampi
katulad ng salitang ‘ice ‘yan’, isaitong
pagsasalarawan at papuri sa mga manlalarong
swan
may nagawang maganda o kamangha-
mangha;ginagamit din ito sa tuwing
nakapapatay ang isang manlalaro

Table 3

MGA SALITANG GALING SA IBANG


BANSA NA GINAGAMIT SA LARONG
LOL AT DOTA 2 SA PILIPINAS
SALITA KAHULUGAN SA LARONG DOTA 2
AT/O LOL
ginagamit ang katagang ito sa tuwing
makakikita ng mga maling pagkilos ng isang
322
manlalaro na nagmimistulang ibinebenta na
ang laro o hindi na inaayos ang paglalaro
ginagamit ang katagang ito tuwing may
gumagamit ng Techies, isang ‘hero’ sa DotA
Allahu
2 na may abilidad magtanim ng maraming
Akbar!
bomba sa kapaligiran
isang sitwasyon na ang nadedehadong
koponan ay unti-unting bumabawi at
comeback
nananalo sa dulo
ginagamit ito tuwing hindi mapapatay
ngisang manlalaro ang kalaban; isa
cyka blyat
lamangitong ekspresyon ng pagkadismaya
pag-iipon ng pera upang tumaas ang ‘level’at
makabili ng mas malalakas na ‘item’
farm
feeder tumutukoy sa mga manlalarong lagging
nagpapapatay o laging namamatay
fertilizer tumutukoy sa mga manlalarong nagsisilbing
pagkain ng mga kalaban
tumutukoy sa mga manlalarong nagpapalakas
sa kalaban dahil palagi itongnamamatay
foods
isa itong estratehiya na magsasama-samaang
isang koponan upang pumatay ng kalabang
gank
walang kasama o hindi kaya ang pagdalaw
ng isang manlalaro sa kakampiniyang
nangangailangan ng tulong
goblok ginagamit ng mga manlalarong naiinis sa
kakampi o nang-aasar sa kalaban
ginagamit ng mga manlalarong nang-aasar sa
mga manlalarong hindi marunong maglaro o
gopnik
walang alam sa paglalaro
gosu isang pagpuri sa mga taong bihasa sa
paglalaro
tumutukoy sa mga baguhan na manlalarong
DotA 2 at LoL; ginagamit din itong pang-
kids
asar para sa mga manlalarong hindi
marunong maglaro
tumutukoy sa sitwasyon ng laro na
bumabagal ang Internet connection na
lag
nakaaapekto sa galaw ng ‘hero’ o ‘champion’
na ginagamit
ginagamit ang salitang ito tuwing
nagpapatulong ang isang manlalaro na
leash
magpadagdag o pumatay ng isang
‘neutralcamp’ o ‘jungle camp’
ginagamit ang salitang ito sa tuwing may
mga bago o kakaibang ginagawa ang mga
manlalaro; katumbas ito ng pag-imbentong
mga makabagong pamamaraan o estilo ng
paglalaro (bagong ‘item build’, bagong
meta
estratehiya); Madalas ang mga estratehiyang
nabubuo na tinatawag na “meta” ay
ginagamit na ng bawat grupo dahil ito ang
pinaka epektibong estratehiya.
terminong ginagamit tuwing paulit-ulit na
pinapatay ng isang manlalaro ang isang
owned
partikular na kalaban; isang pang-asar ng
manlalaro sa kalabang laging pinapatay
tumutukoy ito sa mga manlalarong
gumagamit ng account ng iba upang
pilot
palakasin ito o hindi kaya ay gumagamit ng
account na hindi kanila
madalas na ginagamit ito ng mga
manlalarong ibang bansa laban sa mga
put tank in a
manlalarong Pilipino; katumbas din ito ng
mall
pagmumura ngunit hindi puro o tumbok sa
nais iparating nito
katumbas ng salitang ito ang ‘gank’ ngunit
madalas na ginagamit ito ng mga manlalaro
tuwing sila ay pinatay nang walang awasa
rape laro; madalas na nararanasan ng mga
manlalarong walang kasamang kakampi at
sabay-sabay na sinusugod ng mga kalaban
rat katumbas ng mga salitang ‘segway’, ‘split-
push’, at ‘pugak’ na nangangahulugang pag-
atake ng sabay-sabay sa tatlong linya ngunit
hindi lalaban sa tuwing may kalabang
darating; katulad ng isang daga, mahilig
umatake kung walang gumugulo ngunit
tumatakbo palayo tuwing may dumarating
katulad ng salitang ‘owned’, ito ay terminong
ginagamit tuwing paulit-ulit na pinapatay ng
rekt
isang manlalaro ang isang partikular na
kalaban
isang ‘practice game’ ng mga manlalaro bago
lumaban sa mga kompetisyon at palaro
scrim
segway katulad ng salitang ‘pugak’, ‘split-push’,
at‘rat’
tumutukoy ito sa mga bagong account na
ginagamit ng isang taong bihasa na maglaro
smurf
upang makipaglaban sa mga baguhan
tumutukoy sa pag-atake o pagpatay sa
kalaban sa hindi nito inaasahang
sneaky
pagkakataon
sohai ginagamit sa mga manlalarong hindi
marunong maglaro o walang alam sa laro
squambags tumutukoy sa mga taong hindi maganda ang
pag-uugali
katulad ng salitang ‘leash’, nagpapatulong
ang isang manlalaro na magpadagdag o
stack
pumatay ng isang ‘neutral camp’ o
‘junglecamp’
tumutukoy ito sa mga manlalarong hindi
magawa ang kaniyang nais gawin dahil narin
tilt
sa sunod-sunod na pagkatalo
tumutukoy sa mga manlalarong hindi inaayos
ang paglalaro, wala sa sariling katinuan, o
troll
sadyang nanloloko at nang-aasar lamang ng
iba pang manlalaro
ang pagpopokus ng manlalaro sa isang
bagay; madalas ay nakasasama sa paglalaro
tunnel vision

You might also like