Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

GAWAING PAGKATUTO SA ESP 5

Ikatlong Markahan, Ikalawang Linggo

Pangalan: _______________________________Baitang at Seksyon: __________


Petsa: _____________________________________

Ating Pagkamalikhain, Ialay Sa Kapwa Natin

I. Panimulang Konsepto

Ang pagkamalikhain ng isang Pilipino ay tumutukoy sa talento o


kakayahan sa paglikha ng isang bagay. Bawat isa sa atin ay may kani-
kaniyang angking talent tulad ng pag-awit, pagsayaw at pagguhit na
binigay ng Maykapal na gagamitn natinsa iba’t ibang paraan para
maging kapaki-pakinabang. `Maraming paraan din ang maaari nating
gamitin upang malinang ang mga kasanayang ito. Isa na rito ang
paggamit ng multimedia o teknolohiya na nagpapakita rin ng ating
pagiging malikhain. Ganoon din ang pagsali sa mga paligsahan upang
mapaunlad ito.

Karamihan sa mga sayaw ng mga Pilipino ay nagpapahayag ng


matitinding emosyon o damdamin kaya ito ay isinasagawa ng may
kaukulang pag-iingat. Isang halimbawa nito ay ang cariñosa. Magiliw na
sayaw ang cariñosa na kung saan ang magkaperahang babae at lalaki na
animo’y nasa aktong nagliligawan. Ito ay hango sa salitang mapagmahal.
Isa ito sa mga sikat na sayaw na isinasagawa tuwing araw ng kapistahan
noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, na
magpahanggang ngayon ay isinasagawa pa rin ng mga Pilipino tuwing
sumasapit ang Linggo ng Wika. Noong taong 1992 nang palitan nito ang
tinikling bilang pambansang sayaw ng Pilipinas.

Ang babaeng mananayaw ay karaniwang nakasuot ng ating


pambansang kasuotan na sinamahan ng pamaypay na na ginagamit
upang itago ang kanilang mukha kasabay ng pinong pagsasakilos ng
sayaw. Ang lalaking mananayaw naman ay may hawak na panyo habang
nakatingin sa mata ng kaparehang babae upang ipakita ang kaniyang
pagmamahal. Ang sayaw na ito ay nagpapabatid sa mga manonood kung
gaano kamahal ng magkapareha ang isa’t isa.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT CODA SA MELC


1. Nakapagpamalas ng pagkamalikhain sa pagbuo ng mga sayaw,
awit at sining gamit ang anumang multimedia o teknolohiya (EsPPPP-
IIIb 24)
2. Napapanatili ang pagkamabuting mamamayang Pilipino sa
pakikilahok sa paligsahan sa larangan ng pag-awit, sayaw at sining
(EsPPPP-IIIb 25)
2.1 pagtanggap ng pagkatalo
2.2 pagiging tapat at patas sa paligsahan

MGA GAWAIN
Gawain A
Panuto: Piliin mo sa kahon ang tamang salita upang mabuo ang
pangungusap sa bawat bilang.

talento makilahok kabutihan

multimedia paligsahan mapagpakumbaba

1-2. Ipakita ang iyong __________ at sikaping mapaunlad hindi lamang sa


sariling kapakanan ngunit para sa __________ ng lahat.
3. Maging ________________sa pagtanggap ng papuri ng ibang tao at
responsible sa paggamit ng iyong mga talento.
4. Ugaliing __________ sa mga paligsahan upang lalo pang mahasa ang
iyong
talento.
5.Paggamit ng _______________ o teknolohiya sa pagpapaunlad ng iyong
talento at pagiging malikhain.

Gawain B
Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tama at ekis ( x )
naman kung mali.

__________ 1. Pagtawanan ang kalaban sa paligsahan kung siya ay nagkamali.


__________ 2. Hindi na dapat pang linangin ang ating mga talento.
__________ 3. Lumahok nang buong tapat sa mga paligsahan.
__________ 4. Gawin ang lahat upang manalo sa patimpalak kahit sa maling
paraan.
__________ 5. Tanggapin ang pagkatalo ng maluwag sa kalooban.

IV. REPLEKSIYON/PAGNINILAY
Kumpletuhin ang pahayag:

Natutuhan ko sa modyul na ito na ________________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

V. MGA SANGGUNIAN
DepEd (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies. ESP 5, p.
103
DepEd (2016). Curriculum Guide. Edukasyon sa Pagpapakatao 5, p. 74
Ylarde, Zenaida R. and Gloria A. Peralta, EdD, Ugaling Pilipino Sa
Makabagong Panahon. Reprint, Vibal Group, Inc., 2016, pp. 107-115.

VI. SUSI SA PAGWAWASTO


Gawain A
1. Talento
2. Kabutihan
3. Mapagpakumbaba
4. makilahok
5. multimedia

Gawain B
1. X
2. X
3. /
4. /
5. /

Inihanda ni:

VICTOR M. REGALA JR

You might also like