Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SCHOOL OF WISDOM FOR IDEAL CHILDREN

San Agustin, Hagonoy, Bulacan

Ikaapat Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao II

Pangalan: __________________________________________________ Iskor : ______/50


Baitang/Pangkat: II - Patience Guro : Michelle P. Valencia Petsa: Marso _______,2020
I. Iguhit ang bituin ( ) sa patlang kung ang pahayag ay dapat gawin at lagyan naman ng ekis(X)
kung hindi.

1. Ipagyabang ang aking talino sa ibang bata.


2. Magpasalamat sa Panginoon dahil sa mga biyayang natatanggap.
3. Ibahagi ang kaalaman o kakayahan sa ibang tao.
4. Gamitin sa wasto at kapaki-pakinabang na paraan ang iyong talino at kakayahan.
5. Mahiyang ibahagi sa maraming tao ang angking galing sa ibang bagay.
6. Maging inspirasyon sa ibang bata na hindi kayang gawin ang iyong kakayahan.
7. Gamitin ang iyong kakayahan at talino para makatulong sa iba.
8. Magturo sa ibang tao ng mga bagay na kaya mo na hindi nila kaya.
9. Maging isang mabuti at mabait na bata.
10. Paunlarin pa ang sariling kakayahan.

II. Kulayan ng pula ang puso ( ) kung ang ginagawa ng tauhan sa bawat sitwasyon ay nagpapakita ng
pagpapaunlad ng talino at kakayahan, at kulayan naman ito ng asul kung hindi.

1. Palaging nag-eensayo si Anna sa pag-awit kung may libre siyang oras.


2. Ikinahihiya ni Ben ang kaniyang talento sa pagguhit dahil natatakot siya na baka pagtawanan
lang ang kaniyang gawa.
3. Sumasali si Luisa sa paligsahan ng pagsayaw para ipakita sa iba ang kaniyang husay sa
pagsasayaw.
4. Kung may libreng oras si Beth, tinuturuan niya ang kaniyang kapatid sa pagtula.
5. Nagtago si Analiza sa kaniyang guro dahil sinasali siya nito sa isang paligsahan.
6. Sumali siya sa paligsahan hindi lamang para manalo ngunit para mapagbuti pa ang kaniyang
kakayahan.
7. Hinihikayat ni Leo ang ibang kaibigan na magsanay rin sa pag-awit katulad niya.
8. Sinasayang lang ni Bea ang kaniyang galing dahil hindi niya ito pinapakita sa ibang tao.

9. Nagsisikap si Mara na maging magaling pa sa pagsasayaw.


10. Naghahanap pa si Lara ng ibang paraan upang mas maging mahusay pa siya sa pagtula.

III. A. Sumulat ng maikling panalangin na pasasalamat sa mga nilikha ng Diyos at mga


biyayang natatanggap mo mula sa kaniya. (5puntos)
Mahal na Panginoon,
________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

Sa pangalan ni Hesus, Amen.

B. Sa paanong paraan mo pasasalamatan ang Diyos sa mga biyayang natatanggap


mo? (5puntos)

____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

IV. A. Sundin at sagutin ang mga tanong o panuto.


 Iguhit ang tamang pananamit sa loob ng simbahan. Kulayan ito. (2puntos)

 Bilang isang bata, ano ang mga dapat mong gawin habang nasa loob ng simbahan?

1. _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
V. A. Bilugan ang mga bagay na nilikha ng Diyos na dapat pahalagahan.

1. mga matataas na gusali at magagandang bahay


2. mga puno sa kagubatan
3. mga anyong lupa tulad ng bundok at lambak
4. mga ibon
5. mga anyong tubig tulad ng dagat at ilog
6. magagandang pasyalan tulad ng mga mall o parke
7. mga salapi o pera

B. Iguhit kung ano ang maaring mangyari sa bawat sitwasyon na nakasulat sa loob
ng kahon.

1. Pagtatapon ng
mga basura at
patay na hayop
sa mga ilog.

2. Pagpuputol ng
mga puno sa
mga kabundukan.

3. Pagkakalat sa
paligid o sa mga
kalsada

VI. Isulat ang S sa kahon kung sang-ayon ka sa bawat pahayag na nagsasaad ng mga maaaring gawin
kasama ang pamilya at isulat naman ang DS kung hindi ka sang-ayon.

1. Magbasa ng nakatutuwang kwento.


2. Manuod ng nakatutuwang palabras sa telebisyon
3. Pagkwentuhan ang may kapansanan.
4. Ibahagi sa kapatid ang nabasang magandang kwento
5. Sumali sa mga biruan.

You might also like