Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

SCHOOL OF WISDOM FOR IDEAL CHILDREN

San Agustin, Hagonoy, Bulacan

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Mother Tongue II

Pangalan : __________________________________________________ Petsa: ______/50


Baitang/Pangkat: II- Patience Guro : Michelle P. Valencia Petsa : Marso____, 2020

I. A. Alamin ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa
patlang.
pamagat wakas kwento talata pangunahing kaisipan

1. Ito ay sama – samang pangungusap na mayroon lamang iisang


paksa.
2. Ito ay dapat maikli at nakatatawag pansin. Ito rin ang
nagpapahiwatig ng diwa o paksa ng isang talata o kwento.
3. Tumutukoy ito sa sinasabi o nilalaman ng talata.
4. Tumutukoy ito sa pagtatapos ng pangyayari sa isang talata,
kwento o ano mang akda.
5. Ito ay sama – samang talata na may tauhan, tagpuan at banghay.

B. Iguhit ang puso ( ) sa loob ng kahon kung tama ang sinasabi ng bawat pahayag at
isulat naman Mali kung hindi tama .

1. Sinisimulan sa malaking titik ang mahahalagang salita sa pamagat.


2. Ang pagsulat ng unang salita sa pangungusap ay sinisimulan sa malaking titik.
3. Sa pagbibigay ng pamagat, ito ay dapat angkop sa bawat talata sa kwento.
4. Ang isa o mga salita sa pasulat na pagpapahayag ay maaaring mabigyan ng diin
5. Hindi na mahalaga kung kawili-wili ba ang wakas ng isang kwento.

II. A. Basahin ang bawat talata. Batay sa paksa nito, piliin sa loob ng kahon ang pamagat na angkop dito.

Isulat sa loob ng bilog ang titik ng iyong sagot.

a. Ang Aming Guro d. Ang Aking Kaibigan

b. Ang Mabait na Guro e. Ang Aking Alaga

c. Ang Mahusay na Mang-aawit f. Ang Bulkang Taal


1. Gillian ang pangalan ng aking kaibigan. Siya ay mabait at maunawain. Kapag
nahihirapan ako sa aking mga aralin ay palagi siyang nasa tabi ko upang ako ay
kaniyang tulungan. Siya ang paborito kong kaibigan.

2. Ang alaga ko ay si Trixie. Ito ay isang pusa. Maganda ang kaniyang balahibo.
Bigay ito sa akin ng aking kapatid kaya inaalagaan ko siyang mabuti. Tuwing uuwi
ako ng bahay ay agad siyang lumalapit sa akin.

3. Isang mahusay na mang-aaawit si Regine Velasquez. Mayroon siyang programa


sa telebisyon. Malimit siyang panauhin sa iba’t ibang palabas. Marami ang
humahanga sa kaniyang husay sa pag-awit kaya siya ay talagang tanyag.

4. Ang Bulkang taal ay itinuturing na pinakamaliit na bulkan sa buong mundo.


Matatagpuan ito sa lalawigan ng Batangas. Marami ang dumadayong turista rito dahil
sa magandang tanawin nito.

5. Ang aming guro sa Filipino ay si Ginoong De Leon. Siya ay isa sa mahusay


na guro sa aming paaralan. Mahusay siyang magpaliwanag ng mga aralin kaya
marami ang natutuwa sa kaniya.

B. Bumuo ng isang talata na angkop sa ipanakikita ng nasa larawan. Gawin ito sa


pamamagitan ng pagsulat ng limang pangungusap. Bigyan ito ng angkop na
pamagat. (5puntos)

________________________________________________________________________
( pamagat)

_________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
III. Basahing mabuti ang bawat talata at bilugan ang titik ng angkop na wakas.
1. Lumabas ng bahay si Billy. Nakita niya ang bisikleta ng kanyang kapatid. Sumakay
siya at mabilis na lumabas ng bakuran. Hindi niya napansin ang mabilis na pagdating
ng isang trak.
a. Mabuti at naiwasan siya ng drayber.
b. Hinabol siya ng kanyang kapatid sa labas.
2. Sinimulan na nga ni G. Kanor ang pagtuturo ng pagtugtog ng gitara sa mga bata.
Makaraan ang ilang araw, huminto na sa pag-aaral si Lito. Sumunod sina Mika at John
Hanggang tuluyan nang nawala ang atensyon nila sa pag-aaral at pagtugtog na lang ng
Gitara ang pinagtuunan nila ng pansin.
a. Nagalit ang mga magulang ng mga bata
b. Nagtapos ng pag-aaral ang mga bata.
3. Bagong gising si Maine. Nakita niya ang mga manggang hilaw sa mesa. Sinabihan
siya ng kanyang nanay na huwag kakain noon. Pero patago siyang kumuha at kumain.
Mayamaya, narinig ng nanay ang iyak ni Maine.
a. Dumurugo ang nahiwa niyang daliri.
b. Sumakit ang tiyan ni Maine.
4. Maaga pa’y nakapamili na ng mga paninda sa tindahan si Aling Susan. Luto na rin
ang mga ulam na ititinda niya sa tanghali. Sa hapon, mabili ang niluluto niyang miryenda.
Gabing-gabi na kung magsara siya ng kanyang tindahan. Di nagtagal…
a. Lumaki pa ang tindahan ni Aling Susan.
b. nag-iba na ng hanap – buhay si Aling Susan.

5. Dumating si Mario mula sa parke. Inabutan niya ang kanyang bunsong kapatid
na iyak nang iyak. Nasa likod – bahay ang nanay at nagsasampay ng nilabhang damit.
a. Lumabas siya ng bahay at hindi pinansin ang pag-iyak ng kapatid.
b. Inasikaso niya ang kanyang kapatid at gumawa ng paraan upang tumigil na
ito sa pag - iyak.

B. Basahin ang bawat talata at bigyan ito ng angkop na wakas. Isulat ito sa patlang.
1. Pauwi sa lalawigan ang tiya ni Betty. Dadalhin na sana niya ang
kanyang alagang tuta pero hiniling ni Betty na iwan na iyon sa kanya.
Nangako siyang aalagaan iyong mabuti. Makaraan ang ilang linggo, bumalik
ang tiya ni Betty. Anong gulat nito nang makitang payat at matamlay ang
kanyang alaga. Nang muli siyang bumalik sa lalawigan, ________________________
_______________________________________________________________________________.
2. Payat at walang sigla si Sam. Hindi siya isinasali ng ibang bata sa paglalaro
dahil laging talo ang pangkat na sinasamahan niya. Minsan dumadalaw sa kanilang
tahanan ang tiyo niya. Itinuro niya kay Sam ang mga paraan na kung paano siya
lulusog at sisigla. Buong tiyaga niya iyong sinunod. Makalipas ang ilang buwan
________________________________________________________________________________.
3. Tinanghali ng gising si Rudy. Nagmamadali siyang lumakad para hindi maleyt
sa pagpasok. Patawid na siya nang biglang pinahinto ng pulis – trapiko ang mga
tao. Hindi niya pinansin ang babala ng pulis - trapiko. Patakbo siyang tumawid
habang halos dumikit na sa kanya ang mga sasakyan. Narinig niya ang silbato ng
pulis. Nang siya’y lumingon, ____________________________________________________
_______________________________________________________________________________.
4. Nagtatrabaho si Baste sa isang kompanya sa Maynila. Sa kabila ng pagiging
bulag, puring – puri siya ng mga kasamahan sa husay at sipag niya sa trabaho. Nang
magtapos ang taon_____________________________________________________________
________________________________________________________________________________
5. Gabi ng bagong Taon. Hindi alam ng mommy ni Bugoy na lumipat siya sa
kabilang bahay. Nakisali siya sa pagpapaputok. Masayang masaya si Bugoy
habang sinisindihan ang isang super lolo. Nagtaka ang kanyang mommy nang
marinig ang iyak ni Bugoy mula sa kanilang geyt_________________________________
________________________________________________________________________________.

IV. Kahunan ang pangunahing kaisipan ng mga sumusunod na talata.

1. Mahalaga ang pag – eehersisyo sa tao. Malusog ang katawan ng taong

Nag-eehersisyo. Siya ay hindi madaling mapagod sa paggawa ng mga gawaing

Gaya ng mabilis na paglakad at pagtakbo.

2. Hindi nalilimutan ni Rosa ang mahalagang okasyon sa buhay ng kanyang mga

magulang at mga kapatid. Tinitiyak niyang makapagbibigay siya ng kard o

munting regalo tuwing bertdey ng mga ito.

3. Isang matipid na bata si Belinda. Bumibili lamang siya ng bagay na talagang

Kailangan niya. Hindi niya inuubos ang baon niyang pera sa pagpasok. Tinitipid

niya ang kanyang papel, lapis, krayola at iba pang gamit sa paaralan.

4. Maganda ang halamanan ni Tiya Beth. Sa bungad, may gumagapang na

mga jasmin na puting – puti ang mga bulaklak. Katabi nito ang mga yellow bell

na ang kulay ay makatawag pansin. Ang mga orkid na may sari – saring kulay ay

maayos na nakahanay sa buong halamanan.

5. Isang tanyag na mang – aawit si Lea. Umaawit siya sa iba’t ibang programa

sa telebisyon. Sunud – sunod ang kanyang iskedyul sa mga kilalang hotel.

Mayroon siyang concert sa ibang bansa.


V. Pagmasdan ang larawan at basahin ang isang halimbawa ng tekstong pang-impormasyon. Pagkatapos
basahin, sagutan ang mga tanong tungkol dito.

Ang Boracay ang isang maliit na isla sa Pilipinas kung saan maraming tao
na naeengganyong makita ang kagandahan nito. Matatagpuan ito sa "Northwest tip
of Panay Island sa Western Visayas region ng Pilipinas. Ang Boracay Island ay
nakatanggap na ng mga parangal mula sa mga ahensiya ng pamahalaan. Ang isla ay
pinamamahalaan ng Philippine Tourism Authority at ang panlalawigang pamahalaan ng
Aklan. Bukod sa kanyang white sand beach, ang Boracay ay sikat sa pagiging isa sa
mga nangungunang mga destinasyon ng mundo para sa relaxation din. Noong 2012, ang
Boracay ay itinanghal na pinakamagandang isla sa mundo mula sa International travel
magazine.

1. Ano ang inilalarawan sa teksto?


__________________________________________________________________________
2. Sino ang namamahala sa Isla ng Aklan?
__________________________________________________________________________
3. Ano ang masasabi mo sa buhangin sa isla?
__________________________________________________________________________
4. Paano naging sikat ang Boracay sa mga tao?
__________________________________________________________________________
5. Ano ang naganap noong 2012?
__________________________________________________________________________
VI. Basahing mabuti ang kuwento sa ibaba at sagutan ang mga tanong sa story grammar organizer.

Ang Gutom na Lobo


Isang araw sa gubat, may isang lobong gutom na gutom. Nakakita siya ng pangkat
ng mga tupa. Subalit may problema siya. May nagbabantay na pastol at maraming aso ang
nakapaligid sa mga tupa. Subalit kumakalam na ang kaniyang sikmura. Kailangan na niyang
kumain dahil nanghihina na siya. Nag-isip siya ng paraan. Kung paano makalalapit sa mga
tupa. Tumingin siya sa paligid. Nabuhayan siya ng loob nang makakita ng pinagbalatan ng
tupa. Dali-dali niya iyong kinuha at isinuot. Nagkunwari siyang isang inahing tupa. Lumapit
siya sa isang batang tupa at niyaya itong sumama sa kaniya. Naglakad ang lobong nag-anyong
tupa at ang batang tupa sa malayo-layo. Nang matiyak na walang nakakikita sa kanila, hinubad
ng gutom na gutom na lobo ang suot niyang damit ng tupa. At walang awa niyang kinain ang
batang tupa.

Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


__________________________________________________________________________
1. Sino ang iba pang pangunahing tauhan sa kuwento?
__________________________________________________________________________

2. Saan naganap ang kuwento?

3. Ano ang suliranin ng pangunahing tauhan?


__________________________________________________________________________

Ano-ano ang mga nangyari sa kuwento?


4.__________________________________________________________________________
5.__________________________________________________________________________
6.__________________________________________________________________________
7.__________________________________________________________________________
8.__________________________________________________________________________

9-10 Ano ang naging wakas ng kuwento?


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

4. Ano-ano ang mga nangyari sa kuwento


__________________________________________________________________________

You might also like