Kuwentong Bayan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Isang araw, may dalawang magkaibigang sina Matsing at Pagong.

Alam ni Pagong
na tuso at mapagbiro ang kanyang kaibigang si Matsing. Subalit, si Pagong naman ay
mabait at matulungin. Isang araw, may nakita silang puno ng saging at naisipan
nilang hatiin ang bunga nito. Kaya naman, pinutol nila sa dalawa ang puno. Kinuha ni
matsing ang itaas na parte ng puno kasama ang sobrang daming bunga ng saging.
Pero, si Pagong naman ay naiwan ng ugat. Hindi rumeklamo si pagong dahil likas
siyang mapagpasensya. Inuwi niya ang kanyang puno, tinanim, at di naglaon ay
nabuhay ang kanyang puno at namunga rin ng saging.
Ngunit, si matsing naman ay muling nagutom at wala nang makain. Pero, hindi
rin makukuha ni pagong ang bunga dahil masyadon mataas. Sinabihan naman ni
matsing si pagong na tutulungan raw siyang kunin ang saging. Ngunit, nung nasa
itaas na ito, hindi niya binigyan ang kanyang kaibigan at nang asar pa. Gustong
turuan ni Pagong si Matsing ng leksyon at nilagyan nito ng mga tusok ang ilalim ng
puno. Pagkababa ng Matsing, na tinik ito at nagalit kay Pagong. Kinuha ni Matsing si
Pagong at pinagalitan. Pagkatapos, tinanong niya ito kung saan niya gustong itapon,
sa lusong o sa ilog. Sinabihan siya ni Pagong na gusto niyang bayuhin sa Lusong.
Dahil sa galit, akala ni Matsing gusto talaga ni Pagong sa lusong kaya naman na
pagisipan niyang i bato na lang ito sa ilog. Subalit, matapos siyang ibato ni Matsing,
nag pasalamat si Pagong dahil pangalawang bahay niya ang ilog. Ang aral na
makukuha sa kwentong si Matsing at Bagong ay simple lamang. Dapat, hindi mo
minamaliit ang iyong kapwa. Bukod rito, dapat ring gumawa ka ng tama dahil balang
araw, babalik rin ito sa iyo. Karagdagan, kailangan mo ring mag-isip ng maagi para
hindi ka maisahan ng mga taong gusto gumawa ng masama sa inyo. Panghuli, ay
dapat mag isip ka rin para sa pangmatagalan, hindi lamang para sa ngayon.
ALAMAT NG PINYA

May isang balo na si Aling Rosa na mayroong sampung taong anak na si Pinang,
Mahal na mahal ni Rosa si Pinang na nais niyang lumaking masanay sa gawaing bahay
kaya nito tinuruan. Ngunit ayaw ni Pinang at lagi niyang ikinakatwiran na alam na
niyang gawin ang itinuro ng kanyang ina kaya siya pinabayaan. Nagkasakit isang araw
si Aling Rosa. Napilitan si Pinang na gagawa ng gawaing-bahay. Inutusan siyang
magluto ng lugaw. Inutusan siya ng ina niya na magluto siya ng lugaw. Kumuha si
Pinang ng ilang dakot na bigas, inilagay sa palayok at hinaluan ng tubig at saka
pinabayaan para maglaro. Dahil doon, dumikit sa palayok ngunit pinapasensyahan
sya ni Rosa dahil kahit papaano ay pinagsilbihan siya.
Isang araw, nang maghanda ng pagluluto ay nagtanong si Pinang sa kanyang ina
kung nasaan ang sandok. Sa katatanong ni Pinang ay nasuya si Aling Rosa kaya nasabi
niya na: “Naku, Pinang sana’y magkaroon ka ng maraming mata upang lahat ng
bagay ay makita mo at hindi ka tanong nang tanong!” Umalis si Pinang upang
hanapin ito. Kinagabihan, nag-alala si Rosa na hindi pa bumalik si Pinang. Isang araw,
habang nagwawalis si Pinang may nakita siyang isan halaman na hindi pa niya nakita.
Binunot niya ito at itinanim sa halamanan. Nang lumaki ito, nagulat si Aling Rosa na
ito ay hugis ulo na napalibutan ng maraming mata. Nalala ni Aling Rosa ang huling
sinabi niya sa nawawalang anak at noon pa ay napagtanto na tumalab kay Pinang ang
kanyang sinabi. Tinawa nya itong Pinang at sa huli tinawag itong Pinya.
Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian.


Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at
mabunga ang Niyog.  Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na
Kawayan. Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.
Tingnan ninyo ako,  wika ni Santol.  Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.
Daig kita, wika ni Mangga.  Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya
maraming ibon sa aking mga sanga.
Higit akong maganda, wika ni Kabalyero.  Bulaklak ko'y marami at pulang-pula.
Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.
Ako ang tingnan ninyo.  Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at
mabunga, wika ni Niyog.  Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan.  Payat na at wala
pang bulaklak at bunga.  Tingnan ninyo.  Wala siyang kakibu-kibo.  Lalo na siyang
nagmumukhang kaawa-awa.
Nagtawanan ang mga punungkahoy.  Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.
Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy.  Pinalakas niya nang
pinalakas ang kanyang paghiip.  At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga
bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na
punungkahoy.  Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa
hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.
Mensahe: Ang kababaang-. loob, papuri ang dulot
Ang Kalabasa at ang Duhat
(Kuwentong-bayan / Folktale)

Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat.  Gusto niyang


makita kung papano magsilaki ang mga ito. Dahil si Bathala ang nagtanim, kaydali
nilang lumaki.
Si Duhat ay lumaki pataas na ang itinuturo’y kalangitan, at ilang araw pa ay
nakahanda na itong mamunga. Sabik na sabik na akong mamunga, wika ni Duhat.
Si Kalabasa naman ay humaba, ngunit hindi tumaas.  Gumapang lang ito nang
gumapang, hanggang sa ito’y nakatakda nang mamunga.
Ngunit hindi malaman ni Bathala kung anong uri ng bunga ang ipagkakaloob niya
sa dalawang ito.
Matamang nag-isip si Bathala. Ang duhat na nilikha ko’y malaki, nararapat lamang na
malaki rin ang kanyang bunga.  At si Kalabasa naman ay gumagapang lamang, at
walang kakayahang tumayo, nararapat lamang na ang mga bunga nito’y maliliit
lamang.  Wika ni Bathala. Ganyan nga ang nangyari.  Si Duhat ay namunga ng sinlaki
ng banga.  Agad niyang nakita na hindi tama ito, sapagkat nababali ang mga sanga
nito dahil sa bigat ng bunga.  Si Kalabasa nama’y hindi bagay dahil maliit ang bunga.
Di pansinin ang mga bunga nito lalo’t natatakpan sa malalapad na dahon. Muling
nag-isip ng malalim si Bathala.  Tunay na hindi siya nasiyahan.
Napagpasiyahan niyang ipagpalit ang mga bunga ng mga ito.  At napatunayan
niyang tama ang kanyang ginawa, sapagkat ang kalabasa, mahinog man ito’y hindi
malalaglag dahil ang puno ay gumagapang lamang.  Samantalang ang duhat,
malaglag man ay magaan, hindi masisira at ginawa naman niyang kulay berde ang
kalabasa sa dahilang ito’y malayo sa araw.  At kulay itim naman ang duhat.  Pagkat
ito’y malapit sa araw. At sa kanyang ginawa’y nalubos ang kasiyahan ni Bathala.
Sina Adlaw at Bulan
(kuwentong bayan ng Tinggiyan)

Noong unang panahon ay may mag-asawang may mabuting pagpapasunuran at


pagmamahalan. Sila'y sina Adlaw at Bulan. Nagkaanak sila ng maraming bituin.
Napansin ni Adlaw na lubha ng masikip sa kanilang bahay sapagkat patuloy na nag-
aanak si Bulan. Kinausap ni Adlaw si Bulan at sinabi sa asawa na pagpapatayin nila
ang iba nilang mga anak upang lumuwag ang kanilang tirahan.Tinutulan ni BUlan ang
mungkahi ni Adlaw at ito ang naging dahilan ng mainit nilang pagkakagalit. Wala
nang katahimikan sa kanilang bahay sapagkat halos araw-araw ay nag-aaway sila.
Hindi na nakatiis si Bulan at ipinasya niyang makipaghiwalay sa asawa na lalo namang
ikinagalit ni Adlaw. Hindi nagtagal ay pumayag na rin si Adlaw na makipaghiwalay sa
kasunduang isasamang lahat ni Bulan ang mga anak na bituin at hindi na pakikita sa
kanya ang mag-iina.
Kaya mula noon, makikitang nag-iisang sumusikat si Adlaw (Araw) sa araw at sa
gabi naman ay lumilitaw si Bulan (Buwan) kasama ang mga anak na bituin. Kapag ang
dating mag-asawa'y nagkakatagpo ay lalong tumitindi ang poot ni Adlaw kay Bulan
kaya hinahabol niya ito na nagiging dahilan ng eclipse.

You might also like