Pagsulat 2nd Quarter213

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Division of City School of Parañaque

Parañaque National High School - Main


Senior High School
ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND
Kaytalise St. Dr. Arcadio Santos. Ave. Brgy. San Dionisio, Parañaque City

Pagpapahalaga
sa
Wikang Filipino

Name of Student: Ricardo P. Balon III

Teacher: Bnb. Clarissa Castillo

Grade & Section: XII - COOK

Academic Strand: ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND


Division of City School of Parañaque
Parañaque National High School - Main
Senior High School
ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND
Kaytalise St. Dr. Arcadio Santos. Ave. Brgy. San Dionisio, Parañaque City

Pagpapahalaga
sa
Wikang Filipino
Division of City School of Parañaque
Parañaque National High School - Main
Senior High School
ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND
Kaytalise St. Dr. Arcadio Santos. Ave. Brgy. San Dionisio, Parañaque City

ANG MGA AWTPUT


SA
PAGSULAT SA FILIPINO
SA PILING LARANG
Division of City School of Parañaque
Parañaque National High School - Main
Senior High School
ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND
Kaytalise St. Dr. Arcadio Santos. Ave. Brgy. San Dionisio, Parañaque City

Bionote

Si Ricardo P. Balon III o mas kilala bilang “Ric” ay ipinanganak sa bahay ng


kanyang ina at ama na si Joselin P. Balon at Ricardo B. Balon Jr. sa lokasyon ng
Sampaloc Site II BF Homes Parañaque City noong Agosto bente sais taong 2004.
Nagsimula mag aral bilang nursery noong siya ay apat na taong gulang pa
lamang. Pinarangalang Top 1 Student noong siya ay nasa Grade 6 sa Sampaloc
Site II Elementary School. Siya ay nag-aral ng kompyuter noong siya ay edad
walong taong gulang pa lamang, natutunan niyang mag laro, mag edit,
mangalikut ng kompyuter, atbp. Dahil sa angking talentong ipinamalas niya
nagawa niyang makatulong sa kanyang pamilya pag dating sa pagnenegosyo ng
mga kompyuter. Siya ay kasalukuyang nag-aaral ngayong taong 2022 bilang
isang ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT student sa Parañaque
National High School - Main Senior High School. Siya ay nagpupursigi upang
maging mas mabuti, disiplinado at responsableng mamamayan at estudyante.
Division of City School of Parañaque
Parañaque National High School - Main
Senior High School
ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND
Kaytalise St. Dr. Arcadio Santos. Ave. Brgy. San Dionisio, Parañaque City

Anong bahagi ng aralin sa unang markahan ang naging madali?


Talumpati

Bakit?
Ang talumpati ay madaling paraan upang ang mga ideya at paniniwala ko ay
maibabahagi ko sa iba. Isa rin itong mahalaga sa ating buhay dahil ito ay isang
instrumento na kung saan nailalahad natin sa isang tao ang ating paniniwala sa
isang isyu.

Dahil dito, mapapalawak ang kaalaman ng mga manonood tungkol sa


paksang tinatalakay. Ito rin ay nagbibigay ng karagdagang suporta para maibahagi
ang kaalaman o ang dapat gawin para sa pagbabagong kailangan natin lahat.

Kailangan nating tandaan na maraming pang aspeto ang isang paksa na baka
hindi natin lubos na naiintindihan. Sa pamamagitan ng talumpati, tayo ay
mabibigyan ng oportunidad na makakuha ng dagdag na impormasyon na
makakatulong sa pagbuo ng ating sariling mga ideya at opinyon.
Division of City School of Parañaque
Parañaque National High School - Main
Senior High School
ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND
Kaytalise St. Dr. Arcadio Santos. Ave. Brgy. San Dionisio, Parañaque City

Anong bahagi ng aralin sa unang markahan ang naging mahirap?


Pagkalap ng isyu

Bakit?
Dumarami na ang nagkakalat ng maling Balita tungkol sa kasalukuyang isyu
ngayon dahil sa sobrang dami ay mahirap ng makahanap ng kredibilidad ng
pinagmulan ng impormasyon dahil dito dapat nating alamin muna kung saan
nanggaling ang impormasyon at suriin ang paraan ng pagbabalita. Alamin din natin
kung ito ba ay ating mapagkakatiwalaan.

Sa panahon ngayon na maraming gumagamit ng social media, mas dapat pa


tayong maging kritikal sa ating mga nababasa. Hindi lahat ng nakikita o
nagba-viral online ay totoo dahil maraming nagkalat na fake news o isyu tagalog.
Bago natin ibahagi ang nabasa natin, siguraduhin natin na tama ang impormasyon.

Kung nakadududa ito, dapat ay mag-research at magbasa tayo ng ibang


artikulong kahalintulad ng paksang nakita natin lalo na kung ito’y tungkol sa
kalusugan gaya ng mga kumakalat na home remedy tips at health benefits ng
naturang pagkain. Kapag kumalat ang maling impormasyon o iba pang halimbawa
ng fake news sa social media tagalog, baka mapahamak ang taong makababasa nito
lalo na kapag ginawa niya ang mga nabasa niya.

Isang magandang aksiyon para maiwasan ang pagkalat ng maling


impormasyon ay ang pagsasagawa ng “think before you click” mentality. Bago
tayo mamahagi ng balita, pag-isipan munang mabuti kung ano ang mga magiging
epekto nito sa nakararami; kung ano ang maganda at masamang dulot nito; kung
mahalaga ba ito na malaman ng marami; at kung makatutulong ba ito sa
sambayanan. Huwag agad-agad mag-share ng mga nababasa online. Maging
responsable sa lahat ng oras dahil kadalasan ay masama ang epekto ng fake news.
Division of City School of Parañaque
Parañaque National High School - Main
Senior High School
ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND
Kaytalise St. Dr. Arcadio Santos. Ave. Brgy. San Dionisio, Parañaque City

Mahal Kong Guro, Gng. Emily Caleja Contreras

Isang magandang araw po sa inyo. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyo para sa lahat ng
mga bagay at kaalaman sa eskwela at sa buhay na naituro mo sa akin. Hindi ko mararating kung nasaan
man ako ngayon kung hindi ka nag tiyaga para ako ay matuto at maging mabuting tao. Kung ano ako
ngayon ay utang ko ito sa inyo na aking naging guro.

Ikaw ang guro na hindi madaling magalit ilang beses man akong nagkamali. Ni minsan ay hindi
ka rin nagalit ng makailang beses akong lumiban sa klase at sa mga oras na nahuhuli mo akong tulog sa
gitna ng iyong pagtuturo. Palagi ay mayroon kang mga paraan para kami ay mapasaya at ang mga
kwento mo ang ilan sa mga umukit sa aking katauhan upang maging mabuting mamamayan.

Salamat dahil sa eskwelahan ay ikaw ang tumatayo na ina para sa aming lahat. Kailanman ay
hindi ka nawalan ng pagmamahal at pagmamalasakit sa akin at sa aming lahat na iyong mga mag-aaral.
Gusto kong malaman mo na taos-puso akong nagpapasalamat sa lahat ng gabi na nagpuyat ka
kakahanda ng mga leksyon at kakaisip kung paano namin maiintindihan ang mga bagay-bagay sa buhay,
sa paligid, at sa lipunan.

Nawa’y sa simpleng sulat ko na ito, maramdaman mo ang aking pagmamahal at pasasalamat


para sa iyo na aking naging guro.

Lubos na gumagalang,

Ricardo P. Balom III

Ang iyong mag-aaral


Division of City School of Parañaque
Parañaque National High School - Main
Senior High School
ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND
Kaytalise St. Dr. Arcadio Santos. Ave. Brgy. San Dionisio, Parañaque City

Epilogo
Ni Ricardo P. Balon III

Sa kabuuan ng paggawa ng portfolio natutunan ko bilang manunulat ang


iba't-ibang bagay tulad ng pagpapahalaga sa wika, mahalagang may kaalaman sa
tamang paggamit ng wikang filipino at hindi lamang sa wikang ingles bihasa,
natutuhan din ng manunulat na kahit gaano man kahirap ang isang bagay
huwang itong sukuan dahil may magandang kapalit ang bawat paghihirap na
ginagawa natin, napag isip-isip ko rin bilang manunulat na ang ginawang
portfolio ay hindi lang para sa sa atin kundi para din sa iba. Ang portfolio ay
nagbibigay ng motibasyon at inspirasyon sa mambabasa at makakakita nito ay
makakapagbigay din ng tulong sa iba.

Kung titingnan ang pagsasagawa ng nilalaman ng portfolio ay


napakahirap gawin, ang iba't ibang akademikong sulatin ay may kanya kanyang
hirap ngunit pag natapos ito ay labis na kasiyahan ang ating mararamdaman
dahil sa pakiramdam na kaya ko, kaya ko at natapos natin kahit mahirap.

Ang portfolio na ito ay naglalakip ng iba’t-ibang uri ng mga akademikong


sulatin, na makakapag-bigay gabay at makakatulong sa iba’t-ibang larangan.
Ang akademikong pagsulat o sulatin ay isang intelektwal na pagsusulat. Ito ay
madalas na ginagamit sa komunikasyon na ang tawag ay liham, pananaliksik at
iba pa. Ito ay isang makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura,
karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat. Ito rin ay ginagamit upang
magpabatid ng mga impormasyon at saloobin sa ating ginagawang sulatin.
Division of City School of Parañaque
Parañaque National High School - Main
Senior High School
ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND
Kaytalise St. Dr. Arcadio Santos. Ave. Brgy. San Dionisio, Parañaque City

Prologo
Ni Ricardo P. Balon III

Ang portfolio na ito ay naglalakip ng iba’t-ibang uri ng mga akademikong


sulatin, na makakapag-bigay gabay at makakatulong sa iba’t-ibang larangan.
Ayon kay Ricardo P. Balon III (2023), ang akademikong pagsulat o sulatin ay isang
intelektwal na pagsusulat. Ito ay madalas na ginagamit sa komunikasyon na ang
tawag ay liham, pananaliksik at iba pa. Ito ay isang makabuluhang pagsasalaysay
na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat.
Ito rin ay ginagamit upang magpabatid ng mga impormasyon at saloobin sa
kanyang ginawang sulatin.

Koleksyon ng mga sulatin ay ang portpolyo na naglalaman ng mga


akademikong sulatin sa piling larangan. Ang mga akademikong sulatin na mga
ito ay ang mga sumusunod:

● Photo essay na naglalaman ng koleksyon ng mga larawang maingat na


inayos upang maglahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari,
magpaliwanag ng partikular na konsepto, o magpahayag ng damdamin.
● Lakbay sanaysay na nagbibigay ng paglalarawan sa mga karanasan, gabay,
o damdamin sa paglalakbay.
● Panukalang proyekto na aplikasyon tungkol sa pag apruba para sa isang
proyekto.

You might also like