Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“ Aborsyon”

Sa kasalukuyan, kinakaharap ng ating bansa ang lumalaking bilang ng populasyon at mga


maagang nabubuntis na isa sa nagiging dahilan ng kahirapan at pagtaas ng kaso ng aborsyon.
May ibang nagpapalaglag dahil sa takot sa pamilya na nabuntis na dala marahil ng kapusukan,
pagiging agresibo at pagrerebelde kaya’t humantong ang mga batang ina sa kanilang sitwasyon. O di
kaya’y kahihiyan, isang malaking kahihiyan hindi lamang sa ina kundi sa kanyang buong pamilya ang
magdalang-tao ng wala pa sa wastong gulangat sa ibang pagkakataon nama’y dulot ng masamang
pangyayari o pang-aabuso ang dahilan ng pagbubuntis ng batang ina kaya napipilitang
magpalaglag.Ngunit ang pagpapalaglag ay hindi solusyon sa mga problema at ito ay labag sa kautusan
ng Diyos. Angbuhay na inihandog sa atin ay maituturing na isang regalo na karapat-dapat nating
itanaw na utang na loob at ipagpasalamat sa Maykapal. Dapat din natin ingatan sapagkat ang Ama
na siyang lumikha lamang ang may karapatan na bawiin ito.

Ano nga ba ang aborsyon? Ang Aborsyon ay ang sinadyang pagtatanggal


ngembryoofetussa loob ng matres, na nagsasanhi ngkamatayannito. Pwede itong mangyari ng
biglaan tulad ng kapag ang babae aynakunan, o ngartipisyalsa pamamagitan
ngkemikal,pagtistisat iba pa(Wikipedia). Sa paraang ito parang pinagkakaitan ang isang walang
kamuwamuwang na sanggol na maransan ang mabuhay at makita ang mundo.Nakakasasama
rin ito hindi lamang sa baby na magiging biktima ng aborsyon, pati narin sa nanay. Mabigat ang
psychological stress na dadalhin ng isang babaeng nagpa-abort lalo na kung nasa bandang dulo na ng
pagbubuntis, at maaaring magkaroon ng impeksyon na magiging dahilan nang kamatayan ng isang
babae. Isa pa, hindi man partikular na tinukoy sa Bibliya ang isyu ng aborsyon. Gayun pa man,
napakaraming mga talata sa Bibliya ang malinaw na nagpapakita kung ano ang pananaw ng Diyos
tungkol sa aborsyon. Sinasabi sa atin ng Jeremias 1:5 na kilala na tayo ng Diyos sa simula pa at Siya ang
humuhugis sa atin sa tiyan ng ating ina. Ipinahayagi naman ng Mga Awit 139:13-16 ang aktibong
pagkilos ng Diyos sa paglikha at paghugis sa kaanyuan ng bata sa tiyan ng kanyang ina. Sa Exodo
21:22-25 naman ay ipinahayag anghatol na kamatayan sa sinumang magiging dahilan ng kamatayan
ng sanggol na nasa tiyan pa lamang ng kanyang ina. Ito ay malinaw na nagtuturo na itinuturing ng
Diyos ang sanggol sa tiyan ng ina na gaya sa isang matanda na mayroon ng sapat na pag-iisip. Parasa
mga Kristiyano, ang pagpapalaglag ay hindi maituturing ng karapatan ng ina upang mamili. Ito ay
patungkol sa buhay o kamatayan ng isang tao na ginawa ayon sa wangis ng Diyos (Genesis 1:26-27;9:6).

Ang buhay ay ang pinaka magandang bagay na naibibigay ng Diyos sa kanyang mga nilikha. Kaya
wala tayong karapatan tanggihan ang oportunidad ng batang mamuhay.Ang aborsyon o paglalaglag ay
hindi tama sa mata ng Diyos

You might also like