ARPAN

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

Unemployment and Underemployment

May mataas na demand para sa globally standard na paggawa. at


pagtugon na isinasagawa ng ating pamahalaan tungkol sa hamon ng
globalisasyon sa paggawa. Sa kasaluyang datos ayon sa ulat ng
Philippine Statistics Authority (PSA, 2016), ipinakikita ang lumalaking
puwersa sa paggawa na umabot na sa 63.4 milyon, (tunghayan ang
Talahanayan 2.5) umaabot sa 2.7 milyon ang walang trabaho,
samantalang nasa 7.4 milyon ang underemployed.
Unemployment and Underemployment
Isang milyong Overseas Filipino Workers (OFW) ang lumalabas ng bansa taon-
taon. Ayon sa pagtataya umaabot na sa 8 milyon ang kabuuang OFW. Dahil sa
kawalan ng oportunidad at marangal na trabaho, naging patakaran na ng
gobyerno ang pagluluwas ng paggawa (labor) simula dekada 70. Mabilis na
lumalaki ang bilang ng Pilipinong nangingibang bayan para magtrabaho. Sa
katunayan, ang OFW na ngayon ang tinagurian na bagong bayani dahil sa
kitang ipinapasok nito sa bansa na dahilan kung bakit hindi sumasadsad ang
ekonomiya kahit pa dumaan ito sa matitinding krisis pampolitika't pang-
ekonomiya.
Unemployment and Underemployment
Ito rin ang isa sa mahahalagang indicator ng papalaking pag-asa ng
bansa sa panlabas na salik sa halip na sa panloob na mga kondisyon ng
patuloy na paggulong ng ekonomiya.
Ang trabahong nalilikha lamang sa loob ng bansa taon-taon ay nasa
687,000 ayon sa Philippine Labor Employment Plan (PLEP 2016). Hindi
makasasapat kahit ikumpara sa mga bagong pasok na puwersa sa
paggawa na umaabot mula sa 1.3 milyon hanggang 1.5 milyon.
Unemployment and Underemployment
Isa pa sa isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa na kaugnay sa
paglaki ng unemployment at underemployment ay ang paglaki ng
bilang ng mga job-mismatch dahil sa hindi nakakasabay ang mga
college graduate sa demand na kasanayan at kakayahan na entry
requirement ng mga kompanya sa bansa. Ipinapahiwatig nito na
maraming kurso sa mga Higher Education Institutions (HEIS) at mga
kolehiyo sa bansa ang hindi na tumutugon sa pangangailangan ng
mga pribadong kompanya na nagtatakda ng mga pamantayan sa
pagpili ng mga manggagawa.
Unemployment and Underemployment
Ayon sa ulat ng isang grupo ng mga manggagawa, tinataya na aabot sa
1.2 milyon na college at vocation graduates ng nagdaang taon (2016)
ang mahihirapan sa pagkuha ng mga trabaho dahil sa patuloy na
mismatch sa kanilang kasanayan at kakayahan mula sa kanilang
tinapos na kurso sa kakailanganing kasanayan at kakayahan na
hinihingi ng mga employer sa bansa at sa labas ng bansa (TUCP, 2016).
Unemployment and Underemployment
Ang patuloy na paglaki ng bilang ng job-skills mismatch sa bansa ay
maituturing ng krisis batay na rin sa ulat ng DOLE (2016), ipinapakita sa
kanilang records na mula sa 4.23 milyong bakanteng trabaho sa loob
at labas ng bansa na binuksan sa mga job fair ng DOLE para sa mga
manggagawang Pilipino ng taong 2014 at 2015, umabot lamang sa
391,000 na mga aplikante ang natanggap agad sa iba't ibang posisyon
mula sa 1.29 milyon na aplikante.
Unemployment and Underemployment
Dagdag pa sa ulat ng DOLE (2016), ayon sa kanilang Labor Market
Information para sa taong 2013 hanggang 2020 tinataya na aabot sa
275 na iba't ibang trabaho ang kinilala ng kanilang kagawaran na hard
to fill o mga trabaho na mahirap punan mula sa mga major at
emerging industries. Halimbawa ng mga nito ay ang 2-D digital
animator, agricultural designer, clean-up artist, cosmetic dentist,
cosmetic surgeon, cuisine chef, multi-lingual tour guide, at
mechatronics engineer.
Talahanayan 2.4

Percent Distribution of Employed Persons by Class of


Worker
Class of Worker April 2016
Philippines 40,664
(number in thousands)
TOTAL 100.00
Wage and Salary Workers 61.6
Worked for Private Household 5.0
Worked for Private Establishment 48.4
Worked with Pay in Own Family operated Farm or Busines (OFOFB 0.4
Worked for Government & Government Corporation 7.9
Self-employed without Any Paid Employee 26.8
Employer in Own Family-operated Farm or Business 3.3
Without Pay in Own Family-operated Farm or Business(Unpaid Family 8.3
Workers)
Halaw mula sa Philippine Statistics Authority,Labor Force Survey,(PSA, 2016)
Unemployment and Underemployment
Isang malaking bahagi ng nasa kategorya ng Self employed without
any paid employee ang tumutukoy sa trabahong para-paraan o sa
sinasabing vulnerable employment ng Labor Force Survey (2016) na
makikita sa Talahanayan 2.3. Ayon sa ulat ng DOLE, NEDA, at iba pang
sangay ng pamahalaan na may kaugnayan sa paggawa sa bansa na
bumuo ng Philippine Labor and Employment Plan (PLEP, 2016), ang
pinakamalaki bahaghan ng mga manggagawa na sinasabing
vulnerable ay nasa sektor ng agrikultura. Samantala, ang isang
malaking bahagi pa
Unemployment and Underemployment
nito ay ang mga mala-manggagawa sa kalunsuran na ang
hanapbuhay ay para-paraan gaya ng paglalako o ambulant vendor
at sidewalk vendor na sangkot sa pagbebenta ng iba't ibang
kalakal tulad ng kendi, sigarilyo, bote-dyaryo, bakal at kung ano
ano pa. Pagtitinda ng mga street food gaya ng fishball, kwek kwek,
banana cue, barbecue, prutas at iba pa.
Batay sa klasipikasyon ng gobyerno, ang 22 milyon na hindi bahagi
ng Labor Force Participation Rate o LFPR ay ang mga taong may
edad 15
Unemployment and Underemployment
pataas na may kakayahan nang magtrabaho ngunit hindi pa aktuwal
na lumalahok sa produksiyon o naghahanap ng trabaho. Ang
pinakamalaking bilang nito ay ang mga estudyante, mga full time
mother at mga taong umano'y tumigil na o nawalan na ng sigla sa
paghahanap ng trabaho (discouraged workers).
Hindi rin maikukubli ang katotohanang maraming estudyante lalo na
yaong nasa kolehiyo ay aktuwal nang nagtatrabaho (PLEP, 2011- 2016).
May kalakihang bilang sa hanay nila ang working student para
tustusan
Unemployment and Underemployment
at patapusin ang sarili sa pag-aaral. Samantala, ang halos lahat ay
dumadaan sa anim na buwan hanggang isang taong OJT o Internship
bilang bahagi ng kurikulum ng mga paaralan.
Samantala, ang mga full-time mother naman ang gumaganap sa halos
lahat ng mga gawaing-bahay tulad ng paglalaba, pamamalantsa,
pagluluto at paglilinis ng bahay. Nag-aalaga rin siya ng kaniyang mga
anak at nag-aasikaso sa mga pangangailangan ng asawa. Maliban dito,
siya ang kalimitang nagtuturo sa mga anak na nag-aaral, gayundin ang
Unemployment and Underemployment
nagbabadyet sa mga gastusin sa bahay at gumawa ng paraan upang
pagkasyahin ang badyet para sa pamilya.
Ang kanilang kalagayan ay halos walang ipinagkaiba sa mga tinatawag
na unpaid family labor na inihanay ng pamahalaan sa mga may trabaho
ayon sa klasipikasyon ng LFPR. Sapagkat malaking bahagi ng
populasyon ang 22 milyon ang hindi isinama ng LFPR sa mga walang
trabaho, ang datos sa unemployment rate ay hindi magiging eksakto o
accurate
Unemployment and Underemployment
Ang itinuturing na may produktibong trabaho ay iyong humigit-
kumulang 5 milyon mula sa 11 milyon na naeempleyo sa sektor ng
agrikultura. Mahigit sa 2 milyon naman na plant machine & equipment
operators at assemblers ang mula sa mahigit na 5 milyon sa sektor ng
industriya. Kung isasama ang mga manggagawang maikakategorya sa
essential services, hindi ito lalaki nang higit pa sa bilang ng mga
manggagawang bahagi ng tuwirang paglikha o produktibong trabaho.
Unemployment and Underemployment
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, ang unemployment rate
at underemployment sa bansa (Talahanayan 2.5) ay bumaba sa 4.7%, ang
pinakamababa sa loob ng tatlong taon.
Talahanayan 2.5

Percent Distribution of Population 15 Years Old and Over by


Employment Status and by Region: 2016
Total Total
Total Person in Total Employed
Region Unemployed Underemployed
the Labor Force Persons
Persons Persons

Philippines 68,125 63,400 2,625 7,431


Number (in
thousands)
TOTAL 100.0 100.0 100.0 100.0
NCR – NATIONAL 12.9 12.8 15.5 6.0
CAPITAL REGION

CAR- CORDILLERA 1.8 1.9 1.2 2.4


ADMINISTRATIVE REGION

I – Ilocos Norte 4.9 4.8 6.0 4.9


II - CAGAYAN VALLEY 3.4 3.5 1.7 2.0
III – Central Luzon 10.7 10.6 12.4 9.1
Total Total
Total Person in Total Employed
Region Unemployed Underemployed
the Labor Force Persons
Persons Persons

IV A - CALABARZON 14.2 14.0 17.7 12.0

IV B - MIMAROPA 3.0 3.1 2.0 3.0

V – BICOL REGION 5.8 5.9 4.8 10.5

VI – WESTERN VISAYAS 7.6 7.6 8.2 8.5

VII – CENTRAL VISAYAS 8.0 8.1 5.9 6.0

VIII – EASTERN 4.4 4.4 4.3 7.2


VISAYAS

IX – ZAMBOANGA 3.7 3.7 2.5 3.7


PENINSULA
Total Total
Total Person in Total Employed
Region Unemployed Underemployed
the Labor Force Persons
Persons Persons
X – NORTHERN 4.9 5.0 4.6 7.6
MINDANAO

XI – DAVAO REGION 4.8 4.8 4.2 4.4


XII - SOCCSKSARGREN 4.4 4.4 4.4 5.4
CARAGA 2.7 2.7 2.5 4.7
ARMM – 2.6 2.7 2.0 2.6
AUTONOMOUS REGION IN
MUSLIM MINDANAO

Halaw mula sa Philippine Statistics Authority,Labor Force Survey,(PSA, 2016)


Unemployment and Underemployment
Ang sektor ng industriya ay nag-eempleyo lamang ng 5.9 milyon (16.8%)
at ang sektor ng agrikultura naman ay 12.5 milyon (33%). Kaya ang
pinakamalaking bilang na naeempleyo sa sektor ng serbisyo na 19.4
milyon o 51.4% ng Labor Force Participation Rate (LFPR) na may 40.2
milyon.
Pinapahiwatig ng ulat ng Labor Force Survey ng PSA (2016),
ang underemployment sa bansa ay laganap sa mahihirap na rehiyon o
sa mga rehiyon na ang pangunahing hanapbuhay ay agrikultural.
Unemployment and Underemployment
Tinataya na maraming nagtatrabaho na underemployed. Sila ang
manggagawa na nangangailangan pa ng karagdagang oras sa
pagtatrabaho o dagdag pang hanapbuhay o bagong hanapbuhay na may
mahabang oras na pagtatrabaho.
Sa kasalukuyan, binago ang katawagan sa mga ganitong uri
ng manggagawa upang maging katanggap-tangap sila gayundin sa
mamamayan, tinatawag ito ngayong homebase enterpreneurship, small
business, project contract, business outsourcing, business networking
Unemployment and Underemployment
sa mga ahente ng seguro, real estate, pagtitingi ng mga sapatos na de
signature, damit, food supplements, organic products, load sa cell
phone, at iba't iba pang produktong surplus (imported) mula sa mga
kapitalistang bansa. Pinalakas at inorganisa rin ang mga chain ng
barbecue stand, fish ball, kikiam, ice cream at iba pa.
Ang tugon ng Pilipinas sa hamon ng globalisasyon sa
paggawa ay ang patuloy na pagbubukas ng bansa sa pandaigdigang
pamilihan. Dahil dito, nagbago ang mga kakailanganing kasanayan at
Unemployment and Underemployment
salik sa produksiyon. Iniaangkop ang kasalukuyang kurikulum para sa
demand ng globally standard na paggawa. Bunga naman nito ang
patuloy napagtaas ng antas ng kawalan ng trabaho at walang sapat na
trabaho. Malayang naipatutupad ng mga kapitalista o mamumuhunan
ang iskemang kontraktuwalisasiyon para ibaba ang gastos sa paggawa,
alisin ang anumang proteksiyon at ang-tuwirang responsibilidad nito sa
manggagawa. Laganap ang kalakaran ng mga manggagawang
kontraktuwal o naempleyo sa pamamagitan ng ahensya.
SALAMAT SA PAKIKINIG MGA KAMAG-ARAL KO
HANGGANG SA MULI
PAALAM

You might also like