Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Region III
DIVISION OF PAMPANGA
MACABEBE HIGH SCHOOL
San Roque, Macabebe Pampanga
FILIPINO 9
MAHABANG PAGSUSULIT
UNANG MARKAHAN
PANGAAN: ____________________________ PETSA: _______________
BAITANG AT PANGKAT: __________ ____________ ISKOR:________________

Panuto: Isulat sa patlang bago ang bawat bilang ang titik ng tamang sagot.
____1. Ito ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maikling salaysay tungkol sa isang
mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan at na nag-iiwan ng isang kakintalan sa
isip ng mga mambabasa.
A. Nobela B. Maikling Kuwento C. Alamat D. Talambuhay
____2. Pinakamasidhing bahagi ng kuwento kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang kanyang
suliranin.
A. Panimulang Panyayari B. Papataas na Pangyayari C. Kasukdulan D. Wakas
____3. Elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa mga problemang haharapin na dapat na masusulusyunan ng
mga tauhan na magiging simula ng kawilihan ng mga pangyayari.
A. Suliranin B. Saglit na kasiglahan C. Tauhan D. Tunggalian
____4. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata. Ang
nakasalungguhit na pahayag ay nangangahulugang ____?
A. masakit na karanasan C. mabait
B. matigas ang puso D. bumuhos ang tunay na pagmamahal
____5. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang palad
nito.
A. mabilis manakit o manuntok C. matigas ang puso
B. masakit na karanasan D. mabait o mapagbigay
6-8 Kaugnay sa binasang nobelang “Isang Libo’t Isang Gabi”, pumili at suriin ang bawat pahayag nagpapakita ng
pinakamataas na katotohanan, kagandahan at kabutihan ng nobela.
____6. “Ang serbisyo ng mga awtoridad sa lipunan gaya ng pagtulong ng walang hinihinging kapalit ay isa sa tatak sa
isipan ng tao”.
A. Katotohanan B. Kagandahan C. Kabutihan
____7. “Ang pagkakasala ng babae sa kanyang asawa ay nagpapakita ng kalaspatangan sa sagradong relasyon bilang
mag-
asawa”.
A. Katotohanan B. Kagandahan C. Kabutihan
____8. “Ang lahat ng ganda at hubog ng katawan ng tao ay madaling makapang-akit subalit maaaring mawala sa paglipas
ng panahon”.
A. Katotohanan B. Kagandahan C. Kabutihan
9-13 Mula sa mga pahayag o dayalogong nabasa sa mga akda, tukuyin ang uri ng tunggalian (A. Tao versus Tao, B. Tao
versus sarili).
____9. Dahil sa katagalan nnga di pag-uwi ng lalaki, nakadama ang babae ng kalungkutan at pagkabagot. Umibig siya sa
isang lalaking mas bata sa kanya. - halaw sa “Isang Libo’t Isang Gabi”
A. Tao versus Tao B. Tao versus sarili
____10. Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kaniyang trabaho sa
lagarian,
si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahahabang halinghing at hindi mapatahan ng dalawang pinakamatandang
bata
gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang ano-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha
ng
bata na tumalamsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw.
- halaw sa “Ang Ama”
A. Tao versus Tao B. Tao versus sarili
____11. Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Natagpuan ang sariling bumabalik sa lugar kung saan sila
naggaling. Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na.
- halaw sa “Nang Minsan Naligaw si Adrian
A. Tao versus Tao B. Tao versus sarili
____12. Ang mahigpit na kamay ni Aling Marta ay nagdulot ng matinding sakit sa bata kung kaya’t nang masapo ang
kamay niya sa bata ay agad na sinapo iyon ng bata, kinagat at sa pagkakataong iyon, wari’y nagkaroon siya ng
pagkakataon para makawala. - halaw sa “Ang Kalupi”
A. Tao versus Tao B. Tao versus sarili

One DepEd…One Pampanga


____13. “Diyos ko po, “sagot niya. “Hindi ako pumupunta sa bahay ng isang lalaking estranghero sa akin,” sabi ng
babae.
“Kung ganoon, hindi ko siya pakakawalan maliban kung sasama ka sa akin at payagan mo akong gawin ang
gusto
kong gawin,” sabi ng pulis. - halaw sa “Isang Libo’t Isang Gabi”
A. Tao versus Tao B. Tao versus sarili

14-20. Batay sa mga pangyayari sa mga nabasang akda, Suriin at Piliin kung anong bahagi ng banghay ang ipinapakita ng
mga sumusunod.
A. Panimulang Pangyayari
B. Papataas na Pangyayari
C. Kasukdulan
D. Pababang Pangyayari
C. Wakas
____14. Sa kaniyang paglalakad ay nabunggo siya ng isang batang marungis, na ayon sa itsura ay agad na napulaan ni
Aling Marta. Mahirap, walang pinag-aralan, bastos. - halaw sa “Ang Kalupi”
____15. Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama.Ang takot ay sa alaala ng
isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay
sa pagkain na paminsan- minsa’y inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay
- halaw sa “Ang Ama”
____16. Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandal matapos ang sabay na paglaglag ng
luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Namatay siya habang
tangan ko ang aking bisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahil
pagpasok
ko pa lamang ng pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais
danasin
ng kahit sino. - halaw sa “Anim na Sabado ng Beyblade”
____17. Ngayo’y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay
ang wala sa panahong pagkamatay ng kaniyang dugo at laman. Mula sa kaniyang awaa sa sarili ay bumulwak ang
wagas na pagmamahal sa patay na bata, kaya madalamhati siyang nagtatawag. “Kaawa-awa kong Mui Mui!
Kaawa-awa kong anak!” - halaw sa “Ang Ama”
____18. “Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko
pong mag-isa balang araw kapag kayo’y nawala.” Dahan – dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na
makapaglakad nang maayos. Pinasan niya ang ama at isinakay sa kaniyang kotse.Walang imik na sumama ang
ama. - halaw sa “Nang Minsan Naligaw si Adrian”
____19. Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling Sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal.
Wala na ang beyblade at ang may-ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang
tutungo
sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro nang
maglalaro.
Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pag-aaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.
- halaw sa “Anim na Sabado ng Beyblade”
____20. Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang naiba ang propesyon dahil kapwa abogado
ang
dalawang nakatatanda sa kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap niyang maging
isang doktor. - halaw sa “Nang Minsan Naligaw si Adrian”

21-25 Punan nang tamang pangatnig ang bawat patlang upang mabuo ang mga pahayag.

____21. Dapat nating pangalagaan ang ating kapaligiran _________ mailigtas natin ang ating ekolohiya.
A. upang B. pati C. subalit D. dahil
____22. Marami tayong mga likas na yaman ______________ pilit natin itong sinasadlak sa kasiraan
A. pati B. subalit C. dahil D. kaya
____23. Naghihirap ang inang kalikasan _____________ sa ating sariling kagagawan.
A. samantala B. ngunit C. sapagkat D. dahil
____24. Siya ang nangunguna sa aming klase ____________ako naman ang pinakakulelat.
A. subalit B. samantalang C. pati D. kaya
____25. Gusto niyang maging sikat sa buong klase _________ sa buong campus.
A. ngunit B. pati C. dahil D. samantala

26-30 Punan ng nararapat na pang-angkop ang mga sumusunod. Pumili ng tamang pang-angkop sa loob ng kahon.

A. ng B. na C. g
One DepEd…One Pampanga
____26. pambihira ______ pagkakataon
____27. ginto ______ panahon
____28. likas ______ yaman
____29. mayaman ______ kalikasan
____30. maganda ______ kinabukasan

____31. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng isang nobela?


A. nahahati sa bawat kabanata
B. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa
C. maraming ligaw na tagpo at kaganapan
D. hango sa pinagmulan ng isang bagay
____32. Alin sa mga elemento ang nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela?
A. tagpuan B. banghay C. tauhan D. simbolismo
____33. Anong uri ng nobela ang Isang libo’t isang Gabi?
A. romansa B. kasaysayan C. makabanghay D. tauhan
____34. Ang mga sumusunod ay bahagi ng banghay ng maiking kuwento MALIBAN sa isa.
A. simula B. tauhan C. kasukdulan D. wakas
____35. Ang katapusan ng maikling kuwentong “Ang Kalupi” ay naging ________.
A. malungkot B. masaya C. matagumpay D. kahanga-hanga
____36. Nagbuwis ng buhay si Jose Rizal noong Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan. Ang pangungusap ay nagsasaad ng
____________ na pangyayari.
A. makatotohanan B. walang katotohanan C. ‘di makatotohanan D. medyo makatotohanan
____37. Ito ay isang uri ng kuwentong nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay at ng mga
pangyayaring
mayroong pinagbatayan sa kasaysayan.
A. nobela B. maikling kuwento C. alamat E. tula
____38. Pagkaraan ng ilang araw, magaling na si Aling Rosa at hinanap niya ang kaniyang anak. Sa kaniyang paghahanap
ay napansin niya ang isang halamang may bungang maraming tila mata. Inalagaan niya itong mabuti. Ito ay
hango
mula sa akdang _______________.
A. Alamat ng Pinya B. Alamat ng Mangga C. Alamat ng Makopa D. Alamat ng Bayabas
____39. Ang COVID-19 ay isang uri ng virus na nagmula sa China. Ang sintomas nito ay pananakit ng lalamunan
patungo
sa puso at sa katawan. Karaniwang mga hayop ang tinatamaan ng virus na ito. Ang pangungusap ay nagsasaad ng
_______________ na pangyayari.
A. makatotohanan B. walang katotohanan C. ‘di makatotohanan D. medyo makatotohanan
____40. Matapos mamatay ang binata, kinuha ng diwata ang puso niya at ibinaon sa bundok. Makalipas ang ilang
panahon,
tumubo at namunga ng hugis-puso ang puno. Ito ay hango mula sa akdang _______________.
A. Alamat ng Pinya B. Alamat ng Mangga C. Alamat ng Makopa D. Alamat ng Lanzones
____41. Ang mga sumusunod ay mga elemento ng maikling kuwento MALIBAN sa isa.
A. tauhan B. wakas C. tunggalian D. tagpuan
____42. Ito ay ngangahulugang tela na pinapalupot sa ulo ng lalaki. Putong o Pugong din ang tawag dito.
A. gora B. guwantes C. abaya D. turban
____43. Ito ay ang tawag sa kabilugan ng buwan ng mga taga-Thailand.
A. Panarasi B. Kinnaree C. Qu’ran D. Ginie
____44. Mula sa datos na aking nakalap, talagang laganap na ang krimen sa ating bansa. Ang nakasalungguhit ay
tinatawag
na _______.
A. pangatnig B. pangalan C. pang-angkop D. pang-ukol
____45. “Apir tayo, mga kapatid”, ang masayang sabi ni Lito sa kaniyang mga kapatid. Ang “apir” ay mula sa salitang
_______.
A. ap hear B. up hear C. ap here D. up here
____46. Tagaktak ang pawis ni Mang Ben sa kabubuhat ng balde-baldeng galon ng tubig. Ang salitang tagaktak ay
nagmula
sa salitang _______________.
A. gak gak gak B. tak tak tak C. tak gak gak D. tack tack tack
____47. Si Aling Mameng ay may pitong pamangkin na mababait at masisipag. Ang salitang pamangkin ay mula sa mga
salitang _______________.
A. para namang iyo B. para namang tayo C. para namang akin D. para namang sa iyo
____48. Matigas ang loob ni Ambet sa pagtulong sa kaniyang mga kamag-anak. Ang sugnay na may salungguhit ay

One DepEd…One Pampanga


nagpapakita ng _______________.
A. gawi B. kilos C. karakter D. pananaw
____49. Ang mga Pilipino ay magigiliw sa mga bisitang dumarayo sa ating bansa. Ang salitang may salungguhit ay
nagpapakita ng _______________.
A. gawi B. kilos C. karakter D. pananaw
____50. Madalas ang paghikab ni Lita habang siya ay kumukuha ng pagsusulit. Ang salitang may salungguhit ay
nagpapakita ng _______________.
A. gawi B. kilos C. karakter D. pananaw

One DepEd…One Pampanga

You might also like