Mabilis ang paglago ng teknolohiya na malaki ang naitutulong sa pag-unlad ng
lipunan sa ibat-ibang bansa.
Ang globalisasyon ay isang pandaigdigang sistema na naglalarawan sa pakikipag-
ugnayan at mga pagbabagong nagbubuklod-buklod sa mga tao, kompanya, gobyerno, at bansa sa buong mundo. Tumutukoy ito sa paraang pagdaloy ng impormasyon, produkto, serbisyo at kapital sa pagitan ng pandaigdigang lipunan. Isa sa mga hamon ng epekto ng globalisasyon ay ang mabilis ang paglago ng teknolohiya na malaki ang naitutulong sa pag-unlad ng lipunan sa ibat-ibang bansa. Dahil sa teknolohiya ay napapadali ang kalakalan natin sa ibang bansa.
Sa pagdaan ng panahon ay nagkaroon na tayo ng tinatawag na ‘globalisasyon’, at
patuloy na umaangat at umuunlad ang ating teknolohiya. At sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay masasabing nakasasabay na tayo sa kaunlaran at makabagongteknolohiya ng mauunlad na bansa. Ang paglago ng teknolohiya, partikular ang pagkakaroon ng mga makabagong kasang kapang pantransportasyon (gaya ng eroplano) at pang komunikasyon (gaya ng smart phone at Internet) ay isa sa mga pangunahing salik sa globalisasyon. Ito ay dahil nagkaroon ng pagpapalitan at pag- tutulungan (interdependence) sa mga gawaing kultural, panteknolohiya, at pangekonomiya.
Ang paglago ng teknolohiya ay napakaraming magandang epekto ukol sa
globalisasyon kailangan natin na mas palawigin pa ang paggamit nito lalong lalo na sa ating bansa upang mas mapalago ang kalakalan at mga pandaigdigang transaksyon. Kung magagawa natin ito ay lalong bubuti ang kalagayan ng ating bansa at lalago ang ating ekonomiya. Sa paglago ng ating ekonomiya kasabay din nito ang mas lalo pang maunlad na ating bansa.