Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

IKAWALONG MISA DE AGUINALDO

Lucas 1:57-66
Juan: Mapagpala ang Diyos!
Ang Ebanghelyo ay tungkol sa kapanganakan ni Juan Bautista. Sa ikawalong araw matapos na
siya ay ipanganak ay binigyan siya ng pangalan ng kanyang mga magulang. Ang akala ng
nakararami ay Zacarias din ang ipangangalan sa kanya katulad ng sa kanyang ama. Ngunit
nagkamali sila ng pag-aakala at nagtaka sila sapagkat hindi Zacarias ang ipinangalan kay Juan
kundi Juan na siyang sinabi ng anghel ng Diyos kay Zacarias nang magbalita ito sa kanya tungkol
sa pagdadalang-tao ni Elizabeth.
Ang pangalang Juan ay mula sa wikang Hebreo na “Yohanan” na ang ibig sabihin ay “Mapagpala
ang Diyos”. Ito ay nagpapahayag mismo ng karanasan nina Zacarias at Elizabeth. ‘Di ba nga’t
sila man din ay pinagpala ng Diyos sapagkat binigyan sila ng anak sa gitna ng kanilang katandaan.
Gayundin naman, naging pagpapala si Juan para sa marami nung siya ay lumaki sa pamamagitan
ng paghahanda sa kanila na tanggapin ang pagdating ng tagapagligtas. Pinanindigan at isinabuhay
ni Juan ang kahulugan ng kanyang pangalan. Ipinahayag niya sa salita at sa gawa na ang Diyos ay
tunay na mapagpala.
Bilang mga tagasunod ni Kristo, tinatawag tayo bilang mga Kristiyano. Ang pagiging Kristiyano
ay pamumuhay tulad ng kay Hesus; Pagsunod sa kanyang mga atas at turo; Pamumuhay sa
kabutihan at kabanalan; at Pagpapahayag ng Mabuting Balita ng Kaligtasan. Mapaninidigan din
nawa natin ang taguri sa atin bilang Kristiyano hindi lamang sa pangalan kundi lalo’t higit sa gawa.

Pagninilay para sa Pagbabahagi


Panalangin: O Diyos na mapagpala, salamat sa biyaya na tawagin akong bilang isang Kristiyano.
Ang pagiging Kristiyano ay biyaya ngunit kailangan itong isabuhay. Tulungan mo po ako, Ama,
upang ako ay ganap na makapamuhay bilang Kristiyano kahit na sa maraming pagkakataon ito ay
hindi laging Madali. Amen.
Mga Katanungan:
1. Isinasabuhay ko ba ang aking pagiging Kristiyano?
2. Kailan ako naging tapat sa pagiging Kristiyano? Kailan ako naging hindi tapat sa pagiging
Kristiyano?
3. Ano ang paanyaya sa akin ng kwento ng kapanganakan ni Juan at pagpapangalan sa kanya?

You might also like