Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

IKAANIM NA MISA DE AGUINALDO

Lucas 1, 39-45
Ang Pagtanggap ng Mabuting Balita ay Nagtutulak Upang Magbahagi at Dumamay
Kahapon tungkol sa pagbabalita ng anghel Gabriel kay Maria ang ebanghelyong ipinahayag at
pinagnilayan. Tumanggap ng Mabuting Balita si Maria at sinang-ayunan niya ito sa pamamagitan
ng pagbibigay ng kanyang matamis na oo sa Diyos. Ang pagkakatanggap ni Maria sa Mabuting
Balita ay nagtulak sa kanya upang dalawin ang kanyang pinsang si Isabel. Dahil pinagpala siya,
magiging pagpapala din siya sa iba.
Paano naging pagpapala si Maria kay Isabel? Sa kanyang pagdalaw ay nagbahagi siya ng
kagalakan kay Isabel.Hindi niya sinarili ang kagalakan kundi ibinahagi niya ito sa kanyang pinsan.
Sa kanyang pagdalaw ay ipinadama niya ang kanyang pagdamay. Kung tutuusin hindi naman
kailangang pumunta pa si Maria sa bahay nina Isabel dahil buntis din siya. Kailangan niya ring
ingatan ang kanyang sarili. Ngunit mas pinili niyang puntahan si Isabel upang mas maipadama
ang kanyang pagdamay. Matanda na ito at kailangan nito ng kaagapay at yun ang isa sa mga
ibinigay ni Maria sa kanya.
Ang isang taong minarapat ng Diyos na tumanggap ng Mabuting Balita ay maging tulad nawa ni
Maria. Ang Mabuting Balita ay nagdudulot ng nag-uumapaw na kagalakan kaya ito’y ibinabahagi
sa kapwa. Ang pagtanggap ng Mabuting Balita ay pagdama ng pagdamay ng Diyos kaya ang
pagdamay na ito ay ipinadadama din sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan. Tulad ni Maria,
ang isang taong pinagpala ay maging pagpapala din sa iba.

Pagninilay para sa Pagbabahagi


Panalangin: O Diyos, ipinagpapasalamat ko s aiyo ang lahat ng biyayang patuloy mong
ipinagkakaloob sa akin. Ang mga pagpapalang natatanggap ko buhat sa iyong kagandahang-loob
ay magtulak nawa sa akin upang ako man din ay maging pagpapala mo sa iba sa pamamagitan ng
aking pagbabahagi ng kagalakan ng Mabuting Balita at pagdamay. Amen.
Mga Katanungan:
1. Ano ang aking pakiramdam sa pagiging Kristiyano?
2. Saana ko dinadala ng pakiramdam na idinudulot sa akin ng pagkakatanggap ng Mabuting
Balita?
3. Paano ako nagiging pagpapala ng Diyos para sa iba?

You might also like