Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

IKA-APAT NA MISA AGUINALDO

Lucas 1: 5-25
Nakakaala-ala ang Diyos sa Ating mga Panalangin
Ang Mabuting Balita para sa ikaapat na misa Aguinaldo ay ang pagbabalita ng anghel kay Zacarias
tungkol sa pagdadalang-tao ng kanyang asawang Elizabeth kay Juan Bautista. Narinig nating hindi
makapaniwala si Zacarias sa ibinalita ng anghel. Hindi naman natin siya masisisi sapagkat kung
ang pamantayan ng tao ang pagbabatayan ay tila bagang napakaimposible nang si Elizabet ay
magdalang-tao pa sa gitna ng katandaan nito.
Matagal nang ipinagdarasal nina Zacarias at Elizabet na sila’y magkaroon ng anak. Noong
kanilang kapanahunan, ang hindi pagkakaroon ng anak ay kadustaan sa paningin ng lipunan. Kaya
gayon na rin lamang ang paghahangad ng mag-asawang Zacarias at Elizabet na magkaroon ng
anak. Ngunit tila napaglipasan na sila ng panahon. Tumanda na lamang sila ng hindi nagkakaanak.
Kaya nang tugunin ng Diyos ang kanilang ipinagdarasal, hindi na sila makapaniwala. Hindi agad
nila napagtanto na walang hindi mapangyayari ang Diyos. At hindi nakalilimot ang Diyos sa
panalangin ng kanyang mga anak. Ito ang ipinapabatid ng Diyos kay Zacarias at sa ating lahat.
Ang pangalan mismo ni Zacarias ay nangangahulugang “Nakakaalala ang Diyos”. Samakatuwid
narririnig ng Diyos ang ating mga panalangin at hindi niya ito nakakalimutan. Tutugunin niya ito
sa paraan at sa oras na naaayon sa kanyang kalooban.

Pagninilay para sa Pagbabahagi


Panalangin: Amang mapagmahal, parangal, papuri at pagpapasalamat s aiyo sapagkat ikaw ang
Diyos na nakikinig at hindi nakalilimot sa aking mga panalangin. Bigyan mo ako ng pusong bukas
sa iyong pagtugon sa aking mga panalangin kahit na kadalasaa’y hindi ko ito nauunawaa. Tulungan
mo akong patuloy na magtiwala at magpaubaya s aiyo sapagkat ikaw ang lubos na nakaaalam kung
ano ang higit na makabubuti sa akin at sa aking mga mahal sa buhay. Amen.
Mga Katanungan:
1. Anu-anong mga karanasan ko sa pananalangin na tila bagang nakalimutan ng Diyos ngunit
napagtanto ko na tinugon niya na pala ito sa paraan at oras na naaayon sa kanyang
kalooban?
2. Ano ang naging reaksyon ko sa pagtugon ng Diyos sa aking mga panalangin sa paraan at
oras na hindi ko inaasahan?
3. Anu-ano ang patuloy kong ipinagdarasal sa Diyos ngayon? Naniniwala ba akong ang mga
ito ay kanyang bbibigyang-tugon?
4. Ano ang paanyaya sa aking ng pagninilay ngayon?

You might also like