Pagpapahayag NG Kalayaan NG Pilipinas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAGPAPAHAYAG NG KALAYAAN NG PILIPINAS

Ang Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas ay


iprinoklama noong Hunyo 12, 1898, sa Cavite II el Viejo
(ang kasalakuyang Kawit, Cavite), Pilipinas. Binasa sa
publiko ang (Kastila: Acta de la proclamación de
independencia del pueblo Filipino), na isinulat ni Ambrosio
Rianzares Bautista. Inihayag ng puwersang
rebolusyunaryong Pilipino sa ilalim ni Heneral Emilio
Aguinaldo ang kalayaan at soberenya ng kapuluan ng
Pilipinas mula sa pamumunong kolonyal ng Espanya.

KASAYSAYAN
KARANASAN
Nagsimula ang Rebolusyong Pilipino noong 1896. Noong
Disyembre 1897, nilagdaan ng pamahalaang Espanya at
mga rebolusyonaryo ang isang kasunduan,
ang Kasunduan sa Biak-na-Bato, na siyang
nangangailangan sa Espanya na magbayad ng 800,000
piso sa mga rebolusyonaryo at maipatapon si Aguinaldo at
iba pang mga lider sa Hong Kong. Noong Abril 1898,
noong pumutok ang Digmaang Espanyol-Amerikano,
naglayag si Komodoro George Dewey lulan ng U.S.S.
Olympia mula Hong Kong patungong Look ng Maynila at
pinamunuan ang pagdating ng Asiatic
Squadron ng Hukbong Dagat ng Amerika. Noong 1 Mayo,
1898, ginapi ng Estados Unidos ang Espanya sa Labanan
sa Look ng Maynila. Nagpasiya si Emilio Aguinaldo na
bumalik ng Pilipinas para tulungan ang hukbong
Amerikano na labanin ang Espanya. Pumayag ang
Hukbong Dagat ng ng Amerika na dalhin siya pabalik lulan
ng USS McCulloch, at noong 19 Mayo, nakarating siya ng
Cavite.

ANG PAGPAPAHAYAG NG HUNYO 12


Idineklara ang kasarinlan noong 12 Hunyo, 1898, sa
pagitan ng ikaapat at ikalima ng hapon sa Cavite sa
pinamanang tahanan ni Heneral Emilio Aguinaldo, 30
kilometro timog ng Maynila. Nakita sa pangyayaring ito
ang pagwagayway ng Pambansang Watawat ng Pilipinas,
na siyang ginawa sa Hong Kong ni Marcella Agoncillo,
Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza, at ang
pagpapatugtog ng Marcha Filipina Magdalo bilang
pambansang awit, na kilalala ngayon bilang Lupang
Hinirang, na siyang sinulat ni Julian Felipe at pinatugtog
ng bandang San Francisco de Malabon.
Ang Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ay inihanda,
sinulat at binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista sa
wikang Kastila. Ang pagpapahayag ay inilagda ng 98
katao, kabilang na dito ay isang opisyal ng hukbong
Amerikano na siyang nakasaksi sa proklamasyon.
Ipinahayag ng huling talata na mayroong isang
"estranghero" (extrangero sa wikang Kastila, na
nangangahulugang dayuhan) na dumalo sa katitikan, si G.
L. M. Johnson, na siyang inilarawan bilang "mamamayan
ng U.S.A, isang Koronel ng Artilerya". Ngunit ang pahayag
ng Kasarinlan ng Pilipinas ay ipinatupad lamang noong 1
Agosto, kung kailan marami nang mga bayan ang binuo
sa ilalim ng mga pamuntunang inilatag ng Pamahalaang
Diktaturya ni Heneral Aguinaldo.
Kinalaunan, sa Malolos, Bulacan, binago ng Kongreso ng
Malolos ang kapahayagan sa dahil sa paggigiit
ni Apolinario Mabini na siyang tumutol sa orihinal na
proklamasyon na nagpapahayag na ang Pilipinas ay
inilalagay sa ilalim ng proteksiyon ng Estados Unidos.

PAKIKIBAKA PARA SA KASARINLAN


Hindi kinalala ng Estados Unidos o ng Espanya man ang
kapahayagan.
Kinalaunan, noong 1898, ibinigay ng Espanya ang
Pilipinas sa Estados Unidos sa ilalim ng Kasunduan sa
Paris ng 1898 na siyang nagtapos sa Digmaang
Espanyol-Amerikano.
Hini kinalala ng Pamahalaang Rebolusyonaryong Pilipino
ang kasunduan o ang soberanya ng Amerika, at
nakipaglaban sa Estados Unidos ngunit sila ay nagapi.
Sila ay unang kinilala ng mga puwersang Amerikano
bilang, minsa'y opisyal, na "Insureksiyong Pilipino"
(Philippine Insurrection) ngunit kinalaunan tinawag ding
itong Digmaang Pilipino-Amerikano, na siyang nagwakas
noong madakip si Emilio Aguinaldo ng mga hukbong
Amerikano, at nagpahayag ng kaniyang pagkilala at
pagtanggap sa soberanya ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Sinundan ito noong 2 Hulyo 1902, noong nagpadala ng
telegrapo ang Kalihim ng Digmaan ng Estados Unidos na
si Elihu Root, na nagtapos na ang insureksiyon laban sa
Amerika at naitatag ang mga pamprobinsiyang
pamahalaang sibil sa halos lahat ng mga lugar liban sa
mga lugar na tinitirhan ng mga tribong Moro.
Gayunpaman, may mga maliliit na rebelyon ding naganap
sa mga sumunod na taon.
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
ipinagkaloob din ng Estados Unidos ang Kasarinlan ng
Pilipinas noong 4 Hulyo 1946 sa pamamagitan
ng Kasunduan sa Maynila. Sa Pilipinas, ang Araw ng
Kalayaan ay ginugunita tuwing Hunyo 4 hanggang 4
Agosto 1964, sa pamamagitan ng mga mungkahi ng mga
historyador at mga nasyonalista, nilagdaan ni
Pangulong Diosdado Macapagal ang Batas Republika Blg.
4166 na siyang nagtatakda sa Hunyo 12 bilang Araw ng
Kalayaan ng bansa. Nauna nang ginugunita tuwing Hunyo
12 ang Araw ng Watawat at maraming mga gusali ng
pamahalaan ang hinihikayat na ibandera ang Watawat ng
Pilipinas sa kanilang mga tanggapan.

ANG KASALUKUYANG LOKASYON NG PAGPAPAHAYAG


Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Pambansang
Aklatan ng Pilipinas ang Pagpapahayag. Hindi siya
ipinapakita sa publiko, ngunit maaari itong matignan ng
may pahintulot, tulad ng ibang mga dokumento na nasa
pangangalaga ng Pambansang Aklatan.
Noong kasagsagan ng Digmaang Pilipino-Amerikano,
nakuha ng pamahalaang Amerikano ang mga 400,000
makasaysayang dokumento at ipinadala ang mga ito sa
Estados Unidos. Noong 1958, ipinagkaloob sa
pamahalaang Pilipino ang mga dokumentong ito, kabilang
na ang dalawang set ng microfilm ng buong koleksiyon,
kung saan nasa pangangalaga ng Pamahalaang Pederal
ng Estados Unidos ang isang set.
Noong mga bandang dekada '80 o '90, ninakaw ang
Pagpapahayag mula sa Pambansang Aklatan. Dahilan sa
pagkakaroon ng malawakang imbestigasyon ukol sa
malawakang pagnanakaw ng mga makasaysayang
dokumento at sa sinundang pampublikong apela para
maibalik ang mga ito, ang Deklarasyon ay naisauli sa
Pambansang Aklatan noong 1994 ni Milagros Guerrero,
isang propesor ng Pamantasan ng Pilipinas.

ANG TEKSTO NG "AKTO NG PAGPAPAHAYAG NG


KASARINLAN NG MAMAMAYANG PILIPINO"
Ang Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ng
Mamamayang Pilipino (Kastila: Acta de la proclamación
de independencia del pueblo Filipino) ay isang bahagi ng
mahabang serye ng mga pagpapahayag ng kasarinlan,
kabilang dito ang Pagpapahayag ng Kasarinlan ng
Estados Unidos. Kabilang dito ang listahan ng mga
hinaing laban sa pamahlaang Kastila na siyang umaabot
pa hanggang sa pagdating ni Fernando Magallanes noong
1521, at "ipinagkakaloob sa aming tanyag na Diktador
Don Emilio Aguinaldo ang lahat ng kinakailangang
kapangyarihan upang magawa niyang gampanan ang
tungkulin ng Pamahalaan, kabilang na ang kaukulang
karapatan ng pagbibigay tawad at amnestiya.

You might also like