Munting Gamu Gamo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

May lilipad-lipad na isang gamu-gamo Walang anu-ano’y narinig ang sigaw,

Sa tapat ng ilaw ng lamparang ito. Nitong gamu-gamong dating sumasayaw.


Tuwang-tuwa siya sa liwanag nito. Lugmok ang katawan, pakpak ay natunaw,
Paikut-ikot pa ang munting gamu-gamo. Nasunog na pala sa lamparang tanglaw.

Sabi ng nanay niya, “O anak, halika. Umiyak si Ina at naghihinagpis


Ikaw ay lumayo sa malaking lampara. “O anak, bakit nga ba ikaw ay makulit?
Baka mamaya lang ika’y mahagip pa Matigas ang ulo’t di mapilit-pilit,
Ng silab ng apoy na maganda sa mata. Sa gawang di-dapat siya mo namang nais.

“Ay hindi po Inay, ako’y mag-iingat. Maging aral nawa’t maging halimbawa,
Titingin-tingin lang at lilipad-lipad. Ang nangyayaring itong matinding sakuna.
Hindi po lalapit, di po isasayad, Mabait, sumunod sa mga babala
Ang maliliit ko’t magagandang pakpak. ng inyong magulang, na nag-aaruga.

Bilugan ang wastong kahulugan ng mga salitang may salungguhit.

1. Ang lampara ay isang (bahayan, ilawan, lalagyan).

2. Ang munting gamu-gamo ay (malaki, mataas, maliit).

3. Kapag ikaw ay nahagip ng apoy, ika’y (masusunog, matutulog, matatapos).

4. Kay laki ng silab ng apoy. Malakas ang (ilaw, sinag, dingas) nito.

5. Si Ina ay naghihinagpis dahil siya ay (natutuwa, nalulungkot, naaaliw).

6. Ang gamu-gamo ay inabot ng matinding sakuna. Ito ay isang (maliit, mainam


grabeng) aksidente.

7. Binigyan ng babala ni Ina ang batang gamu-gamo. Ito ay isang (paalala,


pag-uutos, pagkukuwento)
8. Si Ina ay nag-aaruga sa munting gamu-gamo. Siya ang (nag-aalaga, nagpapasyal,
naglalaro) hanggang ito ay lumaki.
Iayos ang pagkakasunod ng mga pangungusap ayon sa tula. Lagyan ng
bilang 1-5 ang bawat kahon.

______ Tuwang-tuwa ang gamu-gamo sa liwanang ng lampara.

______ Nasunog ang pakpak ng gamu-gamo.

______ “Mag-iingat po ako,” ang sagot ng gamu-gamo.

______ Nag-iiyak ang ina ng munting gamu-gamo.

______ “Lumayo ka sa apoy at baka ka mahagip,” ang sabi ni Inang gamu-gamo.

Anu-anong mga aral ang sa palagay mo ay siyang matutuhan mula sa tulang


“Munting Gamu-gamo?” Lagyan ng tsek () ang gma patlang ng iyogn gma
sagot.

______ Maging matapat ka.

______ Susunod ka sa utos ng mga magulang.

______ Maging masipag ka.

______ Huwag kang maging makulit.

______ Iwasan ang pagyayabang.

______ Maging maingat ka.

______ Huwag kang magnanakaw.

______ Iwasan mo ang pagiging matigas ang ulo.

______ Makikinig ka sa mga paalala ng magulang.

______ Maging mabait ka.

You might also like