Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

REVIEWER SA ESP

IKALAWANG MARKAHAN
1. “ Kaibigan kita dahil masaya kang kasama”, ang kataga na naglalarawan sa
pakikipagkaibigang batay sa pangangailangan.
A. Tama B. Mali C. Di Tiyak D. Wala sa nabanggit

2.“ Kaibigan kita dahil kailangan kita “, ang kataga na naglalarawan sa


pakikipagkaibigang batay sa pansariling kasiyahan.
A. Tama B. Mali C. Di Tiyak D. Wala sa nabanggit

3. Itinuturing na pinakamalapit mong kapwa


A. Kamag-anak B. Kaibigan
C. Kapitbahay D. Pamilya

4. Ito ay ang mga taong sa labas ng iyong sarili.


A. Kaibigan B. Kapwa
C. Kapitbahay D. Kasama

5. Ang matinding pagkagalit ay


A. pagkamuhi B. pagkainis
C. pagkayamot D. pagkapoot

6. Ito ay kagyat at likas na tugon o reaksyon ng tao sa mga bagay na kanyang


nakita, naramdaman, naamoy, nalasahan at narinig na binibigyan ng
interpretasyon ng kanyang pag-iisp.
A. Kilos B. Mood C. Emosyon D. Desisyon

7. Ang paghahangad ng _________ para sa kapakanan ng kaibigan ang


pinakamataas na antas ng pagkakaibigan.
A. Kasiyahan B. Mabuti C.Tagumpay D. Kayamanan

8. Ito ay emosyong may matinding sama ng loob at pag-ayaw sa isang tao o bagay
dahil nakapagdulot ito ng hindi magandang bagay o sakit sa tao.
A. Pagkatakot B. Pagkagalit
C. Pagkagulat D. Wala sa nabanggit
9. Itinuturing na kapitan ng pangkat
A. Lider B. Tagasunod
C. Tagapayo D. Lahat ng nabanggit

10. Birtud ( virtue ) sa pamamahala ng emosyon , ito ay ang pag-iisip nang mabuti
bago magpasiya o kumilos sa gitna ng pagkagalit, pagdadalamhati at kawalan ng
pag-asa.
A. Katarungan B. Matalinong Paghusga ( Prudence )
C. Katapatan D. Kahinahunan

11. Ito ang Ang Golden Rule sa pakikipagkapwa ayon kay Socrates
A. Huwag mong gawin sa kapuwa mo ang ayaw mong gawin ng kapwa mo sa iyo
B. Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili.
C. May karma sa bawat kasamaang gagawin sa kapwa mo.
D. Lahat ng nabanggit.

12. Ito ay ang mataas na kamalayan at epektibong kasanayan upang


mapangasiwaan nang mahusay ang emosyon.
A. Inteliigence Quotient ( IQ ) B. Emotional Quotient ( EQ )
C. Social Skill Quotient ( SSQ ) D. Wala sa nabanggit

13. Ito ay kagyat at likas na tugon o reaksyon ng tao sa mga bagay na kanyang
nakita, naramdaman, naamoy, nalasahan at narinig na binibigyan ng
interpretasyon ng kanyang pag-iisip.
A. Kilos B. Mood C. Emosyon D. Desisyon

14. Huwag mong gawin sa kapwa ____ ang ayaw mong gawin ng kapwa mo sa
____
A. mo - iyo B. iyo – mo
C. iba – sarili D. sarili – iba

15. Ang _____________ ay isang malalim na uri ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.


A. Pakikipagkapwa B. Pakikipag-ugnayan
C. Pakikipagkaibigan D. Pakikisalamuha
16. Ang tao ay likas na ________ nilalang, dahil mamumuhay siya na kasama ang
kapwa at para sa kapwa.
A. Panlipunan B. Espirituwal
C. Pangkabuhayan D. Pampulitikal

17. Ito ang pinakamataas na uri ng pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle.


A. Pakikipagkaibigang batay sa pangangailangan
B. Pakikipagkaibigang batay sa kabutihan
C. pakikipagkaibigang batay sa pansariling kasiyahan
D. Wala sa nabanggit

18. Aspekto ng pakikipagkapwa na kung saan maaari kang makatulong sa


pamamagitan ng pagtugon sa kanyang mga pangangailangan tulad ng pagkain,
tirahan at iba pa.
A. Pangkabuhayan B. Panlipunan
C. Pang-intelektuwal D. Pampulitikal

19. Aspekto ng pakikipagkapwa na kung saan maaari kang makatulong sa


pamamagitan ng pagbibigay ng puhunan sa pagnenegosyo o pagtuturo ng
negosyo o pagkakakitaan.
A. Pangkabuhayan B. Panlipunan
C. Pang-intelektuwal D. Pampulitikal

20. Alin ang pinakamagandang layunin sa pakikipagkaibigan?


A. Maituturing na isang kayamanan ang kaibigan
B. Isang paraan na makasiguro sa pagdamay ng kapwa sa oras ng kagipitan
C. Nakatutulong sa paghubog ng mabuting pagkatao
D. Lahat ng nabanggit
21. Bakit mahalagang pamahalaan nang maayos ang emosyon?
A. Nakaaapekto ito sa pagpapasya at pagkilos ng tao.
B. Magiging mapanganib ang sarili kung hindi mapamahalaan nang maayos ang
emosyon.
C. Magiging mapanganib ang kapwa kung hindi mapamahalaan nang maayos ang
emosyon.
D. Lahat ng nabanggit.

22. Ito ang pinakamababaw na uri ng pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle.


A. Pakikipagkaibigang batay sa pangangailangan
B. Pakikipagkaibigang batay sa kabutihan
C. Pakikipagkaibigang batay sa pansariling kasiyahan
D. Wala sa nabanggit

23. Bakit kailangan ang mahusay na pamumuno?


A. Para sa pag-unlad ng bansa
B. Siya ang may kakayahan na manghikayat ng kapwa.
C. Nakasalalay ang pagtatagumpay ng isang samahan
D. Siya ang nangangasiwa sa isang grupo

23. Ang ________ ay palatandaan ng pagkakaibigang batay sa kabutihan at


pagmamahal matapos ang hindi pagkakaunawaan at hindi pagkakasundo.
A. Pagtutulungan B. Pagkakamabutihan
C. Pagkakaisa D. Pagpapatawad

24. Hindi lahat ng tao ay ituturing na kapwa dahil sa kanilang distansiya, lahi at
katayuan sa buhay.
A. Tama B. Mali C. Di Tiyak D. Wala sa nabanggit

25. Ito ay emosyong may matinding sama ng loob at pag-ayaw sa isang tao o
bagay dahil nakapagdulot ito ng hindi magandang bagay o sakit sa tao.
A. Pagkatakot B. Pagkagalit
C. Pagkagulat D. Wala sa nabanggit

You might also like